Chapter 1 (The Worst Scene)

12 1 0
                                    

***Iyah's POV***


"Wala talagang mangyayari sa career mo Ms. Sanchez!! Haay! Ulitin mo ulit yang palpak mo! Napupuno na talaga ako." hindi ko magawang sumagot. Wala akong magagawa kung dahil sakin naiinis sya. Wala talaga akong pag asa!!!

Nanatili akong nakayuko at hawak yung script. Si Direk Anne naman, pawis na pawis habang nakaupo at pinapaypayan nung floor director namin. Lumapit naman sakin si Tiffany. Isa sa mga part ng cast.

"Okay ka lang?" hindi naman ako sumagot, nanatiling nakayuko yung ulo ko. Hindi ko alam kung ano na ngayon ang reaksyon ng mga nanonood. Hindi ko talaga nagawa yung pinapagawang scene ni Direk. Nagulat naman ako ng magsalita si Tiffany.

"Direk, hindi naman siguro magandang pagsabihan ng ganyan yung mga gaganap ng story. Maswerte ka nga, kasi matyaga tong si Iyah eh. Hangga't maaari, pagpasensyahan mo na lang yung mga pagkakamali namin. Hindi naman lahat kami perpekto at kayang gawin lahat ng pinapagawa mo." nagulat ako sa ginawa ni Tiffany. Akmang hihilain ko na sya para tumigil na nang pagsasalita nang bigla ulit syang magsalita.. Waaaah!!! Seriously, gulo to!!!

"Its okay Iyah, we're leaving!" hinila naman nya ako palabas ng Theater Room. Dapat hindi na lang nya sinabi yun eh! Pero wait.. I have notice something...

WAAAAAH!!! EDI TAPOS NA ANG PAGHIHIRAP KO? HOW NICE NAMAN!

"Bakit mo naman ginawa yun?" sabi ko sabay bumitaw sa pagkakahawak nya.

"Kasi ayoko na. Naiimbyerna na ako eh! Sa tuwing may magkakamali.. Kung ano anong sinasabi nya."

"Ganun lang siguro kapag director ka." sabi ko sabay ngiti.

"Wag ka ngang masyadong mabait! Diba parents mo ang nagpapasweldo dyan kay Direk? Bakit hindi ka nagsusumbong?"

"Hindi na kailangan. Masyado silang busy para i-entertain ako."

"Wag ka ngang bitter."

"Bakit naman?"

"Honestly, kahit ako.. I really really hate the way you act!! Para ka lang nagbabasa na ewan." oh tingnan nyo? Kahit sya, ayaw nya sa paraan ng pag acting ko.

"Wala kasi akong time sa wo--" hindi ko na naituloy ang pagpapaliwanag nang biglang may tumawag sa phone nya. Boses lalaki eh. Boyfriend nya yan panigurado.

"Oh? Bakit ka ba istorbo?"

[8 pm at our house para sa dinner sabi ni mom. Bawal ang late.]

Yah! Boyfriend nya nga.

"May tap--"

[*Toot* *Toot*] okay! Edi sya na ang may bastos na boyfriend! Binabaan ba naman sya. Nakakainis kaya yung ganun.

"Sige Iyah, mauna na ako ah. 7 pm na kasi eh. May lakad pa ako." hindi na nya inantay ang response ko pero umalis na kaagad sya. Parehas sila ng boyfriend nya!

***

Madilim na rin naman. Naiwan ko yung wallet ko sa shoulder bag ko kanina sa loob ng theater room. Binalikan ko naman kaso nakapatay na yung ilaw ng buong campus. May guard naman sa loob kaso ayako parin! Baka may mumu eh! Kaya napagdesisyunan kong iwan na lang muna yun at bukas ko na lang siguro kukunin. Dahil nga sa engot kong desisyon, eto ako ngayon.. Basang basa sa ulan.. Walang masisilungan.. Walang malalapitan..

No really, umuulan na nga. At dahil nga sa subdivision ang bahay namin, nilakad ko pa yun. Halos wala na nga akong makitang tao na naglalakad dito eh. At kahit pati waiting shed ngayon hindi na nagpapakita. I found it weird kaso napastop na lang ako bigla..

MAY SUMULPOT NA WAITING SHED!!!!

Ayun nga, sumilong muna ako. Nakakita naman ako ng pink na pouch. Seriously, I don't have any idea kung kanino to. Dahil nga sa madilim, hindi ko gaanong ma-recognize kung pink ba talaga yun o red? Basta, parang naamoy ko na to eh! Ang tapang ng perfume. Parang kanina ko lang to naamoy.

Inamoy amoy ko ulit yung pouch. Sa tuwing naamoy ko yun, naaalala ko si Tiffany. Bakit kaya? Siguro kasi parehas na parehas yung amoy ni Tiffany sa pouch na to. Err. I don't know!

Hindi pa naman tumitila yung ulan. Mas lalo ngang lumalakas eh, ganun ako kakawawa! Nakaisip naman ako nang magandang idea...

"Naka landline naman yung phone ko ah? Bakit ba hindi ko kaagad to naisip?" yun na nga, kinapa ko yung bulsa ko kaso wala talaga! As in, WALA!! Ano ba namang klaseng pamumuhay to oh? Nasa shoulder bag ko ata yun eh! Waaaah!

Dahil nga sa may upuan dun, umupo na lang ako. Basang basa na nga yung damit ko eh.. Sobra na rin akong nilalamig. Haay! After nang ilang minutes, nakasandal na ako dun sa may poste ng upuan.

"Hatchingggggg!!!!" oo! Ganyan na ang resulta ng pagkabobita ko! Waaaah! Magkakasakit ako nito eh! Maya maya lang, nakaramdam na ako ng antok. Humiga na lang ako dun sa upuan at ginawang unan yung kamay ko.

Maya maya, parang may liwanag na tumabon sa mukha ko. Sa sobrang pagkaantok ko.. Hindi ko na lang pinansin yun.. May humawak rin naman sa noo ko kaso hindi ko pa rin naman pinansin yun.

"Nilalagnat?"

***Tiffany's POV***

Pagkalabas na pagkakabas ko nang campus, sinalubong ako nang isang kotse. Seriously, balak ba akong sagasaan nito? Bumukas naman yung bintana ng kotse nya saka magsalita sya.

Oo, pinuntahan pa ako ni Erin dito sa Campus para lang i-invite sa bahay nya. Naglakad kami papunta ng subdivision nya kaya lang nagkaroon ng emergency kaya naman iniwan nya ako bigla. Nag antay ako sa waiting shed na malapit dun kaso wala pa rin si Erin kaya umuwi na ako kaso may humarang sa aking kotse.

"Tagal mo." tinitigan ko lang naman sya! Wala akong magagawa kung may topak na naman ang kapatid ko!

"Ano naman sayo?" nanatili sya sa loob. Ako naman, umikot pa para lang buksan yung kabilang pinto ng kotse! Ang gentleman talaga diba?

Nanatili kaming tahimik sa loob ng kotse. Ayoko syang kausap, ganun din naman sya. Yan ang turingan naming dalawa!! Bakla kasi yan!

"Ano pang tinitingin tingin mo?" sabi nya nung makarating na kami sa mansion.

"Wala.." Lumabas na ako ng kotse nya saka sinipa ang gulong ng kotse nya. Hindi naman nya ako pinansin at lumabas na rin sya ng kotse nya.

***

Oooops! Nasan yung pouch ko? Nandun yung Flash Drive ko eh! Noooooohhh! San ko ba nalapag yun?

Nagalit naman si Mommy sakin ng malaman nyang nawala ko yun! Burara daw kasi ako. Kaya ayun, kahit madilim na sa labas, si Kuya ang inutusan ni Mommy para hanapin yung pouch ko. Ganyan sya kakawawa.

After ng tatlong oras, nakarating na rin si kuya ng bahay. Kaso...

NASAN YUNG POUCH KO?



BAKIT MAY DALA SYANG BABAE?

Cause I'm A Great ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon