1 - black hoodie

65 4 1
                                    


SYDNEY.

"blackhoodie" followed you.

I raised my eyebrows upon checking my notification. I checked my TikTok account and.. "OH MY GOD!?"

Napatakip ako sa bibig ko nang marealize kong I already hit 50,000 followers! I immediately fixed my self, applied make-up and dress up. Gumawa ako saglit ng script and kinda memorized it, I already planned this before. Na pag na-hit ko ang 50k followers ay magl-live and give away ako sa mga followers ko. I've been an influencer for a year now and this a huge milestone for me! It all started with me uploading grwm vlogs... and look where it bought me!

I sighed and inayos ang phone ko, "Let's do this!"

Pagkasimula na pagkasimula ng live ko ay may isang  viewer agad, "Hi blackhoodie! Ang aga mo ha.. thank you pala!" I said and smiled. Hinintay ko muna dumami ang viewers bago ako magsimula. I thanked my followers, announced a giveaway and answered some comments. I like what I do, I like helping teenage girls learn make up, and at the same time help CEOs promote their brand.

I was answering some comments nang mapukaw ng isang comment ang atensyon ko..

blackhoodie: wala bang prize sa ika-50,000th follower mo binibining Sydney Aliana Marfori?

I laughed. Oo nga no? Bat di ko naisip yon? "Wow! Buong buo naman! Osige blackhoodie, and bang prize ang gusto mo?"

Nakatingin lang ako sa screen, waiting for blackhoodie's reply. Namansin muna ako ng iba pang comments while waiting for his reply.

trishaaaax: ate Sydney mapapansin ka na ni Calvin dumadami na kaming followers mo!

I laughed and said, "Hindi naman active sa TikTok si Calvin! Paano nya kaya ako mapapansin?"

I'm very open sa followers ko na fangirl ako ni Calvin Montereal. Grabe. Since I was 13, talagang patay na patay ako dun. Lahat ng shows nya, pinapanuod ko. Lahat ng mall shows, whenever I can talagang pinupuntahan ko, lagi pa akong VIP maski sa concerts nya. I EVEN HAVE PICTURES WITH HIM. Dahil na open si Calvin, napakwento na ako ng mga fangirling moments ko.

"Ay omg I remember! Nag trending  sa twitter dahil umakyat ako sa stage to hug Calvin and guys napanuod bo yung video? Omg, let me look for it! SHET, I think I was only 15 that time"Kinuha ko yung iPad ko and sinearch sa YouTube ang Calvin Montereal serenades a fan at SM Pampanga.

Hinarap ko sa phone ko ang iPad ko and played the video. It was me running sa stage papunta kay Calvin, imbis kasi na pababain ako ng mga guard ay inakbayan ako ni Calvin at pinagpatuloy ang pag- kanta. I wanna grow old with you... tumingin sakin si Calvin at dun na nagtapos ang kanta.

"Shet gagi, Calvin hello! Kung manunuod ka man nito! 23 na ko oh, pwede mo na ko pakasalan!" I said.

I can feel my face getting hot. This moment was my core memory. I will never forget this! And even after 8 years, kinikilig padin ako kay Calvin. I even cried nung around last year ay nabalitang nabugbog sya sa bar and he was hospitalized. Grabe. I literally know everything about him. I can go all night talking about him. Kahit matanda na ko ay nakasubaybay padin ako sakanya. I am sooooo in love with him. May mga naging ex pa nga akong pinagseselosan sya.

It was getting late, nagpaparamdam na ko sa followers 'kong ieend ko na live ko. I was about to say goodbye pero napansin ko na finally ay nag-reply na si blackhoodie sa tanong ko kanina.

blackhoodie: hmmm I will think about my prize. maybe a follow back for now?

Ngumiti lang ko and decided to end my live. Nag scroll pa ako kaunti sa TikTok but may dumaan lang sa FYP ko na video ni Calvin. I reposted this and added a comment, "papakasalan so much!"

After ilang seconds ay nag notif saken si blackhoodie, number 1 ko ba 'to? Lagi syang una ha. Well, he's a new follower pero I appreciate na lagi syang una. Maski sa live ko kanina.

He apparently replied sa video ni Calvin na nirepost at cinomment-an ko.

blackhoodie: deds na deds yarn?

I chuckled upon reading his comment. Dinedma ko nalang ito. Lumabas ako sa balcony ko para mag vape and napansin 'kong may itim na pick up ang naka parking di kalayuan sa bahay. Well. Yung kapit bahay kasi namin ay parang laging may party, madalas may bisita. Ang ingay pa nga minsan, but I don't mind. Bagong lipat kasi. Hindi naman exclusive tong subdivision namin para umangal ako.

Mula sa loob ng pick up ay may lalaking lumabas, he was wearing a black hoodie and nag-sindi ng yosi. Napansin 'kong tumingin sya sa direction ko, nag iwas lang ako ng tingin at humipak sa vape ko. Fuck. Sunog na nga?

Pumasok ako sa loob ng bahay at nag-suot ng hoodie. Walking distance lang naman ang vape shop and malapit lang bahay namin sa guardhouse. Dinala ko lang ang phone ko and 500 pesos. Naglakad na ko and shit madadaanan ko yung bahay, and I'm right, may bisita nga sila. Nag-iinom sila sa garahe.

Nakayuko lang ako nung madaan ko yung lalaking naka- sandal sa pick up nya, sakto niyang binuga yung yosi nya nung saktong dumaan ako. Ugh. Bastos. Pero wtf anong yosi 'yon? Hindi sya usual na amoy. It smells sweet.

Nang makalayo ako kaunti ay tinignan ko yung lalaking naka black hoodie, agad akong nag-iwas ng tingin nung makita 'kong parang nakatingin din sya sakin. Shocks! Kahiya!

The Fangirl's Famous Stalker (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon