Simula

3.2K 184 71
                                    

SimulaMassachusetts Cuevas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula
Massachusetts Cuevas

Malamig na hampas ng pang-Hunyong hangin ang nagpangaligkig sa akin.  Samantalang, ‘yong amoy ng basang lupa ay naghalo sa naglalaho nang alaala ng tag-init, ‘yong nakabibinging katahimikan naman ay binabalot ang pagkatao ko ng takot at kadiliman.

Kasalukuyang nakatayo ako sa harapan ng puntod ng asawa ko, tatlong araw matapos niyang ilibing, ako na hindi natitinag sa puwesto ko at ni hindi rin nga yata kumukurap, nangangamba na baka sa muling pagmulat ay hindi pala totoo ang lahat.

Masama ba akong asawa kung sasabihin kong imbes na nalulungkot at nagdadalamhati ay lihim na nagsasaya at nagdiriwang ang puso ko sa pagkamatay niya?

Napayakap ako sa mga braso nang muling humampas ang malamig na hangin kahit pa mahabang manggas naman ang suot ko, biglang napangiwi sa kirot na nagmumula sa mga braso ko.

Ang totoo ay kauuwi ko pa lamang mula sa ospital. Bahaw pa ang mga sugat ko gayundin ay sariwa pa ‘yong mga pasa na natamo ko mula sa aksidenteng parehong kinasadlakan namin, pero hindi na ako makapaghintay pa na puntahan siya rito at masiguro ‘yong balita na patay na siya, ako na masuwerteng nakaligtas doon sa malagim na trahedya.

Napapikit ako nang mariin sa alaala noong aksidente ngunit mabilis ko ring nilimot, at pipilitin ang sarili na hindi na sariwain pa iyon dahil isa iyong masalimuot na pangyayari na hindi na dapat na binabalikan pa. Pangalawang buhay ko na ito. Isang pagkakataon na naniniwala akong ibinigay sa akin para umahon at umalis mula sa impyernong nakaraan ko.

Muli akong nagmulat ng mga mata at tumunghay sa lapida kung saan nakaukit sa ginto ang pangalan niya.

    Non ti dimenticheremo

    Silvestre Alighieri
  
    Born: October 24, 1990

    Died: June 07, 2017

Namuo ang luha sa mga mata ko, hindi dahil sa lungkot ng pagkawala niya kundi sa pasasalamat na totoo nga itong nasa harapan ko, na hindi ito panaginip o imahinasyon ko, na naroroon na siya anim na talampakan ang lalim sa lupa.

Wala na siya.

Malaya na ako.

Ligtas na ako.

Non ti dimenticheremo?

Kung sino man ang nakaisip na iyon ang ilagay sa lapida niya ay nagpapatawa siya. Because no one would miss this monster.

Or maybe, his brother.

Because they were both monsters.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistreated [Salvatore & Massachusettes]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon