MY WATTY EXPERIENCE.. XD (Karanasan Ko Bilang Isang Lalaking Manunulat)

2.9K 76 41
                                    

My Watty Experience.

sleeplessguy0_0

****

Paano nga ba napadpad ang isang lalaking tulad ko dito sa wattpad?

Kahit ako mismo hindi ko din alam.. Basta nalaman ko nalang na eto ako, gumagawa ng stories. Di ko akalain. Sumubok lang naman talaga ako na gumawa ng story. As in, try lang, pag nakapost na ako. Hindi ko na ipagpapatuloy.

Ang pagkakatanda ko may problema ako nun. Tae. Bad terms ata kami ni *censored* non.. Kaya ayun, kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

At ayun nga, ang unang story ko ay nabuo dahil sa ka-emohan at boredom isama mo na rin ang insomnia..

"Sleepless Nights".

Napakatindi ng emosyon ng chapter 1 nun. Kahit wala PA kong karanasan sa paglalaslas, ewan, nagawa ko parin yung scene na yon. Oo, wala PA. Nagbabalak pa lang.. (lol)

Habang ginagawa ko kasi yung scene na ynn, iniisip ko na kunyare ako yung naglalaslas. iniisip ko na nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa bawat hiwa na naimamarka ko sa aking katawan.. kahit sa isipan ko lang talaga ginagawa pakiramdam ko nakakatulong na mabawasan ang problemang aking dinadala.

Madrama ba? Ganun talaga. Lahat ng tao nagiging madrama paminsan minsan.

Iniisip mo na siguro na.. "ahh..emo nga yan si sleeplessguy''

sinasabi ko na sainyo.

HINDI AKO EMO.

Kahit na ilang beses na rin akong nasaktan ng dahil sa *censored* di ko na babanggitin. Alam nyo na ang tinutukoy ko. Seven-letter word na nagsisimula sa P at nagtatapos sa G.

Kinabukasan, mga hapon ata yon. Binuksan ko yung wattpad account ko. Pagtingin ko sa story ko. May nagcomment.

Si EchelRonase.

Di ko sure kung tama yung spelling ko pero hindi ko yun makakalimutan. Sya ang unang nagcomment sa story ko.

Ahh.. Teka. Hindi pala una. Pangalawa lang pala kasi ako ang unang comment. At ang nilagay ko..

''hello''

Alam ko nagtataka kayo kung bakit yun ang nilagay ko. Ewan ko. Ako nga rin nagtataka eh. Para lang kasing tanga. Parang umaasa ako na may sasagot ng 'Hi' dun sa hello ko. At yun, may nagcomment nga. Hindi man nya sinagot yung hello ko. Napangiti naman ako ng comment nya. Sya din ang first fan ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Siguro wala ako dito kung hindi niya binasa yung story ko.

Isa pa sa nagtulak sakin na ipagpatuloy ko ang storya ko ay si..

''iloveyellow23' .

Iba pa dati ang pangalan niya non.

Nagcomment sya sa story ko. Sino ba namang hindi matutuwa kung isang sikat na writer ang magcomment sa story mo? :)

Di din nagtagal, nadagdagan pa ang comments sa story ko na iisa pa lang ang chapter. Hanggang sa dumami na ng dumami. Kaso, naisip ko...

Natuwa lang ba sila sa story ko kasi guy writer ang gumawa?

Siguro. Pero atleast may napapasaya ang story ko. Dun ko naisipan na ipagpatuloy na ang storya ko na nabuo dahil sa kaemohan at boredom isama mo na rin ang insomnia.

''Sleepless Nights''

Teka. Hmmm.. Parang pamilyar yung linyang yun? Ahh.. Ewan ko.

Ilan pang araw, nagulat ako kasi pumasok sa first page ng what's hot ang story ko. Natuwa ako kasi hindi ko talaga inaasahan. Tae! Kung ikaw din yon, sigurado matutuwa ka din. Ang mas lalo ko pang ikinagulat eh naging NO. 1 ang Sleepless Nights sa what's hot. Di nyo akalain no? Kasi ang sleepless nights ngayon ay sinipa papuntang page 6 ng what's hot. Haha. Pero mamaya na yon mga pare. Back to the story.

Unti unti ng nadadagdagan ang fans ko.. Simula sa isa, naging dalawa, tatlo.hanggang sa dumami pa. Tuwang tuwa ako pag nagbabasa ako ng comments, gumagaan ang pakiramdam ko. Alam nyo naman yung ibig sabihin ko no? Kung writer ka naiintindihan mo yung sinasabi ko. Kahit simpleng 'update' lang ang nakalagay. Sumasaya na ako. Ibig sabihin interesado sila sa storya ko na nabuo dahil sa kaemohan at boredom isama mo na rin ang insomnia.

"Sleepless Nights"

Tae. Yan na namang linya na yan. Pasensya na. Masyado lang talaga kong natutuwa sa storya kong nabuo dahil sa kaemohan at boredom isama mo na rin ang insomnia.

"Sleepless Nights"

Haha. Lol. Ang kulet ko! Oo na. Di ko na uulitin. pero.. Last one nalang pwede?? Bawal?? Bakit naman?? Ok. Anak ng!! Edi bawal..

..

..

..

..

..

..

..

..

..

..

..

Ang storya ko na nabuo dahil sa kaemohan at boredom isama mo na rin ang insomnia.

"Sleepless Nights"

Haha! Pasensya na!di ko mapigilan sarili ko eh. XD Sige. Hanggang dito nalang muna..tinatamad na ko eh.tsaka wala naman sigurong magcocomment ng ''update'' dito. Ang adik mo pag nagcomment ka ng ganun. Parehas tayo! ADEEEK!! XD

My Watty Experience (Karanasan Ko Bilang Isang Lalaking Manunulat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon