O N E

244 6 0
                                        

"Ako po si Bianca. Ate ahuhu bakit ang manhid ng iba jan? bakit sobrang paasa sila? yung tipong kumakapit ka sa pangako nila sayo tapos habang nakakapit ka bigla ka nalang nilang bibitawan tapos hahayaang mahulog?"



"Naku ha! 6:40 AM pa lang, tumatawag ka na. Make sure this is important." 

"Grabe ka naman Bianca. Wala ba munang Good Morning Drake dyan?" sagot niya. 

Ay grabe tong lalakeng to ha. 

"Oh edi sge, Good Morning Drake ba't ka ba napatawag?" Sarcastic kong sagot. Haha pasensya siya kasi ginising ba naman ako ng maaga eh mamayang 8:30 pa class ko.

"Punta ka ng school exactly 7 AM. Kapag late ka, papatayin kita. Sige bye, bilisan mo ha andito na ako!"

*Toot* * toot*

Teka nga. Seryoso ba siyaaaa?! Exactly 7 AM eh 6:40 na. Jusmeee 

Nagmadali na akong maligo, magtoothbrush at magbihis. Di na ako kumain, sa Canteen na lang ako kakain. Mgpapalibre na ako kay Drake.

Haaay kapagod tumakbo ha. Buti na lang malapit lang yung school sa bahay. Tekaaa teka nga. Napaisip ako. Bakit mo ba to ginagawa Bianca ha? Pwede namang malate ka kasi di naman talaga papatayin nun. Dba nga sabi mo sa sarili mo pansin mong may gusto siya sayo? So if ganun, di ka talaga niya papatayin. Ay teka nga ba't ka ba nag-iisip ng masyado bianca? Hay. Kalimutan na nga. Ang importante puntahan mo siya kasi naghihintay siya. Wag mo siyang biguin.


Andito na ako. Di ko alam kung nasan siya at sa kasamaang palad, naiwan ko pa phone ko sa bahay. Kaya nagstay na lang ako sa classroom ko. Dito na lang ako magpapalipas ng oras, 7:40 na naman eh. Malapit na class ko.

"Kanina pa kita hinihintay sa Field."

Kilala ko yung boses na yun. Nilingon ko agad yung nagsalita. Tama ako.

"Drake!"

Nilapitan ko siya at niyakap.

Teka?! Niyakap ko siya?! Ano bang nakain mo Bianca. Ha? Lumayo ako agad ang nagsalita para mawala yung awkward.

"Hmm saan ka ba naghintay? Di ko ksi alam kung nasan ka tsaka wala akng phone na dala kaya dito na lang ako nagstay."

"Dun nga sa field. Okay lang, pwede namang dito ko na lang sabihin sayo."

"Osige! Ano ba yun Drake at kailangan pang maaga ha?"

"Gusto kita at gusto kong makilala ka pa ng mas malalim. Pwede ba kitang ligawan?" Sabay abot nya ng Isang red rose. 

Ano to? Ito na ba yung sasabihin niya? Di ko alam anong isasagot ko. Di ako bawal magkaboyfriend, infact okay lang kina mama at papa pero para sa sarili ko, wag na muna. Gusto ko magfocus sa studies. Oo gusto ko din siya pero gusto ko sa crush life muna. Siguro kailangan ko lang ng time para makapag-isip isip.

"D-drake. Sorry sorry talaga, di pa ako ready ngayon. Pwede bang bigyan mo na muna ako ng time? 1 week? 1 month? Baka matagalan. Nalilito kasi ako, kailangan kong pag isipan at sabihin to kina mama."

"Okay lang Bianca. Kaya ko namang maghintay. Kahit ilang oras, linggo, at buwan. Makakapaghintay naman ako eh. Sabihan mo lang ako. Sana habang nag-iisip ka, di tayo maging awkward sa isa't isa. Tara kain tayo? Buaks na ang Canteen. Libre ko" sagot niya. 

Ang bait niya. Naaawa tuloy ako sa kanya pero tingin ko naintindihan niya yung sinabi ko. Ang sarap sa feeling na alam niya yung ibig kong sabihin. 

"Salamat Drake. Sure yan ha? Sige tara!" 


Naging malapit kami ni Drake sa isa't isa kaso after 3 weeks, di na kami masyadong nagkasama. Ewan ko pero parang sa isang tulog, nawala agad yung pinagsamahan namin. Pero baka nag ooverthinking lang ako, sabi niya naman kaya niyang maghintay eh. Haaay Bianca overthinking lang yan, mahal ka nun, ngayon pang nahuhulog ka na din sa kanya.

Lagi kami nagkikita ni Drake sa school pero parang iniiwasan niya ako. Tinetext ko sya pero wala namang respond. Tsaka di ko siya macontact everytime tinatawagan ko. Ano na ba yung nangyari sa kanya? Sa amin? Haaaay.


After 3 days, nalaman ko na lang na may iba na pala siyang pinopormahang babae. Kaya palaaa.

Yun lang yun. Hanggang dun na lang kami. Syempre nalungkot ako kasi naisip ko, plano niya ba talagang paglaruan ako? Kasi bakit ngayon pa siya may iba na mahal ko na siya. Akala ko kaya niyang maghintay kaya confident akong di siya titingin sa ibang babae. Kaso, wala eh. Ang sakit lang, ang sakit sakit.

------------------------------------------------------


Thank you for sharing your story. To be honest, relate na relate ako. Kasi dalawang lalake na nagpromise saakin na kaya nilang maghintay eh. 

Ika nga ng iba, "Promises are meant to be broken" Pero para saakin, "Promises are not meant to be broken, it depends on the person who will promise." 

Everything happens for a reason girl, and I think the reason why it didn't work out because that guy is not deserving to be you partner. Siguro nga sinadya ng Diyos na bumitaw na yung guy kasi alam niya na di siya ang karapat dapat sayo. He's not the one who could give you the hapiness you've been looking for. 

Mahal ka niya - pinaghintay mo siya - mahal mo na siya - may mahal na palang iba - lumaban ka - sumuko na siya, wala din. Mag move on ka na girl and don't even let him na makita kang nasasaktan kasi di niya deserve mga luha mo. Kung totoong mahal ka niya, naghintay siya hanggang ngayon, kahit ilang araw, linggo, buwan, at taon kaya niyang hintayin kung talagang mahal ka niya. Diba nga true love waits. 

Akala mo spark na, short circuit lang pala. You're still young, enjoy being a girl, enjoy being young, enjoy life. Take care! 

Just A Girly ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon