ENTRY 13: The Last Christmas

22 2 0
                                    

Title: The Last Christmas

Pen name: JustDiariee

Word count: 981

Story: Flash fiction

DALAWANG araw bago ang pasko, nag text sa akin si Diego, my LDR boyfriend, and he asked me if okay lang ba na sa bahay nila kami magce-celebrate ng pasko since 1st monthsary din namin 'yon.

My family knew that I have a boyfriend, nagpaalam na rin ako sa kanila, at pumayag naman sila, but my guts saying opposites, tila ba sinasabi ng isip ko na huwag akong pumunta.

Pero wala naman sigurong mawawala kapag pumunta ako ro'n 'di ba? Siguro nga dahil kinakabahan lang ako. Gano'n naman talaga 'di ba? Lalo na kapag first time mong mame-meet ang family ng jowa mo?

"Ay, ineng, sasakay ka ba o hindi?" nabalik ako sa ulirat dahil sa lakas ng boses ni manong.

Nahihiyang tumango ako rito, "Opo. Pasensya na po!" wika ko bago sumakay.

"Ayos lang. Saan ka pala?" tanong niya ulit.

"Diyan lang po sa may terminal." sagot ko, kita kong tumango lang si manong sa side mirror kaya binalik ko nalang ang tingin ko sa kalsada.

Nang makarating sa terminal ay agad akong nagbayad at sumakay ng bus papuntang Valencia. Habang nakatanaw sa bintana ay iniisip ko kung ano ang itsura ni Diego, ang sabi niya ay hindi raw siya kagwapuhan, bagamat marami nang nagkakagusto sa kaniya. Napangiti ako sa naisip, sana mabait ang mga magulang niya.

Pagkalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa Valencia kaya bumaba na ako, may nakasabay din akong Ale na bumaba rin kaya hinabol ko ito.

"Hello po, pwede pong magtanong? Saan po rito ang Villia Del Castro?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

Tinext ko namana si Diego na nandito na ako sa Valencia at sunduin nalang ako pero hindi ito nagre-reply. I also called him pero out of reach ang lalaki.

"Ano kamo? Villia Del Castro?" nagtataka nitong tanong.

"Opo, bakit po?"

"Wa-Wala n-naman. D-doon!, doon 'yon b-banda!" utal-utal na iwas na turo nito sa daanan.

"Sige po, salamat!" akma na sana akong aalis ng napatigil ako sa sinabi nito.

"Mag-iingat ka ineng, marami nang nakakapunta riyan na hindi na nakakabalik pa."

Umiling ako at isinawalang bahala nalang ang sinabi niya, hanggang sa makarating ako sa harap ng Villia.

"I'm sorry, nakatulog ako. Wait saan ka na ba? Papunta na ako diyan, sorry talaga, promise babawi ako," basa ko sa text ni Diego.

"Ih? Nandito na ako sa harap ng Villa niyo. Asan ka na ba?" bago ko paman ma e-send ang send button ay may tumawag na sa pangalan ko.

"Amara?"

Kaya napa-angat ako ng tingin. And there! I saw a tall guy. He's so fine as fire, with his plain t-shirt attire. Sobrang pogi niya mga behh! Talaga bang boyfriend ko 'to?

"Is that you?" hindi ko napansing nasa harap ko na pala siya. Lutang akong tumango.

"O-Oo! A-Are you Diego D-Del Castro?" tanong ko sa nanginginig na tono.

I heard him chuckled. "Yes, I am!"

Akma ko na sana siyang yayakapin pero umiwas ito.

"S-Sorry." nahihiya kong sabi.

"Okay lang, tara na? Baka hinihintay na nila tayo."

Tumango ako bilang tugon at tahimik na sumunod sa kaniya. Malaki ang bahay nila. Maraming mga bulaklak sa gilid-gilid at mga christmas lights, pansin ko rin ang mga parol na nakasabit sa mga puno.

"Gawa ko 'yan, ang ganda 'no?" biglang tanong ni Diego nang mapansing nakatingin ako sa mga parol.

Tumango ako kaya ngumiti ito.

"Ang galing ko talaga!" hambog na sabi nito sa kanyang sarili kaya natawa kami pareho.

Nang makapasok kami sa kanilang bahay ay pina-upo niya muna ako sa sofa bed. He call his mom and dad who was busy preparing food.

"Ma, Pa, si Amara nga pala, girlfriend ko." pakilala sa akin ni Diego.

Yumuko ako at nagbigay galang. "Hello po, magandang hapon po at maligayang pasko!" nahihiya kong bati ngunit tango lang ang isinagot ng dalawa at binigyan ako ng maiinom at makakain

I didn't ask, pero nag thank you nalang ako. Uminom narin ako dahil nakaramdam ako ng medyo pagkauhaw, ngunit gano'n nalang ang gulat ko ng malasahan ito. Grabe, ang pait!

"Kung inaakala mong juice 'yan, ay nagkakamali ka." Diego's father testify.

Nakaramdam ako ng init sa lalamunan kaya tinikman ko ang cake na bigay nila na nasa maliit na mesa, inaakalang mababawasan nito ang init sa lalamunan ko.

"Kung inaakala mong normal na cake lang 'yan, ay nagkakamali ka ulit." at sa pagkakataong ito ay mama naman ni Diego ang nagsalita.

Ngayon, hindi lang init ang nararamdaman ko kundi pati narin ang pagkahilo. I tried to hold Diego's hand na nasa tabi ko lang ngunit nagulat ako ng itinakwil nito ang kamay ko.

"See? Ang dali lang! May ulam na tayo ngayong pasko at sa darating na bagong taon. Good job, anak!" nahihilo lang ako pero hindi ako bungol. Alam kong papa iyon ni Diego.

"Mukhang masarap gawing Adobo ang karne niya, ano sa tingin niyo?" rinig kong wika ng mama niya.

"Narinig mo 'yon? Masarap ka raw gawing Adobo, Amara." ramdam ko ang maiinit ng hininga ni Diego na tumatama sa leeg ko.

"Diego please!" I tried to push him, pero ang lakas niya kumpara sa lakas ko.

Alam kung hindi na ito tama kaya kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko pero wala na roon ang cellphone ko.

"Tryin' to escape, huh?" it was Diego again.

"P-Please... prank l-lang 'to 'di ba?... Surprise prank lang 'to 'di ba? Diego, love?... P-Please sabihin niyong prank lang 'to..."

I begged, but they just laugh psychopathically. Sobrang layo nila sa inaasahan ko.

"Merry Christmas, Amara." Diego greeted. Then, I felt a sharp pain in my neck.

"Also, happy not happy 1st monthsary, Amara, babe." the last thing I heard, before I lost my breath.

Sometimes, love is scary, falling in love is scary, trusting too much is scary, just like this.

CHRISTMAS HAUNTINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon