Chapter 1

23 1 0
                                    

In life, we can't predict what will happened. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa hinaharap. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maayos ko ang sarili ko. Kung pwede lang takasan ang lahat at mawala nalang ako nang parang bula.

"Gising kana pala."

"Ang sakit ng buong katawan ko Ma, pwede ba akong umabsent ngayon?"

Sinamaan niya ako ng tingin at nginitian ko lang siya. Tumakbo ako ng mabilis at dali-dali kinuha ang tuwalya nang makita ko sa salamin na kumuha ng hanger si Mama. Alam kung ibabato niya sakin yun kaya inasar ko siya lalo. Ganito ang bonding namin ni Mama kaya normal lang to sa'min.

Nagmamadali akong pumunta sa school dahil 7:47 na at paniguradong late na ako. Pagkadating ko sa room ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pang teacher.

Nakita ko ang natutulog na si Olivier, kaklase at kaibigan ko, kaya binatukan ko siya sa ulo para asarin.

"Aray ha, sino yun at malilintikan sakin." inis niyang sabi.

"The periodic table is a tabular array of the chemical elements organized by atomic number, from the element with the lowest atomic number, hydrogen, to the element with the highest atomic number, oganesson. The atomic number of an element is the number of protons in the nucleus of an atom of that element."

"Naintindihan n'yo ba?" tanong ni Ma'am sa amin. Iniikot niya ang paningin at nagtama ang mata namin. "Elyse, ikaw? What is Periodic Table?"

Narinig ko ang buntong hininga ng mga kaklase ko ng ako ang tawagin ni Ma'am.

"Elyse, kaya mo yan pag naka sagot ka, e lilibre kita mamaya." sigaw ni Olivier na ngayon ay naka ayos na ng upo.

Alam naman niya na makakasagot talaga ako dahil magkasama kaming nag-study kagabi. Ihanda nalang niya ang pitaka niya mamaya.

Tumawa ako sakanya bago tumayo. "Ihanda mo pitaka mo." I winked.

Humarap ako kay Ma'am na seryusong nag-aantay sa sagot ko. Naagaw nga lang ang atensyon ko ng bumukas ang pinto.

Huminto siya sa harap ng pintuan ng makita niyang nakataas ang kilay ni Ma'am. Niyuko niya ang kanyang ulo at naghintay sa sasabihin ni Ma'am.

"Why are you late again Ms. Kim?" Tanong ni Ma'am sakanya.

Tahimik lang siya at hindi sinagot ang tanong ni Mrs. Garcia sakanya. At ilang minuto bago siya pinaupo ni Mrs. Garcia. I heard some of my classmates talking about her.

"Class, listen." sigaw ni Ma'am na nakapagpatahimik sa kanila.

I sighed. "The periodic table is a tabular array of the chemical elements organized by atomic number, from the element with the lowest atomic number, hydrogen, to the element with the highest atomic number, oganesson."

She nodded. "Okay, sit down."

Nangtumunog ang bell nagligpit ng gamit si Ma'am. Tumayo kaming lahat at nagpaalam sakanya "Good bye and Thankyou Ma'am Garcia."

Lalabas na sana ako ng classroom ng marinig ko ang sigaw ni Olivier. Dali dali ako sa paglalakad at hindi siya pinapansin. Ang ingay ingay niya kasing kasama tapos lagi pang nambubwesit.

"Elyse naman hintayin mo'ko." sigaw nito habang nagtatali ng liston sa hallway, hinahabol parin ang hininga.

Nakita ko ang sarili ko sa Cafeteria na kasama si Olivier. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Iwan ko talaga sa lalaking to laging sunod ng sunod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Echoes Of Waiting (Ongoing)Where stories live. Discover now