ang bagong kapitbahay kong redflag

28 1 0
                                    

Ako si Ophelia Rain, 17 years old at ako ay isang dalagang napakadaldal pero maganda syempre at may pagkamaldita rin at nakatira sa isang apartment sa gitna ng lungsod at kami lang ng aking ate na si Luna Rain 30 yrs old at patay na ang aming magulang dahil sa sakit at dahil matanda na, at nagtratrabaho ang aking ate bilang isang call center at ako naman ay isang istudyante sa isang private high school na kilalang Wisdom Academy.

Isang araw kami ni ate luna ay may nabalitaan na may bagong lipat na isang bilyonaryo na businessman ito ay ikiwento saakin ni ate luna.

sabi ng aking ate na si Luna :
"May bago tayong kapitbahay Ophelia, balita ko lalake daw ito na isang kilalang party goer na mayaman." sabi ng ate kong si Luna.

"Ate ano namang gagawin ko sa lalaki na iyan, makakain ko'ba siya?" pilosopo ko itong sinabi.

"Grabe ka naman sakanya, eh hindi mopa nga siya nakita ang judgemental mona!" sabi ni ate luna saakin.

"kahit makita kopa siya wala akong pake." sabi ko kay ate luna

"hay nako, ophelia." sabi ni ate luna

At ito pa dahil si Asher Zentrous ay kilalang party-goer na bilyonaryong businessman na bagong lipat sa amin at mahilig magpakalasing, mangbabae, at mangloko. Kahit na mayroon siyang mga klase kinabukasan, hindi niya maiwasang lumabas at mag-party sa kanyang bahay,
kaya ayaw kona kaagad sakanya dahil isa siyang redflag para saakin at para din sainyo, tama ba?

Inutusan ako ni Ate Luna na bumili ng tinapay at palaman sa malapit, ng nakita ko ang bago naming kapitbahay.
napakapogi nito, singit ang kanyang mga mata, napakatangkad at naka eye glasses at sobrang puti rin,
nakuha nya ang aking atensyon. ngunit naala ko na siya ay isang redflag at diko nalang siya pinansin dahil hindi ko binasi ang mukha sa kanyang ugali. ng napansin ko na sinundan nya ako ng napansin nya ako na dumaan, ang napakalalim nya na boses ay naakit ako at natulala nalang ako sa kanyang masarap pakinggan na boses.
(sino ba naman ang hindi ma obsessed sa deep voice?)

"hi miss, bago lang ako dito may alam ka bang bilihan ng tinapay?" sabi ni Asher saakin.

Nagulat ako sa kanyang pagsasalita at parang at bait nya tignan, nagkamali bako na redflag sya? o tama talaga ako at bait baitan lang sya.

"Papunta ako sa bakery, baka gusto mong sumabay para malaman mo kung saan ito." aking sinabi kay Asher.

At sumabay siya sa akin papuntang bakery na parehas din kami ng bibilhin tinapay at palaman bilang almusal at tinanong nya pa ako kung ano ang aking pangalan.

"Btw miss, ano pala ang pangalan mo?" sabi ni asher saakin.

"Ako?, ako si Ophelia Rain, kapitbahay kalang namin ng ate ko." sabi ko sakanya.

"Ah ganon ba?, salamat pala sa pagsama sakin papuntang bakery." sabi niya saakin.

At pagkatapos non ay umuwi na kami ng sabay at nagpaalam sa isa't isa, at kami na ni ate Luna ay nagsimulang mag almusal, ang almusal namin ay pancit canton na may pritong itlog sa taas o tinatawag na toping, tinapay at palaman at higit sa lahat ang aking paborito kape.

- at dito nagtatapos ang part 1 abangan ang part 2 kung saan nagkita sila ulit ni Asher.

He's my redflag.Where stories live. Discover now