TOTGA

6 0 0
                                    

Unang pagkakataon na kami ay nagkita, ang nasa isip ko pa noon.

Napaka advance ng lalaki na itong mag isip.

Yung tipong umabot na sa pag aasawa yung nasa isip nya.

Naloka ako nun, kasi first date pa lang namin nun.

Kaya sabi ko sa sarili ko, nakakatakot ang pagiging advance ng mga naiisip nya.

Yung tipong mapapa back off ka kasi nga first meet up nyo pa lang yun.

Pero eventually habang nakikilala ko sya doon ko nalaman na gusto nya lang pagplanuhan yung future nya.

Yung tipong ayaw nya may kulang sya na nagawa at pagsisihan.

Tumagal yung pag uusap at kumustahan namin hanggang sa point na tinanong nya ako kung may pag asa ba sya.

Sa totoo lang, nagulat ako sa tanong nya, di ko alam kung paano ko sya sasagutin.

At pagdagdag nya pa sa sasabihin nya, na uuwi daw sya ng probinsya at doon na magtatrabaho.

Alam ko sa sarili ko na natatakot akong pumasok sa isang relasyon.

Lagi akong may pag aalinlangan.

Siguro dahil nasanay ako na sarili ko lang yung iniisip ko, at di ko kailangan mag update sa ibang tao ng mga ginagawa ko.

Yung sarili ko lang yung uunahin ko at iisipin.

Kaya naisip ko baka di pa ako ready.

Kaya ayun ang sinabi ko sa kanya.

After ng pag uusap, natigil na yung komunikasyon namin.

At nakita ko na lang sa facebook na umuwi na sya ng probinsya para doon magtrabaho.

May time sa isip ko na nanghihinayang ako kasi sa totoo lang gusto kong magkaroon ng boyfriend pero laging may humaharang.

Di ko alam kung napaka nega ko lang talaga mag isip.

Kasi yung tipong hindi pa nga nag uumpisa ang dami ko na naiisip na what if's.

Tapos dagdagan pa ng magiging LDR pa kung saka sakali.

Kaya minsan, yung sarili ko yung sinisisi ko kasi marami akong napapalagpas na mga tao na sa tingin ko mabuti ang mga hangarin.

Feeling ko di ko kayang mag desisyon para sa sarili ko.

Di ko kayang i risk yung sarili ko na pumasok sa ganung relasyon.

Kaya ang lagi kong nararamdaman ay regrets, disappoinment, panghihinayang.

Lagi na lang ako umiiyak sa huli.

Kasi late ko na narerealize na nagugustuhan ko na pala sila.

Sa pagdaan ng ilang taon, nakikita ko ang mga post nya.

Ang mga kaganapan nya sa buhay, at pagkakaroon nya ng nobya.

Napasabi nga ako, ang bilis lang pala nya nagkaroon agad ng gf.

Tunog bitter ang dating ko nun.

Pero tinawanan ko lang sabay sabi ng di naman pala seryoso kasi nakahanap kaagad.

Binalewala ko na lang yun.

Everytime na mag facebook ako may mga nangyayari sa buhay nya.

Sya kasi yung tipong mahilig mag post.

Ako kasi hindi mahilig magpost ng mga kaganapan ko sa social media kaya tingin tingin sa wall, news feed, like, heart ng mga post ganun lang ginagawa ko.

TOTGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon