Chapter 2: Delaney

0 0 0
                                    

Chapter 2: Delaney

SA pagmulat ng mga mata ni Heaven, disoryentado siyang napatingin sa kulay puting kisame. Ilang segundo ang lumipas nang mabilis siyang napabalikwas sa pagkakahiga. Bumilis ang tibok ng puso niya nang maalala ang nangyari sa pagitan ng kanyang demonyong bayaw.

Napapiksi siya sabay sigaw nang maramdamang may humawak sa kanyang balikat. Malakas niya itong tinabig at siniksik sa kama ang sarili. Sa pag-aakalang bayaw niya ito.

Biglang sumakit ang ulo niya kaya napa-hawak siya sa ulo niyang may benda. Kasabay no'n ay ang pagkaramdam niya ng sakit sa buong katawan niya. Tila ba binugbog ang buong katawan niya. Kulang nalang kasi kagabi ay ilampaso siya ng bayaw sa lupa.

"No, please!" humahagulgol niyang sabi. She was lowering her head para lang hindi masalubong ang tingin ng kanyang bayaw.

"Hija, kumalma ka. Hindi kita sasaktan."

Bigla siyang natigil at nakuryoso nang marinig ang boses ng nagsalita. At base sa boses nito, babae iyon at hindi siya pamilyar. Because of curiosity, she looked at her. She saw an old lady. With already white hairs and wrinkled skin. Nag-aalalang naka-masid ito sa kanya. Hindi alam kong lalapitan ba siya o lalayo dahil natatakot siya.

Sa likod naman nito ay ang isang magandang babae na masasabi niyang ka-edad ng kanyang ate Eden, na may pag aalala rin ang mukha.

"Sino kayo? Nasaan ako?" mababa ang boses na tanong niya.

Kahit hindi naman sila mukhang masama, hindi parin mawala ang kaba sa puso ni Heaven. Kung sa iisipin kasi, hindi parin niya kilala ang mga ito.

Biglang kumilos ang magandang babae sa likod na siyang nagpa-alarma kay Heaven.

"You're Heaven Murillo, Right? Hi, I'm Dapaney Delaney. My brother saved you that's why you're currently in our mansion. Did I lighten you up, now?" mahabang eksplinasyon ni Dapaney ng may tipid na ngiti sa mga labi.

Natigil siya sa narinig. 'Delaney' Iyon ang salitang tumatak sa utak niya. Iyon kasi ang apelyidong palaging binabanggit ng bayaw niya sa kanya na, ang mga taong dapat niyang layuan. Kahit never niya pa naman nakakasalamuha ang mga ito, aware naman siya na isa ang mga Delaney sa makapangyarihang angkan ng mga mayayaman sa bansa. At aware rin siya sa binatang 'Delaney' dahil palagi niyang nakikita ang pangalan sa nababasang mga balita mapa-online news o newspapers.

The way Dapaney spokes, masasabi niyang mabait ito kagaya ng matanda. Sa pagdala palang kasi sa kanya sa mansyon nila, masasabi niyang hindi masasamang tao ang mga ito. Kaya medyo kumalma ang nararamdaman niya.

"Yes, I'm Heaven Murillo. How did you know?"nagtatakang tanong niya.

She maybe from a wealthy family at kilala ang pamilya sa lungsod pero she never thought that someone with a higher status than her knows her. Ang hirap paniwalaan.

"Well—"

Hindi nito natapos ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto. Mula kay Dapaney, lumipat ang tingin ni Heaven sa pinto. Biglang nahugot ang hininga niya at hindi siya maka-galaw nang makita ang mala-adonis na lalaking pumasok. Malakas na tumibok ang puso niya. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya dahil sa seryoso at madilim nitong mukha o dahil sa iba pang dahilan.

"You're awake..." wika nito na siyang narinig niya.

Ang boses nito ay sobrang lamig na nagbigay ng kilabot sa kanyang buong pagka-tao.

Lumakad ito papunta sa kamang pinagtulogan niya. Without knowing, napasiksik siya sa kama na nagpa-tigil sa binata.

"Stop there, Declan. I think may trauma siya. You might just going to worsen her condition. Kaya lumabas ka muna," pagpigil sa kanya ng nakatatandang kapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mafia Bosses Women Series 1: Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon