03

371 10 0
                                    

03: Friends

Para akong sabog na nakauwi ng dormitory. Dahil sa dami pa naman ng tao na kailangan mong kalabanin sa pila para makasakay lang agad. Tapos sa loob ng bus standing pa.

Pagkabukas ko ng pinto ay mabuti nalang wala pang tao. Agad akong naligo at inayos ang sarili ko. Mabuti sana kung wala si crush dito.

Gusto ko lang maging presentable sa harapan niya kahit hindi niya ako mapapansin.

Pagkatapos ko sa banyo ay nagpatuyo muna ako ng buhok gamit ang hair dryer brush ko.

Naiisip ko lang ang sinabi ni Elodia. What if I make a move? Mas malapit na ako sa kanya. Pero kahit nga sa SoCiant hindi ko siya ma-chat dahil nahihiya ako.

Isa pa, babae nga siya! Baka maweirduhan lang siya sa akin.

Kung makipagkaibigan naman ako. Baka naman maiwan ako sa friendzone. Pero at least naging kaibigan ko siya?

“Hi!”

Agad kong pagbati sa kanya kahit kakapasok lang niya ng room. Kinabahan kasi ako! Akala ko rin kasi si Max ang pumasok.

“Ah hi,” sagot niya. Halatang nagulat ko siya sandali.

“Good evening,” sabi ko at agad na umiwas ng tingin tapos kinagat ang dila ko.

Kahit sa pagtanggal ng sapatos niya ang poganda!

“Good evening. Maganda siguro araw mo. You seemed like a snob yesterday.” Rinig kong sabi niya. Ako snob?

“Snob?” tanong ko.

“Yeah.”

Kahit yeah lang ang sinabi niya ang lamig at ang lambing pakinggan. Kinikilig na naman ang puso ko.

“Ah kasi ano…amm…” Ano ba sasagot ba ako o hindi? Ayoko rin naman na hindi siya sagutin dahil hindi ko alam kung kakausapin pa ba niya ako.

“Kasi?”

Pakiramdam ko lang ba na nasa likuran ko na siya? Napaupo ako ng maayos. Pakiramdam ko lang naman diba? Bakit naman siya tatayo sa likuran ko?

Haha ang delulu ko na talaga.

Inangat ko ang aking tingin at nakita kong may kamay na nakahawak sa railing ng higaan ko. Teka? hindi niya kamay ‘yan diba?

Malala na talaga ang imaginations ko.

“Come on…I’m waiting.”

Natigilan ako sandali dahil parang ang lapit na ng boses niya. Napatayo ako at napatili nang makita siyang nasa likuran ko.

Umayos siya ng tayo at ngumiti.

“Ah ano…pagod lang ako kahapon… hindi mo naman ako tinulungan sa mga shhhh shhhko.”

“Ano?”

Halos pabulong na ang ibang sinabi ko.

“Wala, hindi ako snob.”

“Ahh…sure.” Napaatras ako hanggang sa makasandal ako sa desk ko dahil bigla siyang yumuko at itinapat ang mukha niya sa mukha ko.

Napahawak ako sa balikat niya kahit hindi ko alam kung pwede tapos dahan-dahan ko siyang itinulak.

Masiyado kasi siyang malapit.

Never pa akong nakalapit sa kanya ng ganito! Baka kami na talaga? para sa isa’t isa na kami? Kasi diba hindi naman siguro hahayaan ng universe na magkasama kami sa isang room kung hindi pala kami para sa isa't isa.

“Pagod lang siguro ako kahapon,” sabi ko.

“Okay.” Tumango lang siya at ewan ba pinagmasdan ko siya habang may mga kinukuha suyang gamit sa bag niya.

Bago nga lang ako dito pero ang kalat na ng study table ko. Sa kanya sobrang linis. Tapos nakaayos rin ng lagay lahat ng rulers at lapis niya.

Hindi lang talaga siya malinis tignan. Malinis siya sa lahat.

“Ah nabanggit mo kahapon ang Primston diba?” Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Talagang nakikipagusap ako! Ito na ba? nag-uumpisa na ba akong kumilos? Baka mamahiya mapahiya lang ako. Kasalanan ‘to ni Elodia for giving me advices na alam kong ikakasakit ko lang.

I mean from looking at her. She's so…perfect.

“Why? Are you studying in Primston?”

Sasagutin ko palang sana siya nang bigla siyang magsalita.

“Then we can't be friends.”

Natigilan ako sandali nang sinabi niya ‘yon. Ipagpapasalamat ko ba na nauna akong umuwi dito at hindi niya nakita ang uniform na suot ko?

“Bakit?Pero…taga-Primston ka diba? bakit ayaw mo?” tanong ko dahil nakasuot siya ngayon ng uniform for Engineering students sa Primston University.

“That’s the reason.”

Natigilan ako sandali. Anong reason? Hindi ko na gets.

“Pero hindi ako pumapasok sa Primston.” Nakangiti kong sabi. Ngiti pa! Ngiti pa talaga Sarah! Inabot ko naman ang ID ko sa likuran baka nakita niya na ‘to at sabihing sinungaling ako? Nang maabot ko siya na hindi lumilingon ay agad ko itong hinawakan ng mahigpit at sinisgurado na hindi niya masilip.

Desperada ba ako? akala ko ba, okay na sa akin kahit hindi niya ako mapansin? kuntento na ako?

Ang gulo ko talaga! Siguro kung wala siya ngayon at hindi kami nagkakasama ngayon hindi ko naman gagawin ‘to diba?

I saw her grinned.

Anong ibig sabihin non?

“Great.”

“So…I can be your friend?”

I saw her halted. Matutunaw talaga ako sa titig niya.

“I’ll think about it. It’s important to me to prioritize my preferences. I consider myself picky when selecting friends.”

Ah…lakas kasi ng tama mo Sarah. Nakalimutan ko kung ano ang kinain ko para mqkipagkaibigan sa isang tulad niya. I don't have a chance.

Uulitin ko wala akong chance.

Pinapakirot ko lang sa sakit ang dibdib ko eh.

Tumango lang ako bilang sagot at dahan-dahang tumalikod at umupo. Agad kong inilagay sa drawer ang ID ko. Muntik kong makalimutan na pinapatuyo ko pa pala ang buhok ko.

Napalingon ulit ako sa kanya at nakahiga na pala siya. Hindi ba siya muna magpapalit?

Pero kanina natitigan ko siya sa mata.

I saw it from her grey eyes that she's…tired.

Sana maging pahinga niya ako someday.

Eme, as if naman.


Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon