Chapter 6

35 5 0
                                    

Haneul/ Hannah's POV

Maaga akong nagising para puntahan ang restaurant nila tita ngayon. Bubulagin ko sila ngayon wahahaha!!

Nagprefer muna ako ng sarili ko at kinuha ang mga gamit ko dahil doon ako makikitira ngayon tsaka ako lumabas ng kwarto ko. Bumukas din yung pintuan ni Haejoon mukang bagong gising siya ngayon..

Tinignan naman niya ako kahit mapulungay ang mata ma niya.

"Ano yang dala dala mo?" Tanong niya.

"Ito? Gamit ko makikitira ako kayla tita." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit ka makikitira pa doon eh pwede ka naman dito?" -siya.

"Bakit ba!? Gusto ko ehh!! Kung gusto ko pumunta ka rin doon at doon tayo makitira. Pag kase tayo dito ehh boring!" Sagot ko sa kaniya. Ginulo nalang niya ang buhok niya dahil sa frustration.

"Hays, bahala ka nga! Babalik ka naman dito ulit eh." Sabi niya. Napataas naman ako ng kilay. Gaano ka sure siya na babalik ako dito?

Inirapan ko nalang siya bahala siya sa buhay niya. Tsk!

Naglakad na ako pababa sumunod naman siya sa akin.

"Mag breakfast ka muna kaya.." sabi niya.

"Hindi na, doon nalang ako magbrebreakfast kayla tita." Sabi ko sakaniya habang bumababa ng hagdanan.

"Yung lunch mo?" Sabi niya. Magbabaon kami? Pwede naman bumili sa canteen ahh. Ayy oo nga pala nagtitipid kami ngayon.. hays

"Bigay mo nalang sa akin sa school mamaya.." sagot ko sa kaniya.

"Kala ko ba ayaw mo kausapin kita sa school?" Sabi niya. Napatigil naman ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya ng masama.

"Kahit abot mo nalang doon sa bandang likod ng school. Doon sa pinaghilaan ko sayo nong nakaraan araw. Chat mo nalang ako kung aabot mo na." Sabi ko sa kaniya at nagumpisa na ulit maglakad.

"Okay.." sabi nalang niya..

Kinuha ko ang sapatos ko sa sapatusan namin malapit sa pinto. Korean Theme kase yung bahay namin, hinuhubad ang sapatos bago pumasok.

Well korean naman kami kaya yun..

Umupo muna ako sa sahig bago ko sinuot ng maayos yung sapatos ko.

"Ohh!" - Haejoon. Bigla naman niya tinapat sa akin yung plastic na may laman na dalawang sandwich.

"Ano to?" -ako.

"Bulag ka ba? Egg sandwich yan! Hinanda ko nayan kagabi bago matulog." Sabi niya. Aba gumagaya na siya sa akin na nagsungit sungitan.

Napairap nalang ako sa kaniya tsk!! Oo alam ko sandwich yan okay!!

Kinuha ko nalang ito at tumayo na para umalis na.

"Uy Haejoon yung bahay ahh maglinis ka! Ang tamad mong maglinis hays." Sabi ko sa kaniya. Ngumisi lang siya sa akin..

Tamad kase yan, ultimo ako na nagaayos ng kwarto niya pag minsan na napapadalaw ako sa kwarto niya.

Hays...

Bahala na siya..

Lumabas na ako nag umpisa ng maglakad..

------

"Sorry Were Close..." Basa ko doon sa sign naka post. Napatunga nga naman ako dahil sa nabasa ko..

Were close...

Oo alam kong maaga pa para mag bukas sila kaya normal lang yung sign na yun. Noon kase kahit nakasarado pa sila ay nakakapasok ako makikikain ako sa kanila. Pero iba ngayon...

My Brother And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon