What the Hell.
Yan ang nasabi ko ng makita ko siya. What the hell is he doing here?!
"Ep! Saan ka pupunta?" pagpigil sa akin ni Pamela.
"I'll go now. Biglang sumama pakiramdam ko"-ako.
"Weh? Baka naman dahil nandito si Mark kaya ka uuwi?"-Sabi ni Pamela na may panunukso sa boses.
"Come on! Bakit naman siya magiging dahilan? Sumama lang talaga pakiramdam ko."-ako.
"Hey hey, what's happening here?" biglang tanong ni Luis. Kainis! Paano ako makakaalis neto?
"Si Venice aalis!" at talagang nilakasan niya pa yung boses niya! Ugh Pamela!
"Why? Di pa tapos yung party ko aalis ka na kaagad? Ngayon na nga lang tayo nakumpleto eh" may pagtatampo na sabi ni Luis.
Eh kasi naman! Akala ko wala ang M-pakto na yan dito kaya pumunta ako! Paalisin niyo siya mag stay ako dito. Hay kung pwede ko lang sabihin!
"Sumama nga pakiramdam ko, look wala pa akong tulog dahil sa fashion week! Guys have mercy naman!"-ako.
"She's lying! Nandito kasi si Mark kaya ganiyan yan! You know, our bunso is so bitter!" sabi ni Pamela!
"Come on! Me? Bitter? Kanino? Paano at Saan? Shut up Lola Pamela!"-ako.
"See? Bitter kasi kaya ganiyan! Hahaha!" at nakuha niya pang tumawa?!
"Look, this conversation is nonsense. You Pamela is nonsense!"-ako.
"Hahaha! Sige Venice, kung hindi ka bitter stay here!"-Pamela.
Relax Harmony! Relax! Bigla naman talagang sumama yung pakiramdam ko dahil may masamang elemento sa party na to! See? Nakikipaglandian pa! Ang sakit sa mata!
"She's hot. I heard that she will be one of the models of Cosmo Mag next issue"-Pamela.
"And so? Edi magmodel siya! Nanay ako para pagpa-alaman niya? Look Pamela, I'll stay here BUT sa may garden lang ako." hindi ko na siya hinintay magsalita at lumayo na ako sa kanila hanggang sa makarating ako sa garden.
Kainis! Sana kasi hindi na siya ininvite dito. Nah! Bakit kasi ang dami naming mutual friends?! Yan ang hirap pag magkasama kayo sa isang barkada eh. I'm not bitter okay! Sadyang ayaw ko lang makita ang pagmumukha ng impaktong mukhang kuhol na yun na grabe kung makalandi sa babae!!
"Hi" Napaayos ako ng tayo. That voice ..
"Hi .. stranger" sabi ko.
"Ouch. Stranger" nilingon ko siya.
"Ano bang kelangan mo?" pagtataray ko.
"Ikaw" nakangiti niyang sabi.
Hey heartbeat! Kalma!
"Stop fooling around Mr. Buenaventura." lalong lumapad ang ngiti nya and his eyes nawala -_-
"Ang ganda mo talaga lalo na pag nagsusungit ka"-Mark.
"Funny. Ha Ha Ha" I rolled my eyes.
"How are you?"-Mark.
"I'm fine! Super okay." sarcastic kong sabi.
"Buti ka pa, ako kasi hindi"-Mark.
"Bakit? Kasi binasted ka nung babae na kausap mo kanina?" pero imbes na sumeryoso ang mukha eh ngumiti na naman ito.
"Ikaw ha! Tinitignan mo pala ako! Yieh"-Mark
"Kapansin-pansin kasi ang PDA niyo! Lumayas ka na nga dito!" pero parang wala siyang narinig sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
MMDB (IHYS Fan Fiction)
FanfictionTheir love story deserves a second chance that will last until forever.