We met . . . again

38 1 0
                                    

Ibinalita sa tv na wala na daw ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility o PAR. Humina na ang ulan, o sabihin nalang nating umaambon nalang, at tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan ko ang isang bahaghari. Patunay ng bagong simula pagkatapos ng unos.

Napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna kahit umaambon pa.

'Parang familiar tong lugar na to ah.' nasaisip ko habang naglalakad, medyo malayo na kasi ako sa village namin. I close my umbrella as I noticed that the rain was really gone after those long days. Mahangin parin kaya pansin ko ang mga dahong nahuhulog mula sa mga punong kahoy. I thought, 'ano kaya kung katulad ng punongkahoy na yan ang mga tao? Hahayaan din kaya nating mawala ang isang bagay na parte ng ating buhay, dahil iniisip nating may papalit din namang bago dito?'. Siguro sa iba, madali lang palitan ang mga tao na naging parte ng kanilang nakaraan. Pero para sakin, Hindi ganun kadali yun.

Madaming akong nakikitang mga tao na gumagala katulad ko. Naunahan ko pa nga sa paglalakad yung babaeng nagsa-scan ng files niya eh. Nakangiti akong tumingin sa paligid. 'Mabuti nalang at walang masyadong napinsala ang bagyo'. Nasa gitna ako ng aking pag-iisip ng biglang may babaeng lumabas sa isang coffee shop, tumingala siya at ngumiti. That smile. . . is familiar.

Bagay sa kanya ang kanyang bangs at wavy long hair. Maputi siya, may katangkaran at slender ang kanyang pangangatawan. Nang titigan ko siya, parang tumigil ang oras. Nakita ko mula sa peripheral view ko ang pagtigil ng lahat ng bagay sa paligid ko. Yung lalaking sasakay sana sa motor niya, yung babae't lalaki na nagkabanggaan, yung babaeng nagsa-scan ng files niya at yung mga nahuhulog na dahon. . . lahat tumigil. Pero hindi ko na yun kinuwestiyon dahil natulala ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa kinatatayuan ng babae at hinawakan ang bandang dibdib ko, kung saan rinig na rinig ang pintig ng puso ko. Ang lakas. . . ang bilis. . .

'Hanggang ngayon pala, nararamdaman ko parin 'to.'

Malapit na ko sa kanya ng bigla kong maramdaman ang tubig na tumalsik sa mukha ko, at biglang gumalaw ang lahat. 'One minute. . . '

'Tama, isang monitor. Sa tantya ko, 60 seconds na parang tumigil ang oras. At sa pagtigil na yun, nakapagdesisyon na ko.'

Hindi niya napansin na nasa harapan na niya ako dahil sa kalangitan siya nakatingin. Tatawagin ko sana siya nang bigla siyang yumuko at pumasok na sa coffee shop, I followed her.

Tumingin ako sa paligid at umupo. 'Napatayo na pala niya ang pangarap niyang coffee shop. Ang sakit isipin na hindi niya ako kasama nung panahong itinayo at binuksan ito'.

Tumingin ako sa parang counter nila at dun ay nakita ko siya. Naghihiwa lang siya ng mga ingredients pero ang saya saya na niya.

Muling bumalik sakin ang mga ala-ala ng nakaraan.

~~~~~*sof*~~~~~

Nasa kusina kami ng bahay ko, at nagluluto.

"Aish, ano ba yan? Itigil mo yan dahil baka masugatan ka. Ako na lang ang maghihiwa, okay? Manood ka lang sakin. Watch and learn, love." sabi ko sabay kuha ng kutsilyo sa kanya at hiwa sa ingredients ng lulutuin namin.

"Oha! Oh eto pa," sabi ko sabay alsa dun sa pan na nilutuan namin ng spaghetti. Siya naman eh, tawa lang ng tawa sa ginagawa ko. "Para kang sira!" naalala kong sabi pa niya.

"Oh ayan na aking prinsesa, luto na ang ating espageti!" masayang sabi ko.

"Ikaw na mauna. Susubuan kita. Gusto kong ikaw ang unang tumikim, baka may gayuma eh." nangingiting sabi pa niya.

"Hala! Grabe ka ah, pano ko yan lalagyan ng gayuma kung sa ngiti ko palang eh baliw na baliw ka na?" tiningnan niya lang ako ng masama kaya ngumanga nalang ako. "Hmmm. Anchalap! Ikaw naman. Ahhh—" at sinubuan ko rin siya. Lumagpas yung ilang sauce sa bibig niya kaya pinunasan ko ito, " may lagpas,hayyyyy .. .. ang kyut kyut mo talaga." ginulo ko ang buhok niya, "aminin mo nga, mas nainlove ka sakin dahil sa luto ko noh?" natawa lang siya sa sinabi ko. We ate the spaghetti together and stay with each other until the day ends. Naalala ko pang hindi siya nakauwi sa condo niya ng gabing yun dahil sa nakatulog siya habang binabasahan ko siya nung favorite story book niya.

Another Rainy Day (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon