𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐈

6 2 0
                                    

My life was in peace. Not until I meet him. My life turns into a total chaos. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa aking kuryosidad eh 'di sana tahimik pa rin ang buhay ko hanggang ngayon.

Pauwi na ako sa aming bahay. Dahil walang masyadong jeep na dumadaanan ay napagdesisyunan ko na lamang na maglakad na lang pauwi. Kung maghihintay lang ako rito baka mas lalong gabihin ako.

I decided to take a short cut. Isang makitid na daan na nasa bandang likuran ng school namin. Medyo madilim at sobrang tahimik. Tanging yung iisang street light lamang 'yong nagbibigay liwanag sa eskinita. Konti na lang rin at parang bibigay na ito.

Looking from it's entrance, it looks scary. Pero dahil nasanay na ako na dumaan rito ay hindi na ako kinakabahan. At isa pa, my father taught me self defense. Kung may magtatangka man sa aking gumawa ng masama, I am confident that I can fight them.

It's really dark in here. Walang nag-aksaya ng oras para lagyan pa ng ilaw rito. Matagal na rin kasi itong abandonado at wala na ring dumadaanan rito. Ako lang talaga ang malakas ang loob.

Nasa kalagitnaan na ako nang aking paglalakad nang may marinig akong mga ingay mula sa isang eskinita.

Nakakapanibago dahil kadalasan wala namang tao rito. Hindi ko na sana papansinin pero parang natuod ako sa aking kinatatayuan nang maging klaro sa aking pandinig ang ingay.

"M-Maawa po kayo! W-wala akong alam!" Nagmamakaawang boses ng isang lalake. Bakas sa boses nito na parang may iniindang sakit.

"Ayaw mo talagang magsalita?!" Galit na singhal ng isang pang boses. Kasunod nito ay ang pagdaing at sunod-sunod na pag-ubo.

Masama ang aking kutob tungkol rito. Nagsisimigaw ang utak ko na umalis na roon ngunit iba talaga ang desisyon ng aking mga paa. Hindi ko napigilang lumapit sa eskinitang pinanggagalingan ng mga boses.

"W-wala akong alam! Maniwala kayo! Kahit patayin niyo pa ako, wala kayong makukuha sa akin!"

"Stop fooling us, idiot. We know that you know where your dumb boss hides. Sabihin mo na ngayon kung mahal mo pa ang buhay mo." Sagot ng isa pang boses.

Nanlaki ang aking mga mata nang sumilip ako. Isang lalake ang duguan na nakahandusay sa sahig. Nakatali ang mga kamay nito sa kanyang likuran at namimilipit sa sakit.

Napasinghap ako nang sipain ito ng lalakeng nakasuot ng itim na t-shirt sa sikmura. Awang-awa ako sa lalake. Kitang-kita ko ang pamimilipit nito sa sakit dahil nakaharap siya sa aking direksyon. Habang ang dalawang lalake naman na dahilan ng pagdudusa nito ay nakatalikod mula sa akin kaya hindi nila ako nakikita.

Mabilis akong nagtago nang sumulyap ang isa sa kanila sa aking direksyon. Buti na lang at hindi ako nakita. Patay talaga ako pag nagkataon.

Dapat ay tumatakbo na ako ngayon palayo. Pero hindi kaya ng konsensya ko. Paano kong may mas malala pa silang gawin sa lalake? Kailangan kong tumawag ng tulong! Tama! Kailangan kong tumawag ng pulis. For sure those guys are criminals. They need to be put behind bars.

Kinuha ko ang aking cellphone at mabilis na nag-dial ng number ng police station. Akmang pipindutin ko na sana ang call button ng isang kamay ang marahas na umagaw sa aking cellphone. Hindi pa man ako nakakahuma nang marahas ako nitong hilahin patayo at kaladkarin patungo sa loob ng eskinita kung nasaan ang dalawa pang lalake.

"Bitiwan mo ako!" Sinubukan kong magpumiglas pero 'di hamak na mas malakas ito kesa sa 'kin.

"May naligaw na pusa." Saad ng taong may hawak sa akin sabay tulak kaya napasalampak ako sa semento. Napadaing ako nang magasgas sa semento ang aking tuhod.

"Hindi ka ba marunong mag-ingat?!" Singhal ko sa lalakeng tumulak sa akin at sinamaan ito ng tingin.

Ngumisi lamang siya at tinaasan ako ng kilay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐓𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭𝐬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon