PROLOGUE

8 1 0
                                    

ARHEA


Halos maubos ang tubig ko sa katawan kaiiyak nang isugod namin si Lola nenita sa hospital.


Hindi, hindi ko pa kaya.


Kanina habang nag-luluto ako ng hapunan, bigla nalang natumba si Lola tapos sabi niya, nahihirapan raw siyang huminga. Inaatake siya ng sakit niya.



Agad naman namin siyang isinugod sa hospital ng kapatid kong si Rue, habang natutulog si Lola sa hospital room ay kinausap ako ng doktor at sinabi saakin na lumalala na raw ang sakit ni Lola sa puso, halos maluha rin ako sa presyo ng gamot na ipinakita ng doktor.



How can I buy those? Sumabay pa kasi na nawalan ako ng lintik na trabaho!



Pasado alas-nuebe narin kaya naka-tulog na si Rue, mabuti nalang at nauna siyang kumain kanina. Sinulyapan ko si Lola na mahimbing nang natutulog.



Don't worry Lola, I will do anything. Gagawin ko ang lahat para maka-bili ng mga kailangan mo.



Muling nanubig ang aking mga mata nang maalala ko lahat ng sakripisyo ni Lola para saamin ni Rue.



Kailangan ko nang maka-hanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.

SLOW BURNWhere stories live. Discover now