CHAPTER 02

10 0 0
                                    

ARHEA



Kinabukasan, nag-handa na ako para sa trabaho ko sa cafe, I wore my uniform and black pencil skirt. Nag ayos pa ako at humarap sa salamin.


Oh, look at that gorgeous lady in front of the mirror, what a beautiful creature.


Pagkatapos ko mag ready, umalis narin ako, hindi naman gano'n kalayo ang ang cafe sa bahay kaya, magj-jeep nalang ang magandang creature na ito.


Para tipid, bebegurl


Nang makarating ako sa cafe, sina Nicole at daisy palang ang naro'n, thirty minutes pa bago mag-bukas itong cafe na ito kaya may time pa for chismis!, sila Karl at Michael naman ay baka mamaya-maya pa, mas nauuna kaming mga gurlalo sakanila.



Matagal narin kaming magkakasama, nag simula ang pagkakaibigan namin no'ng grade eight palang kami, at hanggang ngayon, stay strong parin ang aming sirkol. Wala, share ko lang.



Pagbukas na pagbukas palang ng glass door ng cafe, narinig ko na agad ng kantang 'treat you better' by Shawn Mendes, favorite 'yon ni daisy, pag tinatanong naman namin siya kung bakit, kasi sobrang paulit-ulit nalang! Ang sinasabi niya lang saamin ay 'hindi kasi ako tini-treat ng better, kaya fini-feel ko nalang sa kanta.'



Sinong mag te-treat sayo ng better? Si heeseung standard mo.




Lagi kaming nag bo-bonding together kapag day-off namin or may free time kami.


Share ko lang ulit.


"Dito na pala si bebegurl natin!" Pasigaw na sabi ni daisy, kaya pati si Nicole na busy sa pag mo-mop ay napalingon narin saamin at binigyan ako ng ngiti.


Buti pa 'tong si Nicole, hindi baliw katulad ni daisy.


Inirapan ko lang siya at pumunta na sa dressing room para ilagay ang mga gamit ko.


Nang matapos ako, lumabas narin ako at tumabi kay daisy sa counter, si Nicole naman ay busy parin sa pag mo-mop.


Nag-aayos ako ng mga gamit sa counter nang bigla akong kurutin ni daisy sa tagiliran.



Ansakit! Buti nalang at wala akong nakikitang gunting dito at baka makalbo ko na 'tong buwisit na 'to.



Marahas ko siyang nilingon at handa nang gumanti nang makita ko siyang naka-tingin sa pintuan habang kumikinang pa ang mga mata.



Napatingin rin ako sa pintuan at napa-irap nalang nang makita kong papasok ang dahilan kung bakit ako kinurot ng hinayupak na 'to.


Si Sebastian, crush ng tukmomol na 'to.


Kainis talaga! Ang haba kaya ng kuko niya! 'Di ba siya aware!?



Bakit kaya ang aga-aga dumating ng Sebastian na 'yan dito? Wala pa bukas ang cafe! May last fifteen minutes pa kami!



Sakto rin na dumating na sina Karl at Michael, naka-ngising parang tanga si Karl, si Michael naman ay nag-aayos ng damit niya.


"Godsmorning mga burnik!" Bati ni karl. Hindi ata 'to humarap sa salamin bago umalis, may muta pa siya.



"Hoy Michael, kailan ka ba matututong mag ayos ng damit bago pumunta dito?, halatang kagigising mo lang!" Puna ni Nicole kay Michael.



"You're so good at ebreting, nicole! How do you know that I'm just aweykening?" Sabay-sabay kaming napatawa sa sinabi niya. Alam naman naming alam niya kung paano mag-english pero, sinasadya niya lang talaga.


Share ko lang.


"Uh. excuse me, miss?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Sebastian na ngayon ay may hawak ng menu, Kilala na namin siya dahil ka-schoolmate namin siya noon.



"Oh, 'miss' raw." Sabi ko sabay siko kay daisy na katabi ko lang, nilingon ko pa siya at bahagyang itinaasa-baba ang kilay. Pasalamat siya at mabilis mawala ang galit ko. Pero alam ko 'yong pasa ng kurot niya matagal mawala!



"Sige, una na muna ako sa future ko," naka-ngiti pa siyang tumango bago umalis.



Minsan talaga, tinatapatan niya ang pagka-feelingera ko.




PATAPOS na akong mag-linis ng isang table, nang tumunog ang cellphone ko.



Nag-taka naman ako dahil hindi naka-save sa cellphone ko ang number na tumatawag. Edi sinagot ko.


"Hello?" Bungad ko.


"There you are, my pretty bff!" Sagot ng nasa kanilang linya.


Sino e2?


"Sino po ito?" Magalang na tanong ko, malay ko ba kung sino 'to.



"For Pete's sake Arhea! You already forgot me? Akala ko ba bff na Tayo?" Saad niya. Sandali pa akong napa-isip kung sino itong tao na 'to, tapos yung endearment niya!



Si Eira! Bebegurl ko!



"Eira bff!, nakuw sorry, 'di kita nakilala kaagad!" Paumanhin ko



"It's fine, I know that you're doing a lot right now but, I want to see you, I'm bored. Where you at?" She asked



"Nasa cafe ako, nag-tatrabaho." Sagot ko



"Is that so? What's the cafe's name and location? I'll go there, it's boring here." Sabi niya, na-shook ang ferzon.



Wala ba siyang ginagawa? Okay lang naman.



"Sure ka?" I asked



" Of course naman. I told ya, its really boring here."



"Okay."




Sinabi ko sakaniya ang location at pangalan ng cafe, masaya niyang ibinaba ang tawag at sinabing papunta na raw siya dito.



Sanaol na bo-bored.






SLOW BURNWhere stories live. Discover now