Hello po!yung male lead po parati ang may POV dito since sya naman talaga ang bida.
Yun lang po and enjoy reading...
RAVEN POV
"Ma ako na po diyan." Sabi ko ng makitang kukunin na ni mama ang mga panindang turon,bannaque,camoteque at Maruya.
"Naku!ano kaba Ben! Ako na dito gawin mo nalang ang mga takdang Aralin mo." pangaral ni mama
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang dalawang basket Kay mama.
"Ma.tapos ko na po 'yung mga yon"
"Sigurado kaba Ben?"nanliliit na Matang tanong sakin ni mama.
Nginitian ko nalang si mama at tumango.
"O'sya,kung ganoon susundoin ko nalang ang kapatid mo Maya Maya"tukoy nya sa nag I-isa kong kapatid na babae.
Tumango nalang ako Kay mama at naglakad na Palabas ng bahay para mag lako ng paninda.
2nd year college na ako kaya kayod kalabaw Kami ni mama,lalo na at maraming demand na projects,pati yung mga presentations na Kailangan gamitan ng laptop.
At ang papa ko naman wag nalang natin pag usapan...
Meron naman akong cellphone kaya lang luma na ito at maliit lang ang space kaya hindi kakayanin kung dito ako mag e-edit.
"Ate,bannaque?,camoteque?,turon,maruya?"Pag aalok ko sa mga ale na nag kukumpulan, may pinag chu-chismisan ata.
"Sge,pabili nga Kami ng limang turon at bannaque, tapos apat na camote lang."
Binalot ko na agad ito at ibinigay sakanila."Sukli ho, bente"pag aabot ko.
Napatingin naman ang ale sakin at umiling.
"Salamat po ate!"masayang sabi ko na tinanguan nya lang at bumalik na sa pakikipag kwentuhan.
Nakaraan ang ilang oras napaubos ko rin ang aking paninda.
Kaya naman naglakad na ako pauwi sa bahay ng may masayang ngiti sa labi na agad rin namang nabura.
"ASAN NA YUNG MAGALING MONG ANAK HA?!"Sigaw na maririnig sa loob ng bahay.
"A-Ano ba Ricardo!Nasasaktan na ako!"
Kaya naman dali dali akong tumakbo sa likod bahay.
Naghukay ako ng lupa at duon itinago ang napag bentahan ng aking mga paninda.
Pag tapos ay nag pagulong gulong ako sa putik tapos pinunit punit ang damit ko.
Nang makuntento ako sa ayos ko nag Madali akong pumasok sa bahay.
"M-Ma..P-Pa..Tama n-na po." Nakikiusap kong sabi.
"Nariyan ka lang palang hayop ka!Asan na ang mga pera!" galit na sabi ni papa habang hinila ang buhok ko,kaya naman napatingala ako sakanya.
Malaki kasi ang katawan ng aking papa pero Ayaw naman mag trabaho ng maayos.
"T-Tigilan mo si Ben! Ricardo!"galit at nag susumamong sigaw ni mama.
"Wag kang makialam dito Marta!"
Umiling ako Kay mama ng makitang balak nyang lumapit.
"W-wala p-po p-papa! N-Nanakawan po a-ako ng mga b-binatang tambay sa kabilang b-brgy."nauutal kong sabi.
Napaluhod naman ako ng makaramdam ako ng Sakit sa sikmura dahil sa pag suntok ni papa sa akin.
"Wala ka talagang silb--"
"Ricardo! Hayop ka!"Tinulak sya ni mama at yumakap sakin.
"Sabi nang wag kang mangialam!"sasampalin na sana ni papa si mama ngunit hindi natuloy dahil lumabas ang bunso kong kapatid sa kwarto.
"W-Wag po! P-papa!"Lumapit ang kapatid ko Saamin ni mama at yumakap din.
Inis naman na sinipa ni papa ang lamesa Saka lumabas.
"S-Shh.wag kana umiyak,A-Ayos lang Kami ng k-Kuya mo"pag aalo ni mama sakanya.
Hindi ko Alam kung Anong nangyayari pero kusa nang pumipikit ang mga Mata ko,
Sigro dahil narin sa Sakit at pagod.Itutuloy...
Please click the star below!:)
YOU ARE READING
Dominant Girls Series 1: The Innocent Man Whore
Romance"tonight.. I can be your Mommy Or Baby, you choose.."