CHAPTER 34

7.3K 235 89
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

MARCUS POV

Dalawang araw.

Dalawang araw nang walang paramdam sa akin si Keizou. Halos mabaliw-baliw na ako kakaisip kung nasaan siya. Ni Ha ni Ho, wala man lang akong natatanggap mula sa kaniya.

Naiinis ako dahil alam naman niya ang number ko, pero hindi man lang niya ako magawang tawagan. Iyong totoo, naiisip man lang kaya niya ako? Ni minsan kaya, pumasok man lang sa isip niya na baka nag-aalala na ako.

Paulit-ulit na rin akong nakiusap kay Mavy na tanungin si Maze kung nasaan ito ngunit maging ito ay out of reach din. Naiinis ako ngunit mas lamang ang pag-aalalang nararamdaman ko.

Kumusta na kaya siya? May nangyari bang hindi maganda kaya bigla na lamang siyang nawala? Wala naman akong puwedeng mapagtanungan ng address ng daddy niya dahil wala ring nakakaalam at nakakakilala sa kaniya.

"Ano, nakausap mo na ba ang labidabs mo?" Tanong ni Dex.

Lunes ng umaga at nakaupo ako sa puwesto ko habang nakapalibot silang tatlo sa akin.

"Hindi pa nga, eh. Hanggang ngayon wala parin siyang paramdam sa akin," napapailing na tugon ko.

"Baka naman nagkaroon ng emergency sa kanila, kaya bigla na lang nawala?" Komento naman ni Drake. Prente itong nakaupo sa armchair ng upuang nasa harapan ko.

I sighed. "Iyon din ang iniisip ko. Pero sana naman tinawagan o minessage man lang niya ako para hindi ako nag-aalala ng ganito."

"'wag ka nang malungkot, nandito na pala siya, eh."

Mabilis akong napatingin sa pinto ng classroom dahil sa sinabing iyon ni Mavy. Halo tumalon ang puso ko ng makita kong magkasunod na pumasok si Maze at si Keizou sa pinto.

Ngalingaling tumakbo ako sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit pagkakita ko pa lamang sa mukha niya. Oh, fuck! I really fucking missed him! Saan ba siya nagsususuot nitong mga nakaraang araw at bigla na lang siyang nawala? Akala ko hindi pa siya magpapakita ngayon, eh.

Ilang segundong nagtama ang aming mga mata ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil blangko na naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

Kung tingnan niya ako ay parang wala lang ako sa kaniya. Ni hindi man lang niya ako nagawang ngitian o kaya ay tanguan man lang. I owe him an explanation. Ilang araw siyang hindi nagparamdam at hindi pa siya sumipot sa game ko, kaya siguro naman ay dapat lang na magpaliwanag siya sa akin.

Umupo siya sa upuan niya at hindi na muli pang tumingin sa akin. Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo para sana lapitan siya ngunit bigla namang pumasok si ma'am, kasama ang isang hindi pamilyar na babae.

Tumayo na ang mga kaibigan ko at bumalik sa kani-kanilang mga upuan.

"Good morning, class!" Bati ni ma'am Fuentes habang inilalapag nito sa mesa ang mga dalang gamit. "May bago kayong kaklase. Please introduce yourself, Miss Altamerano," baling nito sa kasamang babae.

Dumako ang paningin ko sa babaeng nakatayo sa harap. Bagong kaklase? Kalagitnaan na ng school year, bakit kailangan pa niyang magtransfer?

Pasimple kong hinagod ng tingin ang babae. Aminado akong maganda ito. Maputi, makinis, maliit ang bilugang mukha, mahaba ang kulay brown na buhok na medyo may pagka-kulot sa dulo, maganda ang almond-shaped na mga mata, matangkad at sexy. Mukha siyang artista. But nah, she's not my type. Maganda siya, pero mas guwapo ang Keizou ko.

"Hello! Nice to meet you all! I am Shayne Arianne Altamerano, but you can call me Arianne. Sana maging friends ko kayo!" Magiliw at malapad ang ngiting pakilala nito bago marahang nagyuko ng ulo.

Serenity In The Raging Storm (Obsession Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon