Atleast we Meet

334 30 2
                                    

Irene's POV

I am walking faster, following this boy that i like the most!

"Oy! Sige na! Kahit isang lunch lang." pangungulit ko sa kanya. He was still ignoring me as he keeps on walking away from me.

"Greggy! Isang lunch lang, oh!" Sigaw ko at hinila ang braso niya. Nabigla ako ng hawiin niya ang braso niya mula sa akin at medyo napalakas iyon dahilan para matumba ako.

My back hit the wall and I'll be honest here, it's so freaking painful.

Hindi ako kumibo at tumayo agad. Nakita ko ang pagtigil niya sa paglalakad at tiningnan ko.

"O-okay lang..." I stuttered.

"Ang kulit mo kasi. Sabing busy ako, Irene. Tsaka iba nalang kulitin mo." Sabi niya at umalis agad.

Hindi man lang ako tinulongan! Hmp! Kukulitin parin kita! Makikita mo ang paghihiganti ng api!

Lumipas ang araw na iyon ay hindi ko na siya nakita. Lumipas ang ilang araw ay nalaman ko na sumali pala siya ng sayaw para sa intramurals namin.

"Greggy!" Sigaw ko at lumapit sa kanilang mesa. Tumingin ang ilan sa mga kasama niya pero wala akong pake!

"Yes?" Sagot niya na para bang nawala bigla sa mood.

"Libre kita, anong gusto mo?" Maligalig ko'ng aya sa kanya. His brow furrowed.

"I'm full, iba nalang ayain mo, busy kami." Sabi niya habang nagta-type sa cellphone niya.

"Mamaya? Libre ka ba?" Umiling siya at hindi na bumaling ulit sa akin. Tinawag na sila ng kaning dance instructor kaya tumayo na siya at iniwan ako mag-isa

"Hoy! Okay ka lang ba?" Tanong ni Ara na ngayon ay hinihimas braso ko. Tumango ako at ngumiti.

"Oo naman! Ako pa ba?" Pagsisinungaling ko.

"Sus! Okay sabi mo, eh!" Irap niya. We ate our lunch and decided to went to the nearest mall para bumili ng maiinom.

Pagkatapos ng klase namin ay dumiritso akong umuwi. Hindi na ako sumama kila Ara na gumala dahil masama pakiramdam ko.

Habang papalabas ako ng school namin ay nakita ko si Greggy na may ka-akbay na babae.

Nagulat ako. Tiningnan ko ang likod niya at alam kong maganda siya. May jowa na pala. Akala ko wala, sa tagal naming magkaklase sa ibang subjects hindi ko alam.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na ako lumingon sa kanila dahil alam kong masasaktan lang ako.

I open the door of our car and proceeded to get inside immediately.

Nakagat ko ang labi ko at tiningnan sila mula sa loob ng sasakyan. She was smiling and her face looks so innocent.

Kaya pala gusto siya ni Greggy dahil maganda at para bang walang magagawa itong pagkakasala dahil sa inosenting dating.

Lumipas ang isang araw at hindi ko siya makita sa classroom namin. Our professor told us that we will have a group activity.

I was smiling the whole time with my groupings dahil hindi namin alam kung ano ang ilalagay namin sa papel namin.

"Itong si Irene puro tawa." Turo sa akin ng isa kong kaklase.

"Kasi itong si Ara! Puro tawa!" Turo ko sa kaibigan ko na ka groupings ko rin.

Biglang bumukas ang pintuan ng classroom namin at pumasok si Greggy.

"Maam! Dito si Greggy samin!" Biglang sigaw ng isa ko'ng ka gropu.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Compilation Where stories live. Discover now