A/N : Salamat po sa lahat ng votes at comments na natatanggap ko . Nag #8 na pala tayo di man lang ako nakabalita . Pero salamat talaga akala ko di siya magki-klik . Tsaka po pasensya sa late na pag-uupdate ko ah. Naging busy po kasi ako sa mga ginagawa ko .
--------------
Chapter 1 : Margarita
"Huwag ka nang magtangkang tumakas pa Margarita, hindi ka na makakaalis pa , Hahaha". Isang nakakatakot at kagimbal-gimbal na tinig ang siyang naulinigan ng isang batang babae. At ngayon ay iyak siya ng iyak . Tila ba isang bangungot ang naging epekto nito sa pakiramdam ng bata .
"Nanay Melva , Nanay Melva" sigaw ng bata. Habang tumatakbo dala ang baby doll na gusot na punit dahil sa kalumaan nito.
"Anak, bakit ? Nanaginip ka na naman ba , Shhhhhhhh anak tahan na" .
"Nanay , totoo po ba ang mangkukulam ?" biglang tanong ng bata .
"OO anak , totoo sila . Pero marami namang ibat-ibang klase niyan , may mabait at mayroon ring masasama . Anak huwag kang matatakot ah. Pero anak ,mangkukulam din ako"
"Marami ka pa talagang dapat matutunan sa mundong ito , Mabuti nang maging maingat ka palagi ". Pagkatapos niyon ay biglang may kumatok sa kanilang bahay .
"Lumabas ka diyan , mga kampon ng kadiliman . Sinasabi ko na nga ba . Isa kang mangkukulam . Tama ang hinuha ng mga kapit-bahay ko . Malas ka dito . Lumayas kayo . " isang estramgherong lalaki ang gumambala sa kanilang bahay .
Ang kanyang suot at tila ba may madilim na aura."Huwag niyong sasaktan ang Nanay ko , Huwag niyo siyang sasaktan . " paulit - ulit na namumutawi sa bibig ng batang iyon.
"Anak , umalis ka na dito para hindi kana madamay sa kaguluhang ito "
"Ayoko po inay ,sasama po ako , hindi ko po kayo iiwan . Nay "
Isang putok ng baril ang tumama sa Nanay niya .
"Inay , inay . Huwag niyo po akong iiwan " .
Hindi na kinaya ng nanay niya ang dugong nawala sa kanya . Pero isang bagay ang ibinigay nito sa bata .
"Ingatan mo ang porselanang ito anak , huwag mo siyang aalisin hanggang sa pagtulog mo . Hanggang dito na lang talaga ang buhay ko anak " .
"In-----------aaaaaayyyy ko ."
*Booogggsssh*
Kaagad na nagising ang dalaga .
Pero wrong move . Nahulog siya sa kamang tinutulugan niya . Tila ba may pisi na pinagdudugtong ito upang malaman niya ang kasagutan . Ilang araw na niya itong napapaginipan . Ngunit sa di malamang dahilan . Tanging ang PORSELANANG binigay ng matanda ang kanyang naaninag . Magulo ang paligid . Malabo ang tao . Sira - sirang bahay at Wasak na damit ang na - iilustra niya sa kanyang isipan .Sa pagkakalaglag niya sa higaan ay bumalengkwang siya at natapik na lamang ang noo niya .
" Margarita ,anong ingay 'yan ? ""Shemay. , Siopao , Siomai " . kaagad na nakatayo siya sa pagkakahulog .
"Ah wala po . ". pagmamaang maangan niyang sagot . Ayaw niyang sabihing ginamit na namn niya ang kapangyarihan dahil ppatay siya kung nagkataon .
" Bumaba ka na at mag aalmusal na tayo Margarita . "
"Ma , Margarette po " . Pasigaw niyang saad .
"Kaarte no talaga ."