𝐀𝐦𝐚𝐫𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"Amara! Gising ka na ba?!" sigaw ni Mama mula sa kusina.
"Gising na po!" sigaw ko pabalik.
Ngayon ang first day of school ko. Oo KO! lumipat kasi ako ng school, ang dami kasing bullies doon sa dati kong school. Nung una okay pa naman pero nung nagtagal hindi na, ako na kasi ang naisipan nilang pagtripan. Ayaw ko sa mga bullies at alam kong ayaw din ni Mama kaya nag-decided sya na mag-tra-transfer ako sa ibang school.
Bumangon ako at dumeretso sa banyo. Naligo at nagsipilyo na ako tapos nagbihis na. Sa totoo kaya ako nag-transfer doon sa bago kong school ay dahil sa uniform nila, ang ganda kasi haha char pero totoo ang ganda ng uniform nila. Mini skirt na 2 inch above the knee, color beige sya tapos yung top ay parang jacket na ang color ay navy blue may ribbon din sa neck na color red. Oh diba? Bongga! And of course, hindi ko makakalimutan suotin yung pink na bracelet na binigay sa akin nung kalaro ko dati.
Pagkatapos kong magbihis at bumama na ako. Nakita ko si Mama na naghahanda ng pagkain sa lamesa.
"Good morning Ma" masiglang bati ko sa kanya.
"Good morning din anak. Umalis na ang ate mo, may gagawin pa raw. Oh sya kumain ka na." sabi nya.
Tatlo kaming magkakapatid, babae kami lahat. Ako ang bunso. Ang tawag sa'amin ni Mama ay Tatlong Maria. Yung panganay kong kapatid na si ate Diane ay tapos na sa pag-aaral at ngayon ay teacher na. Yung pangalawa ko namang ate na si ate Love ay nasa college na.
At ako? Well.. my name is Amara Amethyst Quinn, 16 years old. Mataray, palaban at mabait hehe.
Wala na nga pala si Papa namatay sya dahil sa heart attack. Pero ayos lang dahil nandito naman si Mama na tumatayo din bilang papa namin.
"Sige po Ma." sabi ko
Nang-matapos na akong kumain ay nag-paalam na akong papasok na.
Naisipan ko na maglakad na lang since nalapit lang yung school na papasukan ko sa bahay namin. Pero bago ka makapunta ng school ay dadaan ka sa gilid ng bangin. Eh kasi yun lang tanging daan. Dahan-dahan akong naglalakad sa tabi ng bangin, ayaw ko naman mahulog kaya mas mabuti nang dahan-dahan.
"Ahhhh!"
Hindi ko na nakita ang susunod na nangyari kasi napapikit nalang ako. Basta may lalaking tumatakbo na tila nagmamadali, nasagi nya ako at malalaglag sa bangin
'Mamamatay na ako!' sabi ko sa isip ko
Nung wala akong naramdaman na tumama sa sa'akin ay minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita
"Oh my freaking ghad!" yan na lang ang nasabi ko.
Eh pano ba kasi nakalutang ako OO NAKALUTANG my gash. Paano nangyari yun?! Unti-unti akong bumaba at naramdaman ko na ulit ang lupa.
Napatingin ako doon sa lalaki at pati siya gulat na gulat din.
Anong nangyari sa'kin?