01: Crush
Three years ko na siyang crush. Kuntento na akong makita ko lang siya sa malayuan. Hindi ko naman hinihingi na magkagusto rin siya sa akin. Dahil napaka imposible naman diba?
She's just my happy crush. She brings joy and excitement, butterflies in my stomach.
I never wished for her to look at me back. Pero para akong matutunaw ngayon na nakatingin siya sa akin.
Umiwas nalang ako ng tingin.
Bakit ngayon kinakabahan na rin ako? Mga kaibigan ko palagi akong tinutukso sa kanya simula nong nalaman nila na crush ko siya.
Pero hanggang don lang naman 'yon. Imposible namang mabigyan niya ako ng atensyon at chance.
Hindi naging boring ang araw-araw ko simula nong nakilala ko siya. Pero ewan ba hindi na ako nagkaroon pa ng ibang crush.
And I lied.
Gusto ko rin siyang tumingin sa akin pabalik. Gusto ko ring mapansin niya ako. Pero ayokong pilitin ang sarili ko.
Besides, she's a girl. A woman.
Babae rin ako.
Baka masampal pa niya ako or what. Kaya I need to act straight!
I mean straight naman ako, oo no boyfriend since birth ako pero hindi ibig sabihin na wala akong naging crush nong junior high at senior high student pa ako.
Marami nga akong crush na mga lalaki.
Pero nong nakita at nakilala ko siya parang hindi na ako nagkakaroon ng interest sa sino mang heartthrob sa University.
"Natapos din! Kain ako sa labas sama kayo?"
Napalingon ako kay Max. Nakita kong hindi pa siya tapos. Ang kalat pa nga, pero bakit niya sinabing tapos na siya?
"Oy, nga pala papuntahin ko dito girlfriend ko ah?"
Natulala ako sandali. This dormitory is for all girls only. I mean oo babae siya at wala akong problema don. Nakakagulat lang na may girlfriend siya, she's too girly hindi halata sa kanya.
Sabagay, nakapatay kasi ang gaydar ko.
"Sure." Natulala ako sa sagot ni Casey.
Is she fine with it?
"Ah sorry Sarah. Okay lang ba sayo? kung hindi..."
"Okay lang," sagot ko.
"Ayiie kasi kung hindi malulungkot ako!" sigaw niya na parang bata.
"Kain muna ako ah!" sigaw niya at lumabas na agad ng kwarto. Naiwan na naman ako sa kanyan Kung lumabas nalang kaya ako? o tignan ang cr muna?
Kapag malaman 'to ng mga kaibigan ko alam kong pipilitin nila akong makipagkilala sa crush ko. Kaso ayoko! Baka matakot pa sa akin!
Okay na 'to. Baka kasi hindi rin siya para sa akin eh bakit ko ipagpipilitan.
"I'm Casey by the way, you can call me Cas."
Napalingon ako sa likuran ko at nakatayo siya ngayon mismo sa harapan ko! Hindi ako makahinga!
She has a perfectly proportioned face, well-shaped. Her nose is slender and straight. She also has beautifully shaped lips.
"Hey."
She suddenly snapped her fingers.
"Ah.. Sarah, po."
She's one year older than me. Sayang hindi kami sabay gra-graduate.
Mauuna siya sa akin.
She's a 4th year engineering student. While I'm a 3rd year architecture student.
