THAT GHOST IS MY NEW BOSS

21 1 0
                                    

FULL STORY

THIRD PERSON'S POV

"NAY! TAY! Natanggap po ako sa trabaho!" Malakas na pahayag ni Hannah dala ang magandang balita.

Mabilis na nagsilapitan ang kanyang mga magulang at kapatid dahil sa kanyang sinabi. Hawak ang lumang cellphone ay binasa niya ang email galing sa kompanya na pinag applayan.

"Talaga anak!?" gulat at hindi makapaniwalang saad ng kanyang ina.

"Di ba sa maynila iyan, Hannah?" Masaya pero may mababakas namang pag aalala sa boses ng kanyang ama.

"Opo, nag pasa po ako ng resume sa isang kilalang kompanya, hindi ko po akalain na matatanggap po ako," tuwang-tuwa pa niyang tugon sa mga magulang at nagawa pang yumakap sa mga ito.

"Ate! Congrats po!"

"Congrats, ate!

Sigaw rin ng kanyang mga nakababatang kapatid. Dahil malaki ang kanilang pamilya at marami pa siyang kapatid na dapat pag aralin, sinikap ni Hannah na makapag tapos sa kolehiyo upang matulungan ang mga magulang.

Ngayon nga ay pakiramdam niya malapit na niyang maabot ang pangarap na iyon.

LUMIPAS ang isang linggo at nakarating na rin siya sa syudad. Malaki, maingay ay talagang abala ang lugar na ito, di gaya sa probinsya kung saan mabibilang mo ang mga dumadaang sasakyan sa buong maghapon.

Imbis na tumayo at matulala sa dami nang nangyayari sa kanyang paligid, mabilis niyang dinampot ang bag na dala nang makababa siya sa terminal ng bus.

Dahil hindi sagot ng kumpanya ang tirahan ng mga empleyado kaya naman wala siyang ibang pagpipilian kun'di ang maghanap ng sariling bahay na matutuluyan.

"Sana makahanap ako ng bahay na mura at malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko," bulong pa niya sa sarili.

Ngunit dahil hindi pamilyar sa lugar ay halos nagkandaligaw-ligaw pa siya, gano'n rin ay halos hindi kaya ng kanyang bugget ang mga apartment na kanyang pinagtatanungan.

Sumapit nga ang hapon, pagod at gutom na si Hannah, napaupo siya sa may tabing kalsada. Naibaba niya ang mabibigat na gamit para maipahinga naman ang masakit na likod.

"Anong gagawin ko kapag di ako nakahanap ng bahay ngayon? Bukas pa naman ang simula ng orientation ko sa trabaho. Hays, sana pala mas maaga akong pumunta rito para maghanap ng dorm o boarding house na pwede kong tirahan," malungkot at puno ng pagsisi niyang ani sa sarili.

Habang nakatulala nga sa kalsadang halos hindi nauubusan ng mga sasakyang dumadaan, tila ba ay may narinig siyang mga boses sa di kalayuan kaya naman napalingon siya sa dereksyon na pinag gagalingan noon.

Doon niya napansin ang tatlo kalalakihan na para bang pinagdidiskitahan ang isang matandang babae. Nagmamadali rin siyang napatayo sa gulat nang makita na inaagaw na ng mga ito ang bag na dala ni lola.

'Teka! Mga loko, matanda pa talaga ang pagnanakawan!' galit na sigaw niya sa isipan at kinuha ang payong ng kanyang kapatid na may pito na nakasabit mula doon. Wala kasi siyang matinong payong kaya naman iyon na lamang ang ipinadala ng kanyang nanay.

Malakas niyang hinipan ang pito at nagsisigaw. "Kuyang Pulis! Dito po! Dito!"

Natakot naman ang mga magnanakaw dahil akala ng mga ito ay may pulis talagang parating.

Nang makalayo na ang mga lalaki ay nilapitan naman ang matanda upang tulungan. "Lola, okay lang po ba kayo?"

"Oo hija, salamat ah," pagpapasalamat
pa nito sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANAKOT SA BATA ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon