Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

08

6.2K 243 19
                                    

Gusto kong mairita kay Keij sa sinabi niya sa akin.

Kanina pa ako nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko pero wala naman akong nakikitang pagbabago. I was looking at my tummy and it was still flat. Ganoon pa rin naman ang katawan ko.

Nagsukat pa ako ng ibang damit ko para makita kung sumikip ba ang mga iyon pero hindi naman. I was still the same...

But damn that guy!

Noong tinanong niya ako kung buntis ba ako, kinabahan talaga ako pero hindi ko na lang din sinabi sa kaniya. Wala pa naman ang schedule ng period ko kaya hindi ko naman din masabing delayed ako...

It has been almost two weeks since something happened between me and Keij. Kung hindi ako nagkakamali ng bilang, magkakaroon na ako sa week na ito. I could be delayed due to stress, but I was sure that I was not pregnant.

I couldn't be pregnant.

"Gago ka talaga, Keij!" inis na sabi ko pa rin habang nakatingin sa salamin. Hindi ko naman kasi dapat iisipin ang mga ganitong bagay kung hindi nagbiro ang lalaking iyon tungkol sa pagbubuntis.

I was just really hungry because I didn't eat lunch. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit matakaw ako. Bakit kailangan niyang magtanong ng ganoong klaseng bagay?

I shook my head and looked at myself.

"No, I am not pregnant. I can't be pregnant..." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ko. Besides, gaano ba kataas ang percentage na mabubuntis sa isang one-night stand? I think there's a very little chance that it will happen.

Hindi rin ako kasama sa success rate ng one-night stand!

Nagbihis na lang ako ng pantulog ko at nahiga na rin sa kama para makapagpahinga na rin ako. I was trying my best not to think about anything. Ayoko ring isipin pa ang sinabi ni Keij.

He was just joking, playing around like what he used to do.

Nakita ko rin naman na naging seryoso ito noong naisip din nito ang tungkol sa bagay na iyon, pero naniniwala ako na hindi ako buntis.

Wala naman akong kakaibang nararamdaman. Hindi ako nasusuka. Hindi ako nahihilo. Wala akong nararamdaman na mga sintomas ng pagbubuntis kaya alam kong hindi ako buntis.

Hindi ako buntis!

Naging mailap ang antok para sa akin dahil hindi ako nakatulog sa pag-iisip. I mean, I was confident that I was not pregnant... but there was a small voice inside me that made me overthink.

Matapos akong mag-ayos ay umalis na rin ako ng bahay at hindi na ako nag-abalang mag-almusal. I was thinking of just going to a drive through to get a coffee and maybe French toast for breakfast. Sa opisina na lang din ako kakain dahil may meeting pa ako ng 10 am.

Mabuti na lang din at hindi pa naman ganoon kahaba ang pila kaya nakabili ako ako kaagad ng mga kailangan ko at dumeretso na ako sa opisina. I just greeted some employees and went straight to my table and checked my to-do list.

Puro ako meeting sa araw na iyon dahil kailangan ko na ring maisara ang mga deal na nasimulan ko. Wala naman na rin akong magagawa sa pagkuha ng credit ni Ysmael sa mga Dela Cruz.

Kung sasabihin ko pa iyon ay baka isipin pa ng iba ay pinepersonal ko ang lalaki kahit na hindi naman talaga.

I finished before I joined the meeting, and it turned out good. Papasahan ko na lang ng agreement ang mga ito para mapiramahan. Ginawa ko na rin ang mga kailangan kong contracts para sa ibang clients para wala na akong iisipin pa.

At lunch time, I just had Caesar salad. Medyo busog pa naman ako mula sa French toast na kinain ko kaya hindi na ako nag-heavy meal sa tanghali at baka ma-food coma pa ako pagkatapos.

Made to be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon