Chapter 2

16 1 0
                                    

Warning:
•Grammatical Errors Ahead•

Xiarà Rain Aihara's
P. O. V:

Hindi pa naman nag ring ang alarm clock ko ay napa balikwas na lamang ako sa higaan dahil sa may biglang nambato sa bintana ng kwarto ko, inis naman akong napatayo at naglakad patungo kung saan nag crack konti ang window glass sa kwarto ko.


Paghawi ko pa lamang sa kurtina ay sobrang dilim pa sa labas at nang akmang bubuksan ko sana ang sliding window ko na may crack sa gitna upang dumungaw sa ibaba ay bigla na namang may nambato sa bintana.


Napa-upo ako ng wala sa oras sa sahig habang hawak-hawak ko ang laylayan ng kurtina. Sumilip ako ng bahagya sa gilid upang matanaw at makita ko kung sino man iyong nambato sa bintana.


Pagkadako ko ng aking mga mata ay kita ko iyong mga kalalakihan na nasa ibaba, hindi ako nagkamali.


Iyon ang mga kabataang nag-aakyat bahay, kahit nasa 5th floor ang naging room ko ay hindi na alintana sa kanila yun, kumbaga madali lang sa kanila akyatin ang palapag na ito kapag may dala itong hagdan na aabot sa ika-walong palapag ng building.


Mas lalo akong kinabahan na baka itutuloy nila yung plano na pag-akyat sa tina-target nilang palapag.

Kinuha ko naman agad ang phone ko na naka patong sa ibabaw ng study table ko at lumabas na ng kwarto, dahil kahit sa ganitong oras ay gising pa naman yung land lady ng building na ito.

Since, I don't have any choices left lumabas ako at naglakad patungong room nito.


Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa sobrang tinagal ko nang naninirahan sa lugar na ito ay ngayon pa lamang ito nangyari sa akin, which is kinakasanayan ko naman.


I can fight them, yet I don't want to get involved on that mess again.

Kapagod mag trabaho tas yung perang kinikita ko mapupunta lang sa multa.


Nasa harap na ako ng pinto ng land lady at agad naman akong kumatok ng tatlong beses.


Ilang minuto pa ay bumukas ito at iniluwa ng pinto si Aling Dolores na naka suot ito ng mataas na bestidang puti, at naka balot ang kanyang buhok ng itim na towel, habang ang kanyang mukha naman ay may crema na ipinahid sa buong mukha nito.


"Oh, aga mo nagising." Naka pamewang nitong saad sa akin. " Ano pala kailangan mo, ineng?"


"Yung salamin ng bintana ko po, Aling Doleres..." I said, "ang laki ng crack." Napakamot kong dagdag.


"Aba? Baka binasag mo?" Taray nitong saad.


"May nambato kasi, dalawang beses na." Paliwanag ko.


"Hay nako, hindi na bago iyan, ineng." Sabi nito at kinuha ang keypad sa bulsa ng kanyang bistida at may kinontak ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Those Eyes (Aihara Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon