Eto nanaman ako, nag iisip ng magandang isulat. Yung papatok kahit alam kong hindi naman. Minsan sa pagsusulat ko, feel na feel ko na maganda. Tapos pag binasa ko ulit, amg corny na pala. Di ko nga alam kung may babasa neto e. Lakompake.
Ngayon, nagsusulat ako kasi gusto ko nalang. Dati kasi gusto ko maging sikat na writer. Yung pwede ba madiscover. Kaso nakakatamad maging magaling. Joke.
Alam ko na ayaw talaga sa akin ng pagsusulat. Ako lang may gusto sakanya. Unrequited even in writing. </3 I even call myself WRITER, e wala pa nga akong Completed Publlished Book kahit dito lang sa wattpad. Kahit nga sa sarili kong notebook wala pa. Di ko alam sa sarili ko. Gustong gusto ko magsulat.
Alam nyo yung feeling na ang hirap umpisahan. Tapos pag naumpisahan mo na, ang hirap naman tapusin.
Totoong walang kabuluhan 'tong pinagsasabi ko. Nakakaloko.
Ang galing ng mga kamay ko sa pagtipa ng keyboard. Sunud-sunuran sa sinasabi ng utak kong walang kwenta ang laman. Hahahahaha.
Wala talaga 'tong sense no? At sa ngayon, namomroblema nanaman ako kung pano tapusin 'tong speech kong walang kwenta. HAHAHA!
ps, BANG CORNY KO.
#walangmabutingsinabi.
fri, 19Jun2015--7:16pm
