CHAPTER 2

6 2 0
                                    

CHAPTER 2

Nagising ako nung nag announce yung flight attendant na malapit na kami. Ang tagal pala ng tulog ko. Inayos ko na ang aking sarili bago ko ginising si Carina. Nakatulog din kase siya, alam kong pagod na pagod ito kagabi pa kase marami talaga siyang tinapos na paper works. "Hey Carina, wake up. We're here! Fix yourself already." sabay tapik ko ng marahan sa kaniya. Naalimpungatan naman siya dahil sa sinabi ko. "Oh nandito na pala Tayo, grabe napasarap yung tulog ko eh!" natatawang sabi niya. Pagkatapos namin ayusin ang aming mga sarili, ay bumaba na kami ng airplane. Kahit dito sa Pilipinas ay sikat ako dahil na din sa mga naging achievements ko sa ibang bansa. Kaya nag disguise muna ako para naman hindi ako dumugin ng mga tao. Hindi naman maarte sa mga picture picture na yan. Ayaw ko lang ng masyadong maraming nakukuhang atensyon.

Kinuha na din namin ang aming mga bagahe. Hindi alam ng mga kapatid ko na uuwe kami ngayon. Gusto ko lang i surprise sila. Sinabi ko kase na next year pa ako makakauwe kase marami pa akong inaasikasong papers. Ayun naniwala naman sila hehe. Ano kayang magiging reaksiyon nila kapag nakita nila ako. Almost 5 years na din kase simula nung nag trabaho ako sa London. Doon ko talaga ginugol yung atensyon ko para makalimutan yung mga masasakit na pinagdaanan ko nung nandito pa ako sa Pilipinas.

Pumara na kami ng taxi para ihatid kami sa aming subdivision. Magkapitbahay lang kami ni Carina kaya sabay kami. Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Palinga linga naman ako sa paligid habang nakatanaw sa labas ng bintana. Grabe ang dami na talagang nagbago. Yung dating maliliit na tindahan ngayon naglalakihang groceries na. Yung dating malawak na palayan, ngayon puro buildings na. At yung iba naman ay may beach resort pa.  Actually may beach resort din akong pinagawa sa lupa namin sa Albay. Nung mahirap pa kase kami, hindi kami nakakapunta sa magagandang beach resort. Lagi lang kaming nanunuod sa YouTube. Kaya sabi ko sa sarili ko, magpapagawa din ako ng sarili kong beach resort. At ayun na nga nung napromote na ako as a CEO of our company, dun ko na sinimulan ang pagpapatayo ng sarili kong bahay at beach resort. Simula kase nung namatay ang amo akong si Mr. Galileo Sparks ay pinamana na niya sakin ang company niya. Ako kase yung paborito niyang employee. At isa pa wala na kase siyang kamag anak kaya ako na din yung tinuring niyang anak. Sobrang nagpapasalamat talaga ako dun kase kung hindi dahil sakaniya, hindi ko mararating yung katayuan ko ngayon.


Natigil ako sa pag babalik tanaw sa nakaraan ng makarating na kami sa labas ng bahay. Nauna na si Carina sa bahay nila kaya ako na lang naiwan at ang bagahe ko sa labas. Hindi na ako nag door bell kase may card ako para makapasok. Syempre bahay ko ito kaya high tech haha. Pumasok na ako ng walang ginagawang ingay. Pagkabukas ko ng main door ng bahay biglang may nagsabog na confetti. Napasigaw na lang ako dahil sa gulat. "Welcome Home Alexis" sabay sabay na bati nila sakin. "Grabe akala ko pa naman kayo ang ma so surprise sa pagdating ko. Kunwaring nagtatampo kong sabi sakanila. "Ano ka ba naman, hinding hindi mo kami madadala sa ganyan mo noh! Kapatid ka namin kaya alam namin ang mga galawan mo" paliwanag naman ni ate Catelyn. Nandito silang lahat, pati si Ate Valerie nandito din. Well di naman kase sila nakatira dito kase pinagawan ko na sila ng sarili nilang bahay. Nandito din yung ampon nilang si  Arrow Donovan. Sabi kase ni ate Valerie ay isa lang ang testes ng kaniyang asawa kaya di sila makabuo ng anak. Nag alok naman ako sakanila na ipapagamot ko yung asawa niya kaso tumanggi na sila. Nahihiya na daw kase sila sa dami ng naitulong ko. Hindi ko naman sila pinilit pero sabi ko kung may kailangan sil, lumapit lang sa akin. Pati yung dalawa kong pamangkin na anak ni ate Catelyn na sina Atlas and Caspian. Grabe ang lalaki na nila, nung umalis ako dito 2 years old pa lang si Caspian ngayon mag nine na siya sa susunod na linggo.

"Ano ba yan, haha group hug!" pagkasabi ko nun ay nagtakbuhan na sila papunta sakin. Yinakap nila ako ng mahigpit na mahigpit grabe, mamamatay agad ako nito. " Teka lang naman, wala pa nga akong jowa papatayin niyo na agad ako!" nagbibiro kong sabi sakanila. Nagsibitawan naman sila dahil sa sinabi ko. "Ano pang hinihintay niyo tara na sa dining area. Alam kong nagutom ka at syempre alam ko din na namiss mo yung luto ko" sabi naman ni ate Catelyn. "Syempre naman ate ikaw pa, ang sarap mo kayang magluto" sabi ko naman na ikinatawa niya. Pinaayos ko naman yung mga bagahe ko kay manang. Ayun nag unahan yung tatlong pamangkin ko sa pasalubong. Hindi na sila kumain dahil nawili na sa mga dala kong laruan at chocolates. Hinayaan lang naman nila kase daw busog pa ang mga ito dahil kumain daw ito ng kanin kanina.


Nagkwentuhan naman kami habang kumakain. Tinanong nila ako kung may nanliligaw na ba sakin doon, syempre sabi meron kaso deadma ko lang. Wala pa rin daw akong pinagbago. Syempre busy ako sa trabaho. Saka na yang pag bo boyfriend or asawa na yan. Kahit tumanda ako ng walang ganyan, ayus lang naman sakin.

Natapos ang kainan namin na puro tawanan at daldalan lang ang nangyari. Dumiretso na kami sa sala para ipakita ang pasalubong ko sakanila. "Here's for you ate Valerie" sabi ko sabay abot ng latest lv bag na gustong gusto niya. Nagtatalon naman siya dahil sa tuwa. "Oh my goodness thank you so much. The best ka talaga" sabi nito sakin sabay yakap. "Ito naman para sayo ate Catelyn, Dior sandals. Diba yan yung gustong gusto mong bilhin ko, isuot mo yan sa kasal ko ha! Charr haha" sabi ko at natawa naman sila dahil dun. "Ito naman para sa mga bata at sa mga asawa niyo " sabay abot ng mga sapatos, damit, pantalon at kung ano ano pa. "Maraming salamat sa pasalubong!" maikling sabi ni ate Catelyn sakin. "Walang anuman, basta maging masaya kayo, masaya na din ako. Lahat ng tagumpay ko sa buhay, tagumpay niyo din. Basta kung may gusto pa kayo sabihin niyo lang, ibibigay ko." sabi ko naman at nagsiyakap naman sila sakin dahil dun.



Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. Wala siguro ako sa posisyon ko ngayon kung di rin dahil sa suporta na binibigay nila sakin. Kaya lord thank you for giving me these kind of sisters. I'm going to do all the things for them. Because I don't how I can live without them. Sila na lang ang kakampi ko sa buhay. Kaya sana maging maayos ang lahat.

**********

 The Tres Maria's Where stories live. Discover now