MTB CH 2

114 2 0
                                    


"Tay, ayos ka lang?" Tanong agad 'yan ni Tim na kauuwi lang galing school. Napansin niyang tahimik ang kanyang ama na nakaupo sa sofa.

"Tim, nandiyan ka na pala." Agad na wika ni Elmo nang mapansin niya ang kanyang anak.

"Sorry po late na ako nakauwi."

"Pahinga ka na."

Ngunit hindi umalis si Tim, naupo pa ito sa tabi ng kanyang ama. "Mukhang malalim iniisip niyo." wika pa ni Tim sabay tingin sa amang tila problemado.

"Inaalala lang kita. Nakuwento kasi ng mga kaibigan mo na may mga bully sa school niyo. Tapos sabi pa ni Rob, ikaw daw palagi target nung isa. Gusto mo bang ilipat na lang kita ng school, 'nak?" Tanong ni Elmo na halata ang pag-aalala. Agad naman umayos ng upo si Tim at hindi sinang-ayunan ang sinabi ng ama.

"Ayos lang naman po ako, tay. At saka kaya ko naman sarili ko." Sagot ni Tim na ngayon ay pinulupot ang mga kamay sa braso ng ama. "Ayaw ko rin po umalis ng Northford." dagdag pa ni Tim sabay lagay ng ulo sa balikat ng ama.

"Sino ba mga sinasabi nila Rob na bullies? Na-report niyo na ba sa principal 'yan? Naku, Tim. Ayokong maulit nangyari sa'yo nung elementary ka."

Agad na bumuntong hininga si Tim at saka nagsalita.

"Mga tipikal na mayayaman, tay. Mga mapagmataas at makapal mukha. Pero wala naman nangyayaring masama. Nag-iingat naman po ako."

"Basta magsabi ka agad sa 'kin kapag may ginawang hindi maganda sa'yo 'yung mga tinutukoy ni Rob ha. Baka former taekwondo athlete tatay mo." Nakangiting wika ni Elmo kaya naman napatawa niya na rin ang anak.

"Opo, tay. Galing galing niyo nga eh." Masayang sabi ni Tim at saka umakap sa ama.

Silang dalawa na lang natira sa bahay simula nung umalis si Edith, ang nanay ni Tim. Kaya naman si Elmo na lang ang sandigan niya sa lahat ng bagay. Minsa'y nalulumbay si Tim sa alaga ng kanya ina ngunit lagi niyang inaalala kung gaano kasakit ang ginawa nito sa kanyang ama. Umalis siya para mag-ibang bansa at pinakasalan ang nakilala niya sa trabaho.

Bagamat hindi sila kumpleto bilang pamilya, hindi naman nagkukulang si Elmo sa pagbibigay ng pagmamahal sa kanyang nag-iisang anak.

"Good morning, tay! Alis na po ako."

Sumapit na ang umaga kaya naman nagpaalam na si Tim upang pumasok sa school. "Ingat ka, 'nak. Aral mabuti!" Sagot ni Elmo at tinapik ang balikat ng anak. Ngumiti naman si Tim at saka umalis.

Pagkarating niya sa classroom ay nakasalubong niya agad si Roxy na ngayon ay hindi magkanda-ugaga.

"Hoy, kalmahan mo lang. Anong meron?" Tanong agad ni Tim na halos mataranta na rin dahil sa kinikilos ni Roxy.

"Eh kasi naman bhie, itong si Rob may hidden agenda ata." Bulong ni Roxy ng may gigil. Napakunot naman agad ang noo ni Tim sa narinig. "Ha? anong ibig mong sabihin?"

"Tingnan mo oh." Sagot ni Roxy sabay turo sa grupo nila Gino na ngayon ay kausap si Rob, nagtatawanan pa nga sila.

"Di ba! Baka mamaya sinisiraan na tayo ni Rob ha!" Dagdag pa ni Roxy na ngayon ay nakapameywang na at masama ang tingin sa kaibigan.

"Ano ka ba naman, Roxy. Mukha ngang sarcastic si Rob oh. Nambubwesit lang 'yan. Kita mo naman reaksyon ni Archie sa mga sinasabi niya." Mahinahong wika ni Tim at pareho nilang tiningnan si Archi na mukhang badtrip na badtrip kahit umagang-umaga.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan?" Nagulat naman sila pareho nang magsalita si Zyra. Agad na pinandilatan ng maga ni Roxy si Zyra kaya naman na-trigger ito.

"Kalma. Hayaan mo na." Pagpigil agad ni Tim bago pa ito lumundag papunta sa kinaroroonan ni Wika ni Robert na ngayon ay may hawak na ballpen at notebook. Well, ka-group niya sila Gino at Archie sa isang group project. At siyempre matigas ang ulo ng dalawa kaya naiistress na ngayon si Rob.

"Tsk, kung 'di niyo 'ko tutulungan, ibabagsak ko talaga kayo." Wika ni Robert na ngayon ay may hawak na ballpen at notebook. Well, ka-group niya sila Gino at Archie sa isang group project. At siyempre matigas ang ulo ng dalawa kaya naiistress na ngayon si Rob.

"As if babagsak talaga ako." Natatawang wika ni Gino at saka umirap ng bahagya. Matalino naman talaga si Gino at saka masipag naman mag-aral, sadyang may mga araw na wala siyang pakialam sa acads at mas priority ang pagbabanda with Cholo and Arch.

"Can you please stop glaring? Nakakairita." Wika naman ni Zyra dahil 'di pa rin siya tinatantanan ni Roxy.

"Mata ko 'to, wala kang magagawa." Sagot pa ni Roxy kaya naman lalong kumunot ang noo ni Zyra.

"Calm down, Zy. Papangit ka niyan." Sabi naman ni Cholo sabay hawak sa kamay nito. Sa kanya naman natuon ang pansin ni Zyra. "How dare you!" Singhal nito at hinampas ang kaibigan.

"Kung pangit ako, pati si kuya!" Dagdag pa niya sabay turo kay Arch na umirap lang.

"Oo, pangit talaga 'yang si Archimedes." Hirit naman ni Roxy kaya naman nagdabog na ito at nag-walk out. "Ang oa naman no'n." Komento pa ni Tim na ngayon ay nakatingin sa pinto nung saan lumabas si Arch.

"Lalo ka na." Agad naman siyang napalingon sa nagsalita. Nakangisi ngayon si Cholo na nakatingin sa kanya. Sinamaan niya agad ito ng tingin at hinila na lang sila Roxy at Rob upang maupo.

"Cholo, kumusta kayo ni Luna?" Tanong agad ni Zyra nang makaalis sila Tim. Napalingon naman si Gino agad at tinaasan ng kilay si Zyra.

"We're good." Matipid na sagot ni Cholo at saka umayos ng upo. Lagi nitong iniiwasan ang mga tanong na related sa kanyang nobya.

"Well, I saw her kaninang umaga. She's with her twin. What's her name again?" Tanong ni Zyra.

"Sky." Sagot naman ni Cholo kaya naman napabuntong hininga si Arch. "Sky Love Cruz 'no? Sobrang familiar niya sa 'kin. I don't know why." Wika nito kaya tiningnan siya ni Gino.

"Kaklase natin siya nung elementary." Wika ni Gino kaya lumaki ang mata ni Zyra. "Oh my, oo nga pala! Siya 'yung nag—"

"Good morning, class. Quiz discussion lang tayo ngayon since may pinatawag na meeting ang principal natin." Hindi na natapos ni Zyra ang sasabihin nang biglang dumating ang professor nila sa Chemistry.

Tila naman nabitin si Gino sa gustong marinig ngunit ipinagsawalang bahala niya na lang ito at saka lumingon kay Cholo. May gusto siyang itanong ngunit hindi ito ang tamang oras para gawin iyon.

Sa katotohanan, may napapansin na si Gino kay Cholo nung mga nakaraang araw pa. Alam naman niyang babaero ito ngunit hindi gano'n sa ibang tao na kilala niya o napapanod niya. Bakit parang ayaw niya kay Luna? Maganda naman siya, matalino, at sobrang bait. Kaya nga siya nagustuhan ni Gino. Ang hindi niya lang maintindihan ay bakit malayo ang loob ni Cholo sa nobya.

"For your next activity, by pair na. So, pwede na kayo pumili ng partners niyo. This activity will be under your performance task. Marami sa inyo ang bagsak sa quiz nung last kaya bibigyan ko kayo ng pagkakataon para maisalba ang nanganganib niyong grades." Masayang wika ng kanilang prof kaya naman gumaan ang pakiramdam ng mga estudyante lalo na si Tim na muntik nang bumagsak. Nag-review naman talaga siya ngunit marami siyang iniisip kaya naman hindi naging enough ang reviews niya para magkaroon ng mataas na marka.

Iniisip niya nanaman kasi ang taong minsan niyang minahal. Minsan lang sapagkat wala na sa piling niya ngayon. Matinding relapse ang nangyari kagabi rin kaya naman ngarag din siya ngayong morning.

Sino nga ba ang taong iyon?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Me Before YouWhere stories live. Discover now