PEKENG BULAKLAK

9 0 0
                                    

kung ang bato ay naging bulaklak itoy katakataka, dahil ang bato kahit kaylan hindi pweding maging bulaklak pero kung ang batong ito naging bulaklak, itoy dahil sa isang kauri nyang bato.

Isang luha ang nanggaling sa bato dahil inaayawan sha ng mga kauri nyang bato, dahil don naging bulak lak ang bato itoy naging masiyahin.

Umupo ang bulaklak malapit sa iniirog nyang bato madami shang ginagawa para mapansin ito ngunit ang iniirog nyang bato may gusto pala sa tunay na bulaklak.

Ang pekeng bulaklak ay naging malungkutin dahil nalaman nya na wala shang pag asa sa minamahal nyang kauring bato. Pero alam nyaba ang nasa saloobin ng batong ito, Hindi nya kayang mahalin ang pekeng bulaklak dahil itoy gumugulo sa pusot isip nya na baka itoy masaktan lang dahil sa mga salita ng kauri nyang mga bato.

Pero hindi naman ito ang nasa isip ng bato subalit ang nasa isip nito ay hindi kayang mabasa ng pekeng bulaklak,nag simula ng gumabi maraming mga bituwing nakakalat sa madilim na kalangitan parabang ito ay mga alitap tap sa puno kung saan dito sila nag titipon.

Ang laging nasa isip ng pekeng bulaklak ay ang batong minamahal nya pero natatakot syang umamin dahil ayaw nyang umasa lang sa wala dahil alam naman ng pekeng bulaklak na hindi magagawa ng batong iniibig na ibigin sha.

PEKENG BULAKLAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon