chapter 23

996 37 0
                                    

Zeriana pov

pagdating namin humilata agad ako sa kama habang sila kuya ay deretso sa throne room.

pwedi namang sigurong matu--

"Princess!!! "

anak ng !!!

"Bakit niyo po ako iniwan "  ngawa nito  at niyugyug ako

"m-mia b-bitawan mo balikat ko .. sabing bitawan mo ehh!!"  napa bitaw naman siya dahil sumigaw na ako  hinawakan ko ang ulo ko at hinilot ito.

nahilo ako dun hah.

"sorry princess-  esti Zeria na miss lang kita hehe"

pinaningkitan ko lang siya ng tingin.

" Zeria alam mo bang maraming nangyari dito ng wala ka lalong lalo na ng kapatid mo "

kunot noo ko siyang tiningnan ano bang nangyari ?

" bakit  ano bang ganap dito ? lalong lalo na kay Sherine " bagot kong tanong habang umupo ng pang budha sa kama at nilagay ang unan sa  hita ko .

"halos araw araw siyang nag paparty dito akala mo kung sino " 

hindi ko alam kong matutuwa ba ko na hindi magkasundo sila sherine at mia o talagang masamang empluwensya ako sa kanya.

"Zeria alam mo bang balak niyang kunin ang iniibig  mo "

kung titingnan naman si Mia may maamong mukha , katamtaman ang katawan , bilogan ang mata .

"zeria nakikinig kaba ?"

"huh ? ano ulit  ?"

"sabi ko na ngaba hindi ka nakikinig ehh" maktol niya at umupo sa harapan ko 

"hahah sorry na, ano nga ulit sinabi mo ? "

" kukunin ng kapatid niyo ang taong gusto niyo "

ehh? may crush si Zeriana? ba't di ko alam yun.

"Mia hayaan mo na hindi ko rin naman maalala kung sino ang sinasabi mong iniibig ko eh" pag dadahilan ko ,  half true naman talaga hindi ko kilala kung sino ang crush ni Zeriana. Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata niya pero panandalian lang yun.

"oo nga pala ... pero alam kung makakahanap ka ng taong magmamahal sayo princess"   naka ngiti niyang sabi .

napangiti nalang ako sa sinabi niya
  sana nga mia dahil hindi ko pa naranasan mahalin at mag mahal.  isip ko

"Mia pwedi mo ba akong samahan mamaya balak ko lang maglibot " sabi ko habang tumayo sa kama at pumunta sa balkonahe .

"sure princess .... sandali lang at magbibihis ako princess! " 

napa iling nalang ako ng marinig ko ang nagmamadali niyang yapak paalis.

bukas na ang kaarawan ko ... sana naman maging masaya ako kahit ngayun lang.

**************

" Zeria  sigurado ka bang hindi tayo pagagakitan ng hari ?" 

inis kong nilingon si Mia putek halos mag dadalawang oras na niya yun tinatanong  sakin.

"calm down Mia okay  alam mo namang walang paki sakin yun kaya dalian mo jan !"  sigaw ko dahil ang hina niyang maglakad  ngeta naman .

"ito na  nga  hintay naman" 

nandito kami sa magubat na daan , balak ko kasing pumunta sa Capital . iba kasi ang Capital sa mga Capital na nabasa ko sa libro ehh   kaya curious ako. 

"Mia malapit na ba tayo?"

"hmmm malapit na po Princesa "  tumango nalang ako at nagpatuloy sa
paglalakad . mga ilang oras na ba kaming naglalalad ?   isa ? dalawa? tat-

"nandito napo tayo prin- Zeria pala "

tiningnan ko ang nasa harapan ko, hindi ko mapigilang hindi mamangha  putek fake news pala nakalap ko na dilikado ang Capital nila dito .
maraming mga paninda sa gilid ng daan。

"Mia ! don tayo" hinila ko siya  at nakisiksik  sa mga taong naglalakad habang tinitingnan ko ang ibat ibang bagay na binibinta nila , may prutas mga bagay na gawa sa mahika. may nakita din akong bumubuga ng apoy  .

" sandali lang Zeria  mag ingat po kayo" hindi ko pinansin ang sinabi niya at naglakad nalang habang tinitingnan ko pa rin ang mga paninda sa gilid

"Eha bumali kana masarap to "

tiningnan ko ang paninda niyang mga prutas 
ang galing umiilaw sila at iba ang itsura.

"magkano po lola? " tanong ko

" tatlong pilak lang eha "  ngumiti ako bago kumuha ng tatlong pilak.

"ito po lola " inabot naman niya sakin ang dalawang piraso .

"Zeria ! "

nilingon ko si Mia na tumatakbo palapit sakin.nakasunod lang naman siya sakin kanina hah ? inintay ko nalang siyang makalapit sakin

hingal naman dumating sa harapan ko habang naka hawak sa tuhod niya .

"bakit ka kasi tumakbo " pwedi namang maglakad hah.

"kailangan na po nating  bumalik Zeria "  hingal niyang sabi sakin

"ano! ayuko no kadadating lang natin tapos aalis tayo agad , hindi pa nga ako nakakapag ikot ng matagal ni hindi ko pa napuntahan ang ibang mga paninda eh" hiningal ako duh hah .

"pasensiya na Zeria pero  kailangan na talaga nating umalis "  taka ko naman siyang tiningnan  kita ko ang parang hindi siya mapakali .

" tapatin mo nga ko Mia " seryoso kong tanong

" p-po? "  mas lalo akong naghinala ng kita kong napa lunok siya.

" nagnakaw kaba hah Mia ! kaya gusto mong umuwi tayo agad kasi tak-"

"hindi ako nag nakaw " 

" ehh bakit tayo nagmamadaling umuwi? " taas kilay kong tanong .

" ahhh.... b-baka hinahanap kana ng mga kuya mo  , tama baka hinahanap kana nila" sabay tango tango niya.

duh busy sila kuya para bukas  pano sila mag kakaroon ng time para alamin kung tumakas bako o hindi .
 
" AHHHHHHH"

" bilis takbo! "

"Wag ang anak ko !"

anong nangyayari?  
bigla nalang nag takbuhan ang mga tao sa ibat ibang direksyon . 

"Mia .. anong nangyayari?" tanong ko  may naka bungo sakin dahilan para mawalan ako ng balanse at napa upo sa daan

aray naman  ang pwet ko*   isip ko  hinimas ko ang pang upo ko at tumayo.

"Zeria !"

tika naman   tiningnan ko si  Mia na pilit na pumunta sa gawi ko pero sa dami ng taong nagtatakbuhan  nababangga nila ako at minsan naman may hihila sakin pa takbo na mas lalo kong ikinalayo kay mia.

"Mia!  tika sandali po wag niyo po akong hilahin!" binawi ko ang kamay ko sa matandang babae na humila sakin.

"Halika na ining baka makuha ka nila!"  sabay higit ulit sakin.

" pero .. may kasama po ako kailangan ko po siyang balikan "   sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak niya at pilit sumisiksik sa mga taong nasa daan pabalik .

" Mia! Mia asan ka?! "     kinakabahan nako   , asan na ba ang babaeng yun? 

" Mia! Mia sumagot ka! "  dito ko lang siya nakita kanina hah .  nilibot ko ang tingin ko sa mga nagtatakbohan baka sakaling  makita ko siya. pero wala talaga.

" Mi-hmmmm "   bigla nalang nangdilim ang paningin ko ng may bigla nalang  nagtakip sa ilong ko

"boss ! jack pot tayo sa isang to " huling rinig ko bago tuluyang mawalan ng malay .

Mia ... sambit ko











Unwanted Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon