May nagnakaw ng manok

1 1 0
                                    

(ok na nakatae na ako)

________________

hoi tangina yung manok ko! goodbye and rest in oil my chicken.

waw grabe nagtira pa kayo ng buto na may konting laman para sakin, nakaka touch kayo sobra.

"hoiir~ weg nye nemen eke ebesen~"  konting konti nalang gagamitin ko na 'tong buto ng manok para magpakamatay, lulunukin ko 'to!

ok tapos na break time kahit may gusto na akong i-break ang leeg.

"good afternoon grade 10" hi ma'am loona ang ganda mo.

"GOOOOOODDDD AAAFFFTEEERRRNNOOOONN MAAAA'AAAMMM LOOOOONAAAAA" pang grade 3 na bati ng mga kaklase ko habang ako nag shut down nalang dahil hindi ko maatim na pakinggan ang boses ko.

"saur for our today's topickh! it would be done by twoar groups, two membher each!" bawat words yata na binibitawan ni ma'am loona ay may thick accent, metikuloso kasi at mahigpit si ma'am loona pero pinaka magaling mag turo at understanding.

empre sa di malamang dahilan, si kuyang kwek kwek ang naka partner ko.

"nasabi na ba ni ma'am carly sainyo na ang dissolved class ay mapupunta sainyo?" sinagot naman sya na oo daw sabi ng mga kaklase ko, kasi ako hindi ko alam e lutang kasi ako.

"about sa vawc ang gagawin natin ngayon, checking sa miyerkules" oki ma'am sabi mo e.

awkward naman neto.... pano ba simulan 'to... ayokong magsalita dahil baka pilipit na hito na naman ang boses ko.

"ate saan natin sisimulan?" loh? bat sakin ka nagtatanong? buhay ko nga di ko alam saan patungo e.

'memeyeng ewian ne netin gewin' mas ok maging langaw na bumubulong kesa maging dilang pilipit.

"ha?" suntukan nalang oh? ano ano? palag!

"mamayang gabi na natin gawin" ay! ay! take 2 take 2!

"ahem! AHEEERMMM!-----PUTANGINAAAA" sa wakas! at last! ang boses ni ursula!

"ayon nga, mamaya na natin gawin, diba katabi ng bahay nyo yung kay nanay lita? katukin nalang kita mamaya... ano nga name mo?" susulitin ko na dahil baka mamaya ay maging boses pilipit na naman ako, salamat sa lahat ng max at tubig na nahingian ko, mabuhay kayong lahat.

"ah, rome. saan ka ba?" secret baka malaman mo e.

"dyan lang" may utang kasi ako sa milktea-han baka sabihin mo pa kung saan ako nakatira.

(pano mag time skip?)

Tanginang yan, mas madali pa yatang magbenta ng pandesal sa labas ng school kesa pumasok araw araw e. pero dahil pa main character tayo ipepressure natin ang sarili natin for better grades, main character ba ako? syempre hindi.

dahan dahan akong maglakad at parang adik na naka look out sa pdea dahil baka mabangga na naman ako, feeling ko manananggal ako na may back pain, sasabihin ko ba sa nanay ko na nabangga ako? syempre hinde. nyahahhahahah.

"MAAAAAA! upin de door!" hinahampas ko ng kamay yung gate naming mas baliko pa sa likod ko.

"meika! anong ginagawa mo dyan? sinong tinatawag mo?" si ate osing naman parang tanga, ano bang gagawin pag nakatok? edi papasok, parang aso naman 'tong tao na itu.

"ang tagal po kasi ni mama buksan yung gate e" aakyatin ko na 'to, ang kati kati na ng hita ko kakakagat ng lamok.

"mama mo?" hindi po, mama mo syempre mama ko, para ka namang walang mama.

"e wala ka namang nanay diba? halos ilang taon ka ng nakatira mag isa dyan" ay hala sya! ginawa pa akong sinungaling, tsaka anong ilang taon? e kakalipat palang namin last month? etong si aling osing masyadong delulu.

"po?anong walang mama aling osing?" aling osing mamaya pag nagkahulihan madamay ako dyan ah, nako sinasabi ko sayo magbagong buhay ka na, isang hinga ka nalang ata e.

"ikaw lang mag isa ang nakatira dyan, ano ka ba? ay nako kawawang bata naman, miss na miss mo na ba ang nanay mo?" ewan sayo teh shut down ka na.

"ahh.. haha sige ho" bye mima nakakatakot ka, gagawin mo pang horror 'tong kwento.

kakatok na sana ako ulit sa gate ng biglang nasa harap nalang ako bigla ng bahay, may susi na rin sa kamay ko at nakabukas na ang pinto, omg baka nasa coma ako tapos kaluluwa nalang ako???

"tao po" neng wala ngang tao, kakasabi lang ni aling osing diba?

unang hakbang palang ay may tumama na sa paa kong libro.

'Ang Babaeng Delulu'

nuyon? title yon? ang gago naman ng pamagat. pero dahil gago rin ako ay syempre binuklat ko.

"nabangga sya ng isang motor.... uy same.... at namatay... ay....... at sya ay naging isang paro paro.. ano ba 'tong librong itu??... may apat na prinsipeng nagligtas sakanya, ngunit may nagbabadyang kamatayan ang naghihintay sakanya... pota?... maraming pangyayari ang naganap sa buhay ng dalagang si meika... ha??... nakidnap, nabully, naghirap, nawalan ng pamilya... teka nga ano ba 'to? sinong bumili neto? parang gago naman, kapangalan ko pa----teka nga ginagago nyo ba ako?"  litong tanong ko habang naghahanap kung may camera ba sa paligid.

may chocolate na hello sa lamesa, nag iisa. same kami sadgirl kasi ako, akin nalang 'tong chocolate patay gutom ako e.

'sorry neng hehehe'  nuyon? diba dapat sweet message nasa likod neto?

'ilang bwan lang naman tapos pwede ka na bumalik' ay pota!

naibato ko yung chocolate nung nagbago yung nakasulat sa likod nito, ewan ko kung anong kabobohan ang nangyari saakin at pinulot ko ulit e gustong gusto kobg tumakbo palabas ng bahay.

'nakita mo yung libro diba? ' tumango ako na parang tanga habang nakatingin sa chololate.

'gawin mo nalang guide book hehe, bye' ay putang--

"teka... wait... wait nga lang... alam kong adik ako sa reincarnation book pero ako? me?" syempre hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang nangyayari pero putangina, nakita nyo ba yung nakasulat sa libro? NAKIDNAP? NABULLY? NAMATAYAN? whot the phak?

"KUNG PIPILI KA NG LIBRO SANA NAMAN YUNG MAAYOS AYOS!" sigaw ko sabay kuha ng libro at nagtangkang punitin ito, pero syempre di ko gagawin yon, aba mamaya may plot twist pala e.

wait nga nahihilo ako sa mga nangyayari kingina.

-------------------
(di ko na talaga alam kung anong sinusulat ko)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Struggle Of The Accidental Main CharacterWhere stories live. Discover now