I

26 3 1
                                    

Sage's point of view

"nagbabasa ka nanaman?" bungad sa'kin ni Haven na kakarating lang. "well, it's more fun than having a name "Haven" tapos parang galing impyerno" natatawa ko pang sagot. Inirapan lang ako nito at umupo sa tabi ko. "I said it's 'paige', no one calls me that" pagtatama niya pa sa'kin.

"I guess i'm 'no one'" pang-aasar ko pa ulit. Hindi nalang ito sumagot at tiningnan ako ng masama.

Kasalakuyan naman kaming nasa likod ng school kung saan may mga upuan sa ilalim ng isang malaking puno ng acacia. Mahilig naman din kaming tumambay dito magkakaibigan. Nauna lang ako dito dahil vacant naman namin. "where's the three?" tanong ko habang hindi siya nililingon.

"sasagot ba yang libro?" masama kong tiningnan 'yong kakarating lang na si Leigh pagkatapos niyang sabihin 'yon. "joke" bawi nito. Napailing nalang ako at binalik ang tingin sa libro. "oh, bakit hindi mo kasama si Macy at Aria?" rinig kong tanong ni Haven. "Bumili pa sila sa canteen, tinatamad na akong sumama, ubos na kaya pera ko" sagot ni Leigh.

"Sus, hindi ka lang nilibre eh" natatawa kong sagot at sinara ang librong binabasa. "Ayan nanaman siya" saad ni Leigh at tiningnan si Haven na mukhang alam na rin kung anong sasabihin ko.

"Hoy, mamaya ko pa ik-kwento. Ikaw talaga masyado kang excited" sarkastiko ko namang sagot. Napabuntong hininga nalang 'yong dalawa.

Grabe, parang sawang sawa na sila pakinggan ako

"pero hindi niyo ba naiisip?" panimula ko. "Sage Mavis Hennaley, for the nth time!" sigaw ni Leigh.

Epal talaga 'tong babaeng 'to. "Hindi ikaw kausap ko, shut up" sagot ko sakan'ya at inirapan siya sabay harap kay Haven na handa nang makinig sa sasabihin ko. "Oh hey, you two are here, finally" baling ko naman ng atensyon ko sa dalawa na halos lumobo na yung mga pisngi sa daming nginunguya.

Kumaway naman si Macy sa'min habang si Aria ay seryoso lang na kumakain. Kumaway din pabalik si Haven at biglang tumakbo para kumuha ng pagkain. Napaface palm nalang ako.

"Here's the fun part guys, one of them is a traitor" sabi ko sakanila. I've been reading this book for like a week now. It has no title though, kaya curious talaga ako. At dahil tamad silang magbasa, ako nalang ang nagkkwento sakanila. Sawang sawa na nga sila marinig 'yon, paulit ulit ba naman ako araw araw at puro what if's pa.

"what?! who?" gulat na tanong ni Aria.

"It's a secret" sagot ko na agad naman nilang ikinasimangot ni Haven. "I bet it's Mercury" sambit nito. "Yeah, we all know it's Mercury, she's been "SUS" the whole fucking time" dagdag ni Aria na pinangdiinan pa ang word na 'sus'. Mercury is one of the characters from the book.

Natawa na lamang ako, kasi sila talagang dalawa yung abang na abang sa kinikwento ko lagi. Pero binibiro ko lang naman sila,

wala naman talagang traydor eh,

because they're inseparable.

no one can break them,

even the stars,

and even the universe.

actually, wala pa nga ako sa mismong plot eh. Kahit isang linggo ko na'tong binabasa, hindi ko pa rin alam kung tungkol saan ba talaga 'tong kwentong 'to. All I know is that they're just normal girls, and found out they're not 'normal-normal'  and got lost.

that's it, ganon palang.

"who knows?" natatawa at nakakaasar ko na sagot sakanilang dalawa pero sinamaan lang ako nito ng tingin.

Descendants of the OrbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon