1

20 3 2
                                    

Past:

"ARAY!" Sigaw ko. Nabagsakan kase ako ng maleta sa hinliliit ko! Sa tingin ko tuloy bali na!

Nasa bus ako ngayon patungo sa bago kong kolehiyo na tawag ay Evergarden Academy. Pinalipat kase ako ng Mother earth ko.

Tinignan ko yung nakabagsak ng maleta sa paa ko. Sa tingin ko naliligaw 'tong babaeng ito. Putik! Ang ganda! Mukhang anghel na nahulog sa langit eh. Hanggang balikat yung buhok niya na sa sobrang straight ay sa tingin ko ay mas straight pa sa ruler. Matangos ang ilong at pa puso ang pink niyang nguso tapos mga mata doe eyes tapos kulay black.

Ganda niya grabe!

Nanlaki mata niya. "OMG! I'm so sorry!" Sabi niya.

Nginitian ko siya kahit gusto ko na umiyak dahil sa sakit, hindi ko na nga magalaw hinliliit ko eh!

"Okay lang. Malayo sa bituka." Masakit naman sa paa.

Binuhat niya uli maleta niya at nalagay niya naman sa taas iyon. Umupo rin siya sa tabi ko.

"Pasensya na talaga, ang bigat kase ng luggage ko eh. Andami kong nalagay." Aniya.

Tumawa kaming dalawa, nag kwentuhan kami. Sa tingin ko close na kami agad. Napatingin ako sa pulsuhan niya, nakita ko yung pink na relo niya. Dapat hindi na niya sinuot yan, baka makuha ko pa. Charot.

Mukha siyang mayaman pero nakasakay siya sa bus eh. Na curious tuloy ako tungkol sa kaniya.

"Mayaman ka ba? Bakit ka nakasakay sa bus? Sa evergarden academy kaba bababa? " Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Hmm, yes mayaman ako pero pinasakay ako ng parents ko sa bus. Undercover daw, i don't know sa kanila. And yes, sa Evergarden ako bababa." Sabi niya. Ay tama ako, mayaman nga sila.

Well, yung Evergarden Academy kase kilala kase yun as a safe school.

"Eh ikaw? Are you wealthy? Sa Evergarden karin ba bababa?" Tanong niya. Nahiya tuloy ako pero sasabihin ko nalang yung totoo.

"Hindi ako mayaman, pero may kaya naman. At least masaya din kami, sama-sama kahit ganito buhay namin. Oo sa Evergarden din, sana roommate tayo, haha." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"At oo nga pala, anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya. "Ako nga pala si Plantiff Ann Marcial." Inilahad ko ang kamay ko.

"Dennylynn Natalie Cena." Nakipag-kamay siya sa akin. Ang gara ng name niya pangmayaman talaga.

Nag chikahan pa kami hanggang sa babaan na ng bus. Bumaba na kami at nag bayad, ang mahal ng bayad! Jusko, 45 pesos! Pang-apat na sakay ko yun! Mabuti nalang sagot ako ng katabi kong babaeng anghel na'to. Hehe.

Nag lakad kami sa tinuro na direksyon ng kuya na pinagtanungan namin kanina kase sa tingin namin ay naliligaw na kami.

Habang nag lalakad ay napansin namin ay parami ng parami ang mga guards kaya alam na namin na palapit ng palapit na kami... Hanggang sa makita namin ang gate na sobrang laki at kulay black at sa taas noon ay may nakalagay na E. G. A. Na sa tingin ko ay ang ibig sabihin ay 'EverGarden Academy' Ang ganda talaga niya. Kase yung E. G. A na yun ay color gold na talagang mukhang totoong gold talaga yun.

Sana all.

Pumunta kami sa doorbell at may speaker na nakalagay doon. Pinindot namin yung doorbell, tumunog yung speaker.

"Hello this is the Evergarden Academy. May i know who are you?" Sabi nung speaker at boses babae.

Nag tinginan kami kung nag uusap gamit ang mga mata namin. Ayun siya ang nag salita.

"Hello, this is Dennylynn Natalie Cena, along with my friend Plantiff Ann Marcial we're a transfer here." Formal niyang sabi.

It was almost like listening to a broadcaster, kase ang galing niya talaga mag salita. Her english even have a accent that i think is Australia.

"Oh, hello. Welcome to Evergarden Academy."

The gate opened automatic it was awesome because it was automatically!

Nag lakad na kami pa punta sa loob at doon ay nakita ko ang malalaking building na mukhang store at hospital tapos may malalaking puno tapos yung iba kulay pink pa at may playground pa nga. Shocks, nasa barbie world ba ako?!

Ang dami pa naming nakita pero ang nakakuha ng pansin ko talaga ay... Lahat sila mayayaman at mga nakasuot ng mga designer/brand.

Sheesh! Nakakainggit!

At wait... Bakit nga pala ang daming naka suot ng nga magagara? Ako lang ba yung may normal na buhay dito at hindi buhay prinsesa?

Eto'ng kasama ko buhay prinsesa din, tiganan mo may pa undercover-undercover pa!

Nag lakad kami ng nag lakad kase alam naman namin na hindi yun yung school, entrance palang.

At doon ay nakita namin ang mukhang palasyo, pero kung titignan mo ng mariin ay mukhang school. At yun nga school nga, ang gara naman.

Ohh... So yung entrance ay garden?! Tapos eto yung school? Are you kidding me? May na pi-picnic pa nga kanina eh! Kitang-kita ko sa akto!

At doon ay naalala ko. Oo nga pala, ang mga nakakapasok lang dito ay matatalino at mayayaman. Pero sabi ng mga magulang ko matalino daw ako at ita-transfer nila ako dito, pero hindi naman ako mayaman. So paano ako napunta dito?

Pero wag ko nalang siguro yun problemahin, ang sakit na nga ng ulo ko dahi sa byahe dadagdag pa banaman 'to.

Ngunit nagulat nalang ako ng may sumulpot sa unahan namin.

"Hi!" Sigaw ng mga babae na mukhang nag-aaral na ito kahit noon pa man.

Natawa sila sa reaksyon namin, nag salita yung babaeng naka wolfcut ang buhok. "Hello, we're sorry if we shock you two. I guess I mean we thought that you two are transferee? Is that true?" She asked.

We nodded our head, tinigna ko ang kasama ko at sa tingin ko ay nahihiya siya so, ako nalang ang kumausap sa kanila.

"Yes, we are new actually. I'm sorry but, is it okay if we ask you where shuld we go?" Tanong ko. ewan ko pero, puro English kase ang mga naririnig kong nag-uusap dito eh. Edi ginaya ko nalang sila kase nakakahiya naman ata kung kami lang ang hindi mag-English diba?

"Of course it's okay, we are quite glad that you two are girls! Because all boys here are ba-" Hindi natuloy ang sasabihin ng babaeng naka high ponytail kase siniko siya nung babaeng nakalugay na hanggang baba ng dibdib ang buhok at naka salamin.

"Sorry about our friend. And we never had a chance to introduce our self properly, we are the student council here. I mean we are the lowest but fun officers here. We are the class representative here, we are the one who meet the transfer or new student, I think it is just the same but... yeah." She said and chuckle, they are so pretty.

Napakamot ako ng ulo at nagtanong. "I'm sorry but, required bang mag English?" Tanong ko.

Tinawanan lang nila ako. Anong meron?

🇵🇭 | LDES & SPNHS student
Instagram: Geeya_diaries
Youtube: Geeya_videos
Youtube: Tennisee_ia2ndacc
Pinterest: Geeya_Jio
FB: Georgia Cendaña
& Geeya Jio
Tiktok: Geeya Jio

Too Bad For Each Other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon