MTB CH 1

181 3 0
                                    


"Castro and Robles! Come to my office!"

Nagsalubong naman ang mga mata nilang puno ng galit sa isa't-isa.

"Go na, Tim. Hintayin ka namin sa labas ng office." Wika ni Rob at saka tinapik ang kaibigan. Huminga ng malalim si Tim at saka tumingin muli sa taong kinaiinisan niya sa lahat.

Mas lalo lang nag-apoy ang damdamin ni Tim nang nagdabog si Cholo at binato ang bag papunta kay Gino.

"Mauna na kayo. Sunod na lang ako." Wika ni Cholo kila Gino at tinapunan ng tingin si Tim na ngayon ay hindi nagpapatalo sa tagisan nila ng poot sa isa't-isa.

Nauna nang umakyat si Cholo sa office nang may sama ng loob.

"Ba't ba kasi laging galit 'yang tropa niyo? Lagi na lang napapahamak si Tim!" Singhal naman 'yan ni Roxy at dinuro pa ang mga kaibigan ni Cholo.

"Excuse me? Baka nakakalimutan mong ayang kaibigan niyo ang unang sumugod kay Cholo? At saka ba't ka ba nangangailam? Ang ingay-ingay mo for fuck's sake!" Inis na wika naman 'yan ni Arch na tropa ni Cholo.

"Ayusin mo 'yang pananalita mo ha! Baka 'di kita matansya." Pagbabanta naman ni Rob na pinigilan ni Roxy lumapit.

"Tama na, akyat na ako. Hayaan niyo na sila." Bulong ni Tim at saka binigay ang bag kay Rob na nakikipag-tagisan rin ng matatalim na tingin kay Gino at Arch.

"Hindi ba kayo nagsasawang pumasok dito sa office?" Tanong ng kanilang principal na nakapamewang. Nagtama naman muli ang mga mata nila Tim at Cholo na ngayon ay magkaharap na nakaupo.

"Si Cholo po kasi." Agad na sumbong ni Tim na masama ang tingin sa kaklase. "Ilipat niyo lang ako ng section." Walang ganang sabi ni Cholo na sumandal sa inuupuan.

"Seriously? Robles? Hindi ka na namin malilipat sa kabilang section. Ang kailangan mo lang naman gawin ay ayusin ang pakikitungo mo kay Tim. Mahirap ba talagang gawin 'yun?" Halos mawalan na ng pag-asa ang kanilang principal dahil sa away ng dalawa. Hindi lang naman silang dalawa ang problema. Maging ang mga kaibigan nila na lagi na lang gumagawa ng gulo sa kahit saang parte ng school.

"Ang arte ba naman kasi!? Kung manahimik ka na lang kaya palagi at huwag akong guluhin?" Inis na sabi ni Tim na nakakunot ang noo. Tumingin naman sa kanya si Cholo na ngayon ay nakangisi.

"Why would I? Mas masaya kapag nakikita kitang nahihirapan." Sagot pa ni Cholo na ngayon ay nilalaro na lang ang susi na hawak niya.

Halos magpintig ang tenga ni Tim sa kanyang narinig.

"Ang kapal ng mukha mo, gago!" Sigaw ni Tim at halos lumundag na papunta kay Cholo para sampalin 'to.

"I know." Sagot pa ni Cholo kaya lalong nainis si Tim.

"Okay, huminahon ka muna, Tim. Hindi talaga kayo titigil 'no? Sige, dadagdagan ko parusa niyo." Wika ng principal kaya naman kumunot ang noo ni Tim at saka tumayo para magprotesta.

"Ma'am? Siya naman palagi may kasalanan eh. Bakit pati ako nadadamay?" Singhal ni Tim sabay turo kay Cholo na halos walang pakialam sa nangyayari.

"Castro, hindi ka naman din niya papatulan kung wala ka rin ginawa 'di ba? At saka sa bawat footages na napapanood ko, ikaw 'tong sumusugod palagi sa kanya. Puro ka kalmot, ano ka pusa?" Inis na wika rin ng principal na ngayon ay naupo dahil pagod na siyang marinig pa ang mga reklamo ni Tim.

"Cute naman." Nakangisi pang sagot ni Cholo na nakatingin ngayon kay Tim na animo'y pinagmamasdan.

"Hayop ka talaga!" Sigaw pa ni Tim at saka tumayo para sumugod. Nataranta naman ang principal pero wala siyang nagawa nang makarating na si Tim sa harap ni Cholo upang hilain ang buhok nito.

Me Before YouWhere stories live. Discover now