Chapter 6

0 1 0
                                    

𝐂𝐲𝐫𝐮𝐬' 𝐏𝐎𝐕

Pagkapasok ko sa classroom kita ko na nagkalat ang mga papel sa sahig.

'Tsk ano naman kayang nangyari?'

Dumiretso na lang ako sa upuan ko at naupo. Nabaling ang tingin ko kay Amara na namumula ang ilong.

'Pfft... may sipon pa yata to'

Hindi ko na sya pinansin kasi pumasok na si Ma'am Kath at nagsimula na magturo. Napapatingin naman ako kay Amara kasi hatching sya nang hatching, minsan nalakas din yung hangin.

During the third class napapansin ko na unti-unti'ng nagsasara ang talukap ng mata ni Amara pero pilit nyang nilalabanan.

"Amara!"

Napasigaw na lang ako kasi bigla na lang syang bumagsak buti na lang at nasalo ko sya dahil muntik na tumama ang ulo nya sa sahig.

"Mr. Stone anong nangyari?!" Tanong ni Sir Paul, Math teacher namin.

'Ano ba yan? Hindi ba obvious na nahimatay sya?'

"Uhm nahimatay po sya" sagot ko na lang.

May lumapit din na babae sa'akin, sa pagkakatanda ko ito yung babae'ng lumapit kay Amara kahapon. Tinulungan nya akong buhatin si Amara papuntang clinic. Obvious naman kasi na walang paki-elam yung iba.

Pag-dating namin sa clinic ay sinalubong kami nung nurse.

"What happen to the patient?"

Tanong nya matapos naming ihiga si Amara sa hospital bed.

"Uhm nahimatay po sya during class" sagot ni uhmm Agato? Agatha? Ah oo, Agatha name nya.

Chineck naman nung nurse si Amara at pagkatapos ay tumingin ulit samin.

"Hinimatay sya due to over fatigue saka mataas din ang lagnat nya." sabi nung nurse. "By the way I'm nurse Michelle." Nakipagkamay na lang kami sa kanya.

*Kring!!

Oh lunch time na. Hindi na din ako nakapasok sa isa kong klase dahil nandito ako sa clinic, at dahil bored na rin ako dito ay lumabas na ako hinayaan ko na si Amara dahil kasama naman nya si Agatha.

Dumetretso ako sa likod ng school dahil wala naman kong pera pang lunch. Nakita ko naman yung malaking puno na lagi kong tinatambayan.

Nahiga ako dun sa damuhan at sumandal sa puno, pinikit ko din ang mata ko pero agad ko ding naimulat dahil may bato na tumama sa binti ko.

Nabaling ang tingin ko sa grupo ng nga kalalakihan na sa tingin ko ay mga 15 sila. Ngumisi silang lahat sa'kin, at naghanda. Tumayo naman ako sa pagkakaupo at pinagpagan ang damit ko, tumingin ako sa kanila at ngumisi.

'This is going to be fun!'

At saka sila isa-isa'ng sumugod sa akin.

𝐀𝐦𝐚𝐫𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Naalingpungatan ako nung narinig ko ang pagsara ng pinto. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang puting kisame.

'Hmm nasa clinic ata ako.'

Ipinikit ko ulit ito at saka pilit na inaalala ang nangyari kanina. Ah! Nahimatay ako tapos narinig ko ang boses ni Cyrus. Iminulat ko ulit ang mata ko at nabaling ang tingin ko sa babaeng nakaupo at naka pikit.

Ah naalala ko sya! Sya yung babaeng lumapit sa'kin kahapon, si Agatha.

Biglang bumukas ang mata nya at napatingin sya sakin. Kita ko ang panlalaki ng mata nya at saka tumayo at umalis. Pagbalik nya nakita ko na kasama nya na yung nurse. Hmm bakit parang ang bata nya? Parang mga twenties lang sya eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crystal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon