Poser

51 1 4
                                    

Tae tae ko kasi... Umasa ako.. Sabe kasi nya di daw nya aq iiwan... Pero ginawa nya...Hindi naman naging kami... Wala din naman siyang sinabi na liligawan niya ako...So... Ako talaga may kasalanan...




Nagkakilala kasi kame sa isang social game... Pambata na game pero may ilang matatanda na nagalalaro din...
Kasi.. Ewan.. Basta marami kang makikilalang ibat ibng tao.. Magkakaroon ng friend/s, bf, gf, sis or twinny kagaya ng sa akin...

Mabait siya... Di rin naman masyadong mahilig mag kwento.. Gaya ko...

Parang ikaw lang din xa.. May pagkapalabiro, masaya kausap kahit na tuwing tanghali at gabi lang naman kami nagkaka-usap...

After a month sinabe ko na may crush ako sa kanya...
Nung una, may pagkaiwas na nangyari so, kinulit ko.. Hanggang sa bumalik kami sa dati...

Tapos isang linggo bago magpasukan ( this year lang naman ), tinanong nya ako kung bakit siya daw yung nagustuhan ko...

Sabi ko, " Kasi mabait ka. " iyon lang...

Nung una nagloloko pa siya.. Tapos madaling araw na...

Sabi niya, " Alam mo gusto na din kita. " natuwa ako, siyempre.. Sabihan ka ba naman ng Crush mo na may gusto rin siya sayo edi siyempre matutuwa ka ng bonggang - bongga, di ba?

Sabi ko " Sus! Wag mo na akong pakiligin, alam ko namang trip mo lang talaga akong inisin kasi wala kang magawa..

Sbe nya, " Di naman ah! Hindi ako nagbibiro. Promise. " Tumawag siya sa akin gamit ang messenger. Sinagot ko yung tawag niya.

Sabi niya, " Pat, gusto na kita dati pa... " Naputol yung tawag. Tae! Low battery pala ako!

Sabi ko, " Wrong timing naman! " na-sabi ko pa iyon ng malakas, napagalitan tuloy ako.

Haist, sad life.

....

Tapos 1 week kaming balik sa dati.. Magkachat, tumatawag pa sa messenger kung minsan...

Sbe pa niya, " Pat, gusto sana kitang ligawan, pwede ba? "

Masaya ako nang malaman ko iyon, buti na nga lang at walang tao sa bahay nung araw na iyon eh... Pero sabi ko, " Hindi pwede, 14 pa lang ako, di ba? Aral muna. "

Sbe niya, " Geh, antayin na lang kita mag-17 or 18, baka pwede ka na nun.. " Oo naman! Harot ko, no? 'Wag kayong um-agree, hindi ako maharot. Edi ayun, natuwa ako, sabi ko na lang, " Ok. "

Tapos nung ilang araw nang pasukan magka-chat kami.

Bigla niyang sinabe..

" Pat, may sasabihin akong secret, atin lang ito, ah. " excited ako siyempre, sino ba naman ang hindi, eh, yung crush mo may sasabihin na secret sayo. Siyempre di ba matutuwa ka?




Kaso dagil din dun sa secret na iyon... Nagbago ang lahat...




" Poser ako. Sorry... " Di aq nakapag-react agad. Nagulat ako eh..

Sabe ko, " Ano? Bakit? Paano? "

Walang reply... Instead, nagtanong ako ng panibago..

Sabi ko, " E yung mga sinabi mo sa akin? Ano iyon? Yung lahat ng info na sinabi mo sa akin, san galing lahat yun? "

Sabi niya... " Sa pinsan ko lahat iyon... Hindi ako si Mark.. Sorry niloko kita...

" Ok. " Yan lang sagot ko. Hindi naman ako galit. Nagtampo lang ako ng onti, kasi nga POSER pala siya. POSER pala ang crush ko.

Nag out na ako sa facebook, at pumasok na sa school ...

....

Nung gabi, nagmessage aq...
Sabi ko..
Oist. Magusap tayu. May itatanong pa ako sayo.

...

Walang reply.

Ini-spam ko na.

Wala pa ring reply.

...

After an hour wala pa rin.

Sabi ko sa sarili ko. Ok wala na siya, ano na gagawin mo?

Nung gabi din na yun umiyak ako ng bongga... Mahal ko na ata iyong POSER na iyon kaya ako ganito.

.....

Kinabuksan wala sana akong balak pumasok, kaso kelangan talaga kasi may quiz kame.. Kaya no choice ako kundi ang pumasok...

Saket ng ulo ko nun...
Tanong pa nga nila sa akin, bakit daw pugto ang mga mata ko...?

Sabi ko, " Mga baliw! Sa yingin niyo, bakit ba pugto ang mata? "

" Kasi umiyak? " Tae naman!

" Hindi ka pa sure niyan, ah. Malamang umiyak ako! Mga baliw! " Tumawa pa ako nun.. Sabi ko kasi sa sarili ko, dapat maging masaya ako ngayun, dapat hindi na lang ako mgmagpa-apekto dun sa POSER na iyon...

Kaso...

Pagdating ng third subject, sabi ng clssm8 ko, " Ate, may lagnat ka! " Di ko na namalayan na may sakit na pala ako...

Kaya ayun, sa huli zero ako sa quiz kasi nasa clinic lsng ako hanggang mag 5 ng hapon.

Dun lng kc pede mag palabas ng student..

Pagka-uwi ko, buti wala si mommy sa bahay... Buti na lang pag-uwe ko walang tao..

So wala akong ginawa kundi umiyak lang...

Di ko pala kaya na maging msaya, kahit isang araw lang nang hindi siya nagpaparamdam.

Kahit na hanggang ngayon...
Wala pa rin siya...

...

Unti-unti nang nawawala ang feelings ko para sa kanya...

May ibang tao na pumapalit...

Ewan... Pero sana siya na si... THE ONE ko.

Mabilis lang naman kasi akong ma-fall eh...

Haist...








Hi guys! Maraming salamat po sa nagbasa ng one shot love story - este sad story po pala.

Sana nagustuhan niyo...

At ikaw, Kuya, kung mababasa mo 'to... Hahahaha...
Edi alam mo na pala ang feelings ko para sa iyo...
Nilagay ko na siya sa dito sa Watty... Kahit na sabi mo wag muna kasi sad pa ang ending..
Sabi mo gagawin mong happy ending...?
Talaga?
Kaso hindi na bagay ang title na naisip ko kapag itinuloy ko pa ito hanggang sa magiging story natin...?
Hahaha ang harot lang! Peace tayo...
So, ayun lang po. Sana nag-enjoy kayo sa story na ginawa ko! ^_^

PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon