dalawang taong nagibigan pero ang kanilang sitwasyon ay napaka kumplikado. Ang pag ibig nila ay dumating sa maling pagkakataon at maling panahon. Engaged na si yannie samantalang si Perth ay taken na..
Pero ang love hindi talaga mapipigilan kahit hamakin ang lahat, lalo na kung ang dalawang tao ay handang lumaban at ipaglaban.
Laging may oras at magkasama si Perth at si yannie, lagi din magkatext oras oras, minu minuto. Kahit nasa work pa si perth lagi nya naiisip si yannie, yung mundo niya kay yannie na umikot. pag magkasama sila hindi nila alintana ang mga taong nakapligid sa kanila, bawat oras na magkasama sila masaya at pawang wala anumang halong problema.
Nang minsan magkasama sila sa park natanong ni yannie si perth.
yannie: Masaya ka ba? Gaano mo ko kamahal?
perth: "sobrang saya ko na kasama kita yannie na kapiling kita ganito man ang sitwasyon natin magulo pero kaya ko at kakayanin ko dahil anjan ka. Mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko."
Yannie: paano kung tapusin na natin? I mean li low kasi mali.
tiningnan muna ko ni perth sa mata bago siya nagsalita.
Perth: kaya mo?ganun ba kadali sayo tapusin kahit para sakin eh ayoko? selfish nako kung selfish pero ngayon lang talaga ko naging masaya sa buhay ko simula ng dumating ka."
Napaisip ako sa sinagot sa sinagot ni perth, alam nyang mahal na mahal ko din siya at di ko ito kayang mawala. Lahat kaya ko gawin para sa lalaking aking minamahal pero iniisip ko ang mga consequence sobrang mali at bukod dun nakakasakit kami ng mga taong nakapligid sa amin. lalo na sa part ni perth dahil taken na nga ito kahit anong mangyari wala akong laban at karapatan. Mahirap ang tagong relasyon, nakakasakal, nakakatakot.
Sumagot ako kay perth..
"alam mo sa totoo lang hindi ko din kayang mawala ka, ramdam mo naman siguro kung gaano ko kasaya sa piling mo sa tuwing magkasama tayo at kung gaano kita kamahal. " minsan naiisip ko na palayain ka pero alam ko na ako lang din ang magsusuffer kung lolokohin ko ang sarili ko."
Lumipas ang una at pangalawang buwan okay at maayos ang lahat sa aming relasyon, kahit na may mga dumadating na pagsubok sa amin. Agad namin itong nalalagpasan. lahat ng mga maliliit na isyu o tampuhan dumadating sa amin agad naming inaayos. di kasi namin matiis pareho ang isa't isa na magkagalit o may tampuhan. pareho kasi namin napapahirapan ang aming mga sarili bukod diko din siya matiis na hindi kibuin.
Pero ng dumating ang ikatatlong buwan biglang nagbago ang lahat.. lahat may hangganan..
March 19, 2015 12:30 am, habang nagmumuni muni ako dahil di ako makatulog at nagiisip biglang tumunog ang cp ko, pagkakita ko sa screen ng pon nakita ko si perth ang tumatawag, pero bago ko sagutin iba na ang kutob ko alam ko na may ibang mangyayari. hindi ba nga malakas ang kutob nating mga babae.nasa instinct na natin kumbaga.
bumilang muna ko ng 1,2,3,4,5 bago ko sinagot..
yannie: Hello?? Sagot ko.
Perth: Hi.. bakit di ka pa natutulog sambit ni perth sa akin
Yannie: "hindi pako makatulog may iniicip lang. uhmm nga pala bakit napatawag ka ng ganitong oras akala ko may gagawin kang importante.
ahhh may sasabihin sana ko sayo, panimula bungad niya sa akin.
yannie: ah cge anu ba un?
perth: "uhhhh.. uhmmm.. gusto ko sana ayusin ang buhay ko yannie. Itama ang mga pagkakamali ko. Gusto kong pasalamatan ka nung mga times na magulo at walang direksyon ang buhay ko at lagi ka andyan para sakin...... at...... mahal ko pa siya...
pagkatapos kong marinig ang mga salitang binitiwan niya nagtatalo ang puso at isip ko, alam kong may mali sa sitwasyon at hindi tama ang nangyayari pero naguguluhan talaga ko. bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung kelan may sasabihin din ako napakaimportante sa kanya.
Biglang tumahimik ang paligid... maya maya ay nagtanong ako
yannie: Mahal mo pa ba siya?
Perth: Oo (mahinang sambit niya)
Inulit ulit ko yung tanong dahil alam ko na may mali o pinaniniwala ko lang yung sarili ko na hindi nangyayari ang mga bagay ng mga oras na yon?..
yannie: Mahal mo ba siya?
Perth: Uuhhhmm huling sagot niya.
Ilang minuto katahimikan ang lumipas.. tanging mga aming paghinga lang ang maririnig sa magkabilang linya. Sabay bigkas ko kay perth ng......
Okay kung dyan ka liligaya at sasaya, sa ikapapayapa ng loob mo. Mahalin mo siya at wag mo na siyang paiiyakin ulit. Tama ang naging desisyon mo na piliin siya. Ako kahit na parang pumapasok sa isip ko na parang rebound ako hindi ko magawang magalit sayo siguro dahil mahal na mahal lang talaga kita, walang rason o dahilan kung bakit kita minahal. Ang pinanghahawakan ko lang sayo ay yung totoong pagmamahal mo. Kaso Nawala pa... sadya talagang ganon siguro hindi talaga tayo para sa isat isa kasi talagang ikaw ay nakalaan sa iba at ganun din ako. Napaniwala lang ako at akala ko na dalawa tayong lalaban ngunit hindi pala.... Salamat sa pagmamahal mo isang alaala nalang ang lahat.
Pagkatapos nuon pinutol at binaba ko na ang telepono sabay bulong sa hangin ng Mahal kita ngunit paalam, sayang at hindi mo man lang malalaman na magiging ama ka na ng dinadala ko.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, Paalam (One shot)
KurzgeschichtenDumating na ba sa puntong nagmahal ka pero sa maling pagkakataon at panahon? sino nga ba ang may kasalanan ikaw o ang tadhana?