02

449 13 0
                                    

02: Chance

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Binuksan na pala ni Max ang bintana. Mamaya pa kasing 10 am ang class ko. Pero sige, kakain na rin ako ng almusal dahil nagugutom na ako.

Bumangon ako at agad akong napatakip sa dibdib ko ng unan. Nakalimutan ko yatang hindi lang ako ang nandito sa loob ng room. I didn't wear any undies.Mas komportable kasi.

Though alam ko namang, they won't judge kasi babae naman kami lahat. Nakakahiya lang. Lalo na sa…kanya.

Wait, did I see her smirking?

Umiling ako dahil bakit naman niya ako papansinin? Gosh! Ang ganda niya kahit kakagising lang. Hindi ako makapaniwala na gigising akong kasama siya sa iisang kwarto.

“Good morning Princess Sarah!” Napalingon ako kay Max. Hindi pa nga ako nakakapaghilamos at nakakapagsuklay. Ngumiti lang ako at tumango.

Pero hindi naman niya ako pinansin dahil pinuntahan niya agad ang girlfriend niya.

I looked at Casey, why does she have to be cool? Pakiramdam ko tuloy mas lalo ko siyang magugustuhan ngayon.

Ang lapit niya sa akin kahit ang layo pa rin.

Ang ganda niya pa rin kahit nakasampay ang tuwalya niya sa may balikat niya. She's even pretty with that short messy hair.

“Hmm?”

Bigla siyang lumingon sa akin kaya agad akong tumalikod.

Ano ba? mapaghahalataan ka na talaga! Pero halata naman na talaga ako sa University palang dahil sa mga friends ko. Kaso… hindi naman niya ako kilala non, hindi ko nga alam kung napapansin niya. Hindi nga niya ako kilala hanggang ngayon.

Hinintay ko lang sila na matapos sa banyo. Gusto ko ng magpahuli nalang dahil hindi naman early ang class ko.

Inayos ko nalang muna ang gamit at plates ko.

Hinintay ko lang rin na makaalis talaga si Casey. Mabuti nalang at lumabas na siya. Naligo na ako tapos nag-ayos na rin. Back with my uniform.

Bumaba ako at pumunta ng canteen nila dito.

Ang daming tao dahil maraming estudyante galing sa iba’t ibang University. Makakakita nalang ako manaya ng bakante siguro.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Casey.

Kumakain na wala siyang katabi. Wala ring umuupo sa harapan niya. Umiwas ako ng tingin dahil baka mahuli niya ako. Kung sa labas nalang ako kumain?

Huminga ako ng malalim. Crush lang naman diba? Kuntento na ako kung mapansin o hindi niya ako mapansin. Kaya bakit pa ako kakabahan? bakit ako kinakabahan ng ganito!

Natigilan lang ako nang ako na pala ang bibili ng pagkain. Nakapila na pala ako.

Bumili lang ako ng isang chicken at isang gulay tapos dalawang kanin.

Inilagay ko na ang plato ko sa tray at naghanap na ako ng mauupuan. Napalunok ako dahil wala akong makitang pwedeng upuan.

O baka excuse ko lang na wala akong makita para makaupo ako sa tabi niya?

Meron pa naman siguro.

Wala na talaga promise.

She won't mind naman if I sit beside her?

Lalapit palang ako nang may biglang umupo na sa tabi niya. Meron pa naman sa harapan pero nahihiya na ako.

Hahakbang palang ako paatras nang tumayo na siya. Tapos na pala siyang kumain. Umupo nalang agad ako doon.

Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon