Chapter 3

933 45 17
                                    

(Third Person's POV)

"THIS is not the midnight stroll that I've been expecting when you asked me to come with you, Vasselisa." Awang ang mga labi ni Theo habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng bar na dinayo nila.

"What's wrong with this place?"

Hindi makapaniwalang nilingon sya ni Theo. "This is a fucking bar, bitch! Who the fuck does a midnight stroll in a fucking bar?!"

"Shh, don't overreact, okay? May kakausapin lang ako." She said as she took a sip from her vodka as if she's just drinking water.

"Seriously? Dito? Sa bar na 'to mismo? Bitch, don't play with me. Kilalang-kilala na kita kaya hindi ka makakapagsinungaling sa'kin."

Vassy smiled innocently. "I'm not lying, Theo."

Nalukot ang mukha ni Theo sa narinig. Full force na nagsalubong ang makapal nitong kilay kasabay ng lantarang pagngiwi na nagpapakita ng inis at dismaya na nararamdaman nya para sa kaibigan. Ramdam nya kasing may hindi ito magandang gagawin.

"We already talked about this, Vassy. Engaged ka na kay Jerome-wait, does he even know na nandito ka ngayon?"

"No." Sumenyas sya sa bartender para humingi ng isa pang glass ng vodka. "Sabi ko may gala tayo together and then he agreed but he don't know where we are."

"Fuck, are we here so that you can cheat on him? Nako, sinasabi ko sa'yo, bitch. I'll one hundred percent support you in everything except for something that might hurt others. Kung nandito lang rin tayo para sa ganyan, I'm out. Ciao!" Anya sabay tayo at akmang aalis pero mabilis syang nahila ni Vassy pabalik.

"Why does everybody assume that I'm cheating on my fiancé?" Malumanay nyang sagot tsaka nakangiting umangkla sa braso ni Theo at sumandal pa sa balikat nito. "Ganyan rin sinabi ni ate sa'kin last monday."

"Because you're a retired playgirl, Vassy. Engaged ka na and ikakasal na within this month but where are we? We're here in a fucking bar!"

"Okay, listen, masyado ka ng OA, okay? I'm not here to cheat, I'm not like that. Besides, paano nyo naman naisip na ako agad ang magchi-cheat sa relationship namin at hindi si Jerome?"

"Your boyfriend is the ugliest nerd that I've ever met, how would a cheap ass ugly nerd cheat? And who would dare to take him? Eh halos trabaho't bahay nga lang yata ang alam gawin ng jologs na 'yon."

Tumango-tango si Vassy. Hindi naman talaga kagwapuhan ang fiancé nya, totoo naman 'yon. Ang hindi lang alam ng karamihan ay ang ginagawa nito bukod sa pagtatrabaho.

"He's lucky that you accepted him despite having that gross face then he's gonna cheat on you? Subukan nya." Dagdag pa ni Theo.

Hindi sumagot si Vassy sa naging komento na iyon ni Theo kaya napalingon sa kanya ang lalaki. Nangunot muli ang noo nito nang makita si Vassy na nakatitig sa kanya ng malamlam habang nakangiti.

Ilang segundo lang ang lumipas bago napagtanto ni Theo ang gustong sabihin ni Vassy kaya agad na bumakas ang pag-aalala sa mukha nya.

"V-vassy, don't tell me-"

"Vasselisa!" Sulpot bigla ni Harper na syang branch manager ng bar at schoolmate nila dati sa college. "Seriously? Three days straight?"

Matangkad na babae si Harper. Literal na six footer ang babae, bagay na bagay sa pagiging kontesera ng beauty pageants noong college sila at dating varsity player ng women's basketball. Kilala nya ito dahil bukod sa sikat ito sa mga kababaihan ay lagi nya rin itong nakakasama sa pagba-bar hopping pag wala sila Veronica.

"Is he still unavailable?" Tukoy nya kay Daks na tatlong araw na nyang hinahanap. Pansin nyang nagdududang nakatingin pa rin sa kanya si Theo pero hindi na lang nya pinansin.

Vixen 4: The UnchasteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon