‧₊˚✩∘ WINTER ‧₊˚✩∘
"Ms. Cala? Are you with me?" tawag saakin ng aking guro.
"Sorry, Sir." tangi kong tugon sakaniya at nag patuloy siya sa pag tuturo nang marinig ang aking tugon.
Ang boring ng araw ngayon, tapos ang init init pa. Pero magiging masigla rin siyempre ang araw ko dahil kasama kong pauwi ang aking kaibigan na si Carlie. Mag katapat lang naman ang bahay namin kaya sabay kami tuwing uuwi na, simula nung bata pa ay magkasabay na talaga kaming umuuwi ni Carlie.
If you're asking me if I like him. Well, hindi lang 'like' I love him.
But the problem was, I never got the chance to confess my feelings for him, because natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin.
Besides, bata pa naman kami nasa grade 8 palang nga kami eh. Lilipas din naman 'yon.
I guess?
I'm too distracted kaya hindi ko matuon ang pansin ko sa klase.
Paano ba naman kasi umiikot sa isipan ko si Carlie.
Puro nalang Carlie. Carlie nalang ng Carlie. Hays!
Galing sa mayaman na pamilya si Carlie habang ako naman ay mahirap lang. Pero kahit gaano kayaman 'yon mas pinili niyang mag aral kung saan ako nag aaral ngayon. Sa isang pampublikong paaralan.
"Hoyy!" pang gugulat na tawag saakin ni Carlie.
"Hala palaka!" pag sigaw ko.
"Ikaw talaga! Papatayin mo ako sa gulat." anas ko habang hinampas ko sakaniya ng hawak ko na folder at tumawa naman ang lalaki ng malakas.
Baliw.
"Tara na?" aya nito habang tumatawa pa rin..
"Oo malamang. Gabi na." pamimilosopo ko sakaniya.
Umuwi na kami at nag lalakad sa ilalim ng buwan. Eto talaga ang lagi kong paborito sa lahat ng nangyare sa araw ko.
YOU ARE READING
Walk With Me 'Till The End
Teen FictionDalawang matalik na mag kaibigan na si Winter at Carlie simula bata palang ay sabay na silang nag lalakad pauwi galing sakanilang paaralan. Si Winter na nag kakagusto sa kaibigan niyang si Carlie, habang si Carlie naman ay umamin na rin sakanya na m...