Ikalawa

2 0 0
                                    

Wala na talagang atrasan 'to. Ilang habang na lang. Tila nais n'ya na lang patigilin ang oras. Handa na nga ba s'ya. Naiiyak na s'ya pero ayaw naman n'yang ipahiya ang mga magulang. Lalo na't pumayag naman s'ya. Kung tutuusin ay walang naging pilitan sa pagitan ng kanyang mga magulang. Pero parang hindi n'ya pa rin kasi tanggap. Sa mismong araw ng debut n'ya. Na dapat masaya s'ya kasama ng pamilya n'ya ay pakiramdam n'ya na pag kaitan s'ya na s'ya ng mga bagay na pwede pa sana n'yang gawin bilang isang dalaga. Oras na maikasal kasi s'ya sa araw na ito. Alam n'yang magiging limitado na lang ang mga bagay na pwede n'yang gawin. Lalo na dapat n'ya na rin isa alang alang ang magiging asawa n'ya. Hindi s'ya pwedeng basta mag desisyon lang basta basta ng hindi pina pana paalam sa lalaki. Dahil maaring ikagalit ng huli o di kaya'y pag mulan ng away. Ayaw n'ya pa naman ng may nakakaaway o di kaya makasamaan ng loob.

Tumigil na ang mga magulang n'ya sa pag lalakad. Nasa harap na sila ng mag kakasal sa kanila at sa pakakasalan n'ya. 

"Liam..." 

So Liam pala ang pangalan ng mapapangasawa n'ya. Kahit ang pangalan nito ay hindi binagit ng mga magulang nito sakanya ganun din ang kanyang mga magulang. Tanging alam n'ya lang sa lalaki ay ang pitong taon agwat nila at ito ang nakababatang anak ng kanyang magulang.

"Liam Hijo, ikaw na ang bahala sa bunso naming anak. Nawa'y maging mabuti kang asawa sakanya. Wag mo sana s'yang pababayaan. Lalo na ang saktan man lang s'ya. Dahil hindi kami mangingiming bawiin ang anak namin sayo. Kahit na bawiin pa ng pamilya mo ang tulong n'yo sa MFE."

Mas naiiyak tuloy s'ya sa sinabi ng kanyang ama. Mahal na mahal talaga s'ya ng mga ito. Walang duda don. Tama talaga si Mother Superior na di sila nag kamali na sa pamilya Hernandez nila ako ipag katiwala. Dahil alam nila na ma pangangalagaan at pakaka mahalin ako ng pamiyang ito.

"Makaka asa kayo sa bagay na yan Mr. Hernandez."

Natigil s'ya sa pag iisip ng sa unang pag ka kataon ay marinig n'ya ang boses ng groom n'ya. Hindi n'ya na iwasan na ma pa angat ng tingin. Upang pag masdan ang lalaki. Na pakalalim ng boses nito, lalaking lalaki sa pandinig n'ya.

"Papa, Hijo. Papa na ang itawag mo sa akin."

"Mama naman ang sa'kin Liam. Tanging hiling ko lang ay paka alagaan mo sana at wag paiiyakin ang Prinsesa namin. Best wishes and Happy birthday din sa'yo Hijo. Sa'yo din anak. Happy 18th Birthday."

Hindi na maalis ang paningin ni Ginger sa lalaking naka upo sa upuang de gulong. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw ng mga magulang nya o ng magulang nito na mag kita sila. Dahil natatakot ang mga ito na umatras s'ya sa kasal. Mukhang matangkad ang lalaki base sa nakikita n'ya kahit pa naka upo ito. Ang itsura nito ay hindi n'ya masyadong maaninag ng husto gawa ng balbas na tumatakip sa mukha nito. Ang ibabaw na labi nito ay halos hindi na rin makita dahil sa na tatabunan ng bigote nito. Ang buhok nito na naka messy bun ay masasabi n'yang bumagay dito. Ano kaya ang nangyari bakit ito naka upo sa de gulong na upuan. In born ba to. O na disgrasya. Hindi n'ya ma iwasan na tingnan ang mga magulang hindi n'ya alam. Kung nag hihinanakit ba s'ya na hindi sinabi ng mga ito ang sitwasyon ng lalaki.

"Hija... Pupunta na kami sa upuan namin. Mag papaliwanag kami mamaya sayo. Wag ka sanang ma gagalit."

Sinundan na lamang n'ya ng tingin ang pa palayong bulto ng magulang. Na paintad s'ya ng mag salita ang lalaking nasa tabi n'ya na ngayon.

"Maari ka pang umatras kung hindi mo na gustuhan ang nakita mo sa akin. Hindi kita pinipilit na pakasalan ako. Dahil unang una sa lahat hindi ko rin naman gusto ang kasalang ito."

The InnocentWhere stories live. Discover now