Having You is Destiny [OneShot]

12K 148 7
                                    

*SULLI POV*


Nakabalik na rin ako from Paris to Philippines. Ang pag alis ko ay sikreto lamang. Parents, kapatid at si Taemin, isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko lang ang nakaka alam, at ang dahilan ..


"SULLI!" narinig kong tawag ng taong napakalapit sakin si Taemin. Ngumiti ako sakanya at kumaway. Namiss ko siya.


"TAEMIN!" sigaw ko pabalik.


"Kumusta kana?" tanong niya sakin ng makalapit na siya. Yinakap ko siya ng mabilis dahil sobra ko talagang na-miss ang taong ito. Wala naman gaanong nagbago sakanya, nag mature lang siya ng konti.


"Okay naman ako, ikaw?" tinulungan niya ko sa pagbuhat ng gamit ko. Ngumiti siya sa akin at parang nawala lahat ng pangamba ko sa pagbabalik ko.


"Okay naman. Namiss ka namin" namin? namiss nga kaya nila ko o baka masaya sila na umalis ako. Walang gaanong alam si Taemin kaya siguro niya nasasabi na namiss nila ako.


"A penny for your thoughts?" biglang sabi ni Taemin


"Tss. wala, ikaw talaga! Tara kain na muna tayo gutom nako" sabi ko sakanya at hinila siya papunta sa kotse at pumunta kaming MOA. Papasok na sana kami sa isang restaurant na paborito naming dalawa nang makita ko ang dahilan ng pag alis ko. Si Krystal ang bestfriend ko at si Minho ang Ex- boyfriend ko. Bigla silang kumaway samin at dahil hindi alam ni taemin yung nangyari hinila niya ko papunta sa kanila.


"Hi! Sulli nakabalik ka na pala" tanong ni krystal sakin. Ngumiti ako sakanila na par bang walang nangyari.


"Yup! Pero for vacation lang toh." sabi ko naman at umiwas ng tingin. Hindi ako plastic na tao pero hindi rin ako bastos kaya tiniis ko nalang.


"Nakita ko nga yung mga magazines na ikaw ang cover hindi ako makapaniwala na ang bestfriend ko model sa paris!" sabi niya sabay tawa. Ang saya naman ata niya? Hindi rin ako makapaniwala na ang bestfriend ko nagawang ahasin ang boyfriend ko. Well let us forget that, siya naman ang kawalan. Hindi ako dahil nawalan siya ng babaeng loyal na katulad ko.


"Ah oo nga. Sige aalis na kami ni Taemin" hindi ko na sila hinayaang sumagot. Hinila ko na si Taemin papunta sa park at doon umiyak ako. Umiyak ako hindi dahil sa sakit kundi dahil sa nanghihinayang ako sa lahat. Matagal na kaming mag kakaibigan at kahit ganon ay mahal ko parin sila. Si Krystal ay ang bestfriend ko kaya kahit may ginawa siya sa akin ay mahal ko pa rin siya.


"Ano ba talagang nangyari sa inyo?" biglang tinanong ni Taemin. Never niya pa kong tinanong about sa nangayari dati kay nakakagulat.


[FLASHBACK]


Simula pagkabata mag bebestfriend na kami nina Taemin, Krystal at Minho. Pero syempre dahil babae kaming parehas ni Krystal mas close kami . Naging kami ni Minho at hindi namin pinaalam sa iba kay Krystal ko lang sinabi. Balak din namin sabihin after graduation pero na sira lahat .


"Taemin. Nakita mo ba si krystal?" tanong ko nung makita ko si taemin.


Having You is Destiny [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon