The world of fantasy (part 2)

32 1 0
                                    


I woked up feeling so tired.

–and amazed.

"Nasaan ako?"

"Gising kana Binibini!" ani Xiara na parang hindi ako kilala.

"What do you mean Xiara?"

"po? Hindi po ako si Xiara, ako po si Sara. Magkatunog lang po."

"Haha, are you pranking me? Did you guys set this up? kung oo, tama na kayo. I swear okay na ako."

Hindi naman ako nasiraan ng bait diba? Baliw na ba ako?

No!  This can't actually happen.

"This is not our room Xiara."

It looks like I'm inside a very ancient royal room.

"Hindi po ako si Xiara, si Sara po, isang katulong rito sa palasyo."

Palasyo? Now they're kidding me. This place looks expensive kung niloloko nga nila ako.

Napailing ako sa iniisip.

Hindi maaari, they're probably outside.

Tumayo na ako at binuksan ang pinto palabas ng kwartong ito.

At ang lugar sa likod ng pintong iyon ang nagpamangha sa akin.

Palasyo nga.

"No way.."

"Ipinapatawag po kayo sa bulawagan pagkagising ninyo at narito po ako para ihatid kayo roon," ani Xiara na sinasabing si Sara raw siya.

Even my clothes are different. I was wearing a white dress na hanggang ibaba ng tuhod ko.

Sumunod ako sa kanya hanggang makarating kami sa tapat ng malaking pinto.

May hile hilerang kawal ang nakatayo roon at pinagbuksan kami ng pintuan.

"Narito sila Binibini."

Is this a dream? It must be.

Pagkapasok sa loob ay bumungad sa akin ang isang trono at sa tronong iyon ay may nakaupong lalaki, si Nox.

Ngunit tila ibang tao ang nasa harapan ko ngayon, ibang iba ang kanyang aura sa Nox na kilala ko bagaman magkapareho at magkamukha silang dalawa.

Katulad niya yung mga karakter na nakikita ko sa mga Manhwa na binabasa ko, parang isang emperor ng isang kaharian.

"You're awake, how's your sleep?" tanong nito nang nakangiti.

However, I won't fall for that smile, I can sense something deeper into it. Afterall, I'm inside of an unknown territory, I'm not safe and they might have secret agenda prepared because of my sudden presence. They might think of me as an enemy.

Nanatili akong tahimik.

"I see.." anito saka umalis ngunit bago siya tuluyang mawala sa paningin ko ay nagsalita siya.

"Follow me, ipaliliwanag ko sayo ang lahat."

Katulad ng sinabi niya, narito na ako ngayon sa isang kwarto na sa tingin ko ay parang office niya.

It's just the two of us here so I felt a little uneasiness.

Malay ko ba, baka bigla niya nalang akong patayin rito wala man lang magmamalay ng pagkamatay ko.

"You saw a group of fireflies at the forest, yeah?" Tumango ako sa sinabi niya. "And because you were bored, you followed it," dagdag nito na ikinataas ng kilay ko.

"Eh aba malay ko bang dadalhin ako nun dito sa mundo niyo," palaban na sabi ko.

Hindi ko naman to ginusto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mitolohiya/PantasyasWhere stories live. Discover now