Whisper of Summer

23 1 3
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

....


January 16, 2020


"Ang daming alikabok. Ilang taon ba 'tong hindi nalinisan?"


Ito lang ata ang naging bukambibig ko buong araw dahil sa paglilinis nitong kwarto sa dati naming bahay. Kasama ko rin ang pinsan kong tulad ko ay nagrereklamo rin sa ginagawa niya. Wala naman siyang magawa dahil nangako ako sa kaniya na dadagdagan ko yung naipon niyang pera pambili niya ng bagong sapatos kapag tinulungan niya ako maglinis. 




May balak na daw kasing mag renta sa bahay na 'to pagkatapos ng ilang taon itong nakatengga at walang tumitira. Balak talaga itong bilhin pero nagbago ata ang isip nung titira. Syempre ay hindi rin naman papayag si mama na ipagbenta ito dahil ito na lang daw ang natitirang alaala sa amin ni papa pero nakumbinsi naman siya ng tiyahin ko na kahit ipa-renta na lang ito para kahit papaano ay may pagkakakitaan sila. Okay naman na siguro iyon kaysa naman ibenta, 'di ba? 




"Tulungan mo 'kong maglabas ng kahon doon sa kabilang kwarto." sabi ko kay Troy nang matapos naming linisin ang kwarto na pagmamay-ari nina mama dati.


"Tara,"




I didn't realize that my room was kinda small before. Malaki na naman ito para sa'kin noon. Or was it because I was just small back then?




"Parang daga lang ang nakatira rito noon, ah?" komento ni Troy na may halong pang aasar so i shot a glare on him.




"Parang nagbago na rin yata ang isip ko na dagdagan yung pambili mo ng sapatos, ah?" sabi ko kaya naman kaya kahit may gusto pa siyang sabihin ay hindi niya na itinuloy. Akala niya, ah.






I looked around in the room. Nakaramdam naman agad ako ng nostalgia nang makita ko ang mga paborito kong cartoon character kagaya ng power puff girls na nakadikit pa rin sa pader. Even the glow-in-the-dark moon stickers were still on the ceiling. Akalain mo nga naman. It feels like we just moved in yesterday, walang nabago, puro nga lang alikabok.




Sinimulan na naming maglabas ng mga karton at nagpispis ng mga alikabok. Pinagtulungan din naming alisin ang mga stickers na nakadikit kahit ang alam ko ay pipinturahan din naman ulit ang buong bahay. Ipapa-renovate rin kasi ito para medyo lumuwang at maging worth it naman ang pagtira ng mga gustong tumira pa rito. Nakaramdam naman ako ng kaunting lungkot. Living here feels like half of my life, so it's still quite saddening. Naisip ko tuloy, papayag kaya ang 10 years old self ko na ipabago ito?




"Ano ba 'yan, kahit sa ilalim ng kama may mga gamit pa rin." reklamo na naman ni Troy tsaka dumapa para hilahin pa ang mga gamit na nasa ilalim ng kama. Daming namang reklamo ng isang 'to.




 Hindi na ako nagsalita at tinulungan na lang siya. Maybe these are my toys before? Wala kasing dinala na gamit ko kagaya ng laruan sina mama noon dahil rason niya ay babalik at babalik kami dito kahit hindi naman. At saka medyo nagdadalaga na rin ako nung umalis kami dito kaya wala na ring naging kaso sa'kin ang mag iwan ng laruan.




"Oh, pakihila." aniya tsaka itinulak ang huling maliit na box. Nasa ilalim pa rin siya at parang may pilit pang kinukuha roon.




"Wala na ba?" tanong ko at tsaka siya lumabas. May hawak pa siyang maliit na bag na pamilyar sa akin kaya napakunot ang noo ko.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Whisper of SummerWhere stories live. Discover now