CHAPTER THREE

37 3 0
                                    

"Hmm." Titig na titig si Rhett sa batang natutulog ngayon sa couch. Nakatulog ito pagkatapos kumain.

"What are you doing?" Szadi.

Rhett sat on the carpet, his back now leaning on the couch where the boy was sleeping.

"The kid has curly hair with doey grey eyes." Rhett stated while looking elsewhere. "And he has small pouty red lips and super chubby cheeks."

Szadi crossed his arms over his chest, "And?"

"Hindi kaya may lahing foreigner 'yan?" Rhett asked, his amber eyes looking up at Szadi's light brown eyes.

"Like us?" Sza.

"Yep. Like us." Rhett answered. "Mukha naman hindi napapabayaan ang bata, pero nakakapagtaka naman na makikita ni Saxen 'yan sa bukid—  nga ba nasa bukid ang gagong 'yon?"

"He's probably lost in his way again." Sza answered with a shrug and looked at the boy intently.

Rhett is right. Malusog at maputi ang bata. Mukha nga rin itong galing sa maayos na pamilya kaya paano nangyari na makikita ito sa gitna ng kawalan?

Kanina rin nang kinakausap nila ito ay hindi gaanong makaintindi ng tagalog. May mga responses ito sa salita pero mangilan-ngilan lang iyon. Mas nakakaintindi pa rin ito ng english.

"I'll call my brother to ask for help." Rhett, "he has a wide connection in FBI. Baka sakaling mapabilis ang paghahanap sa magulang niyan."

"That's better." Szadi.

Akmang tatawag na si Rhett sa phone nito nang matigilan ng makaramdam ng mainit na likido sa bandang likod niya.

Hindi siya makagalaw lalo na't napatunayan ng hinala niya ang sunod na mapanghing amoy.

"Oh, fuck..." he closed his eyes trying not to get pissed, "Saxen, you bastard. Come here!"

Hinihingal na lumapit si Saxen kay Rhett. Mabilis napunta ang tingin niya sa bata at nakahinga siya ng maluwag nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog.

Hindi na nakaiwas si Saxen nang may tumamang throw pillow sa mukha niya. Kasabay ng matatalim na tingin si Rhett sa kaniya ay nagtatakang tinignan niya si Szadi na halos mamula na sa katatawa sa isang couch.

"This is your fault, damn it!" Rhett.

"Why? What's going on?" Naguguluhang tanong ni Saxen sabay turo sa t-shirt ni Rhett na kahuhubad lang, "bakit basa ka—"

"That germ peed on me! Fuck, I smell awful!" Nagdadabog na sabi nito.

"Mura ka nang mura, may natutulog." Vigo, natigilan ito saka huminga nang malalim para hanapin ang naaamoy, "why does it smell—"

Hindi na naituloy ni Vigo ang sasabihin nang makitang basa ang damit ng bata. May nakita pa siyang mangilan-ngilang basa sa parte ng couch.

Kunot-noong iniangat ni Vigo ang suot nito at napapikit nang mariin nang nasaktuhan pa niyang may mini-fountain na lumabas— pahabol ng ihi nito habang humahagikhik pa sa pagtulog.

"Tangina! Ang panghi ko!" Galit na sigaw ni Rhett saka nagdadabog na pumunta ng second floor. "Kaliligo ko lang, basa pa nga yung buhok ko, maliligo na naman ako! Peste!"

"M-my stomach..." daing ni Szadi na tawang-tawa pa rin. "That was a good laugh."

Nag-aalangang lumingon sa Saxen kay Vigo na nakatayo lang sa gilid at walang imik.

"Vie, I'm so sorry." Mabilis niyang sabi. Alam niya kung gaano ka-paborito ni Vigo ang couch set nila sa bahay. And that's probably an imported couch. "I'll pay for it. Tell me where you bought it and I'll purchase a new one."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon