(wala ng intro intro)
——————————
Unang bungad sa akin ng punyetang lunes na 'to ay ang sigaw ng nanay ko kasabay ng pag ring ng alarm ko, 12:30 ang pasok pero putcha 7 palang gising na ako. Ano? uunahan ko tumilaok mga alagang manok ng tito ko? magsasaing pa pagkatapos iisipin ko pa kung anong lulutuin kong ulam para sa baon ko mamaya.
"fried chiken o pork chop?" ayan, kausap ko na naman sarili ko.
"sige fried chicken nalang" syempre kailangan ko rin sagutin sarili ko, feeling main character ako e, kunyare may camera sa paligid at nasa tv show ako.
'putang! aray! sige laban! ay! ay! putang--, manok ka lang may sandok ako!'
samahan natin ng action ang genre ng narrative ko ngayon, punyetang mantika kasi di nalang manahimik.
"ang aga aga nagsisisigaw ka dyan" ay gising na pala ang nanay ko, nanay ko ba? basta galing daw ako sa petchay nya e, kasali yata sya sa bahay kubo.
"syempre pag masakit sisigaw, alangan naman mahinhin ka nasasaktan ka na, aray~" sarsisim yon, matalim ang tingin ng nanay ko empre sabi nga if looks could kill edi sana pagkalabas ko palang sa petchay nya nasa crematorium na ako.
" ulam natin for today is fried chimken kung gusto mo samahan mo ng anak, luto ka rin itlog" i need to distract mama using mg kakulitan, baka mabadtrip edi mababad trip din ako.
" mga hugasin di man lang nahugasan, ang tagal ng oras mo ni hindi mo man lang naisipan mag hugas ng pinggan, ilang beses ko ng sinasabi yan e, napakatamad mo talaga! paghuhugas nalang nga ang gagawin mo kinatatamaran mo pa blah blahblah" so ayun guys fried chicken ulam ko ngayon di na yata ako makakahingi ng 50 na pambaon, halata naman e.
9:40
putang?? 9:40 na agad? ni hindi pa nga natatanggal muta ko sa mata 9:40 na agad?
minekus mekus ko nalang yung ibang natirang ipiprito at naghanap na ng damit na pwede kong suotin.
" plain pants o cargo pants? " takte 7 minutes bago nakapag decide, sana pala nagpanty nalang ako hayop.
'putanginang tubig 'to, nandito ba mga naging past relationship ko? daig ko pa si elsa kada buhos e' hindi ako oa, malamig talaga hayop na yan.
"MAAAAA! bye." tinulak ko ng madiin yung gate namin para kahit di isara ni mama ay naka sarado ng konti yung gate, halos katapat lang naman ng bahay ang school ko, actually mga 1 minute lang ang aabutin kung tatakbuhin ko pero ang main character ay hindi natakbo dahil garceful sila pero syempre di rin naman ako main character at mas lalong hindi ako graceful.
potang.... hindi nga ako main character pero bakit naman ang magiging role ko pa yata e ay ang yumaong kaibigan ng main character.
"ay ate sorry! naka headset ka kasi e!" ay kuya kasalanan ko? bakit parang kasalanan ko?
"ay kuya sorry" putanginamo hayop ka, tumalsik na ako't lahat ako pa sinisi mo.
"pag tatawid kasi titingin ka sa dadaanan mo! tapos naka headset ka pa" ay kuya diba ikaw nag mamaneho? ano 'to? reverse psychology? ygolohcysp?
"sige kuya, sorry po" tanginamo talaga, lakad matatag.
shet shet! nagdidilim paningin ko, literal! wait! buhaghag pa buhok ko! di ako pwedeng himatayin! pano pag pogi nakakita saakin? pano pag------
(next na susunod na kasunod kasi ano)
YOU ARE READING
Struggle Of The Accidental Main Character
Randombasta nagising nalang sya bilang main character kahit mukha syang hito.