A Sided Love

24 0 1
                                    

"Mahal kaya kita .. Kaya malakas ka sa akin  eh ^____^", sabi ko ..

 

"Mahal din naman kita friend.", sabi niya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ang dami mo namang crush ! Eh sino ba sa kanila ang pinakagusto mo?", sabi ni Gelly,  kaibigan ko.

"Uhhhmm. Si Jino ^_______^.", sabi ko

"Hmmmp! Kunyari pato, eh iba naman parati iniisip ng utak at tinitibok ng pus mo."

"Pabayaan mo nga ako, kinakalimutan ko na nga siya diba?"

"May kinakalimutan bang kasama mo lagi. Katex mo la ..."

"Oi, andito pala kayo!", singit ni Paul

"Speaking of love!", panunuya ni Gelly

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka nga sa inu'upuan ko, ang sikip kaya. Andami namang upoan diyan oh!", Usig ko kay Paul.

"Ang sweet nga eh, diba Paul.", sabat ni Gelly.

"Oo, nga .. gusto mo nga siguro eh. Ang arte nito!", pang-aasar ni Paul.

"Che!"

Lumayo-layo ka sa aking lalaki ka, baka di ko mapigilan ang sarili ko at mayakap kita.

Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto.

"Teka nga! Ang sungit mo na naman. Kain nalang tayo, sige na! Libre mo??", sabi ni Paul at todo pa-cute pa ang loko.

Pinipigilan ko lang sarili ko.

Magtino ka Paul, baka patulan kita. Kung di lang kita kaibigan.

"Sira ka ba? Ikaw itong gustong kumain tapos ako papalibrehin mo? Siniswerti lang?", angal ko.

"Ayan ka naman. Ang dami mo ngang pera eh. Di mo man lang ako malibre.", pagmamaktol ni Paul.

"Magtigil nga kayong dalawa. Library ito. Para kayong mag-jowa, di naman.", sabat ulit ni Gelly.

"Eto kasi eh.", sabi ko.

"Ewan ko sayo ^____^", may kung sino siyang tinitingnan.

"Eh bakit masaya ka pa?", pagtatanong ko.

A Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon