"Descirbe her in one word" sabi sakin ng tropa ko
Only one word to describe her? Huh,i think I already know what that one word is.
"Mysterious"
Ang pinag uusapan namin ng tropa ko ay yung babaeng palagi kong nakikita sa mga mall shows ko or kapag nagpeperform ako.
I'm Dean Cruz, 14 years old. I sing and act. Sikat ako dahil top 4 ako sa isang singing contest na show sa tv, dahil dun, naging artista ako.
Nagkaron ako ng mall shows and sa mga mall shows ko, palagi akong may nakikita na babae, palagi siyang nakasumbrero, kung hindi naman sumbrero, naka beanie naman siya. Palagi siyang nakablack na damit at yun ang dahilan kung bakit ko siya agad napansin.
__
May mall show ulit ako and sa tingin ko andun ulit yung babae n palagi kong nakikita. And tama ako, she was there, habang kumakanta ako ng Grow Old With You, nakatayo siya sa malayo, she was wearing a black jacket na may Vans sa harapan. Wala na siyang suot na hat or beanie.
Habang kumakanta pinagmasdan ko siya, nakayuko siya kaya di ko masyadong maanig ang mukha niya. Her hair is brown and I think magkasing height kami or mas matangkad ako ng kaunti. Nakashorts lang siya and she is wearing a black shoes den.
Yung bag niya backpack tapos kulay black den pero hindi siya talagang black na black, may iba pa itong kulay.
Nakayuko padin siya ng matapos na yung kanta.
"Now, next na kakantahin ko ay, Tadhana by Up Dharma Down" sabi ko sa mga audience. Napansin kong bahagya siyang napangiti. Siguro favorite song niya ay Tadhana.
"Sa hindi inaasahang~"
Hanggang sa matapos ko ang kanta nakatingin padin ako sakanya. Madami pa akong kinanta at parang may palaro pa sa mga audience. After ng mall show, madami ang nagpapicture sakin.
Nung kumonti na ang mga tao, at paalis na kami hinanap ng mga mata ko yung babae. Nakita ko namang andun padin siya pero nakatalikod siya. Napansin kong may pinaglalaruan siya, isang singsing? Lumapit pa ako para mas makita ko ang pinaglalaruan niya, hindi nga niya ako napapansin na nasa likod na pala niya ako eh.
Kakalabitin ko na sana siya kaso bigla akong tinawag ng manager ko
"Dean! Halika na" sabi niya sakin, napatigil yung babae at nabitawan pa niya yung singsing na pinaglalaruan niya. Agad siyang naglakad ng mabilis. Hindi ko na siya nahabol kasi biglang may mga fans na humarang.
Ngumiti ako at yumuko, yung mga guards humarang na. Napansin kong may itim na singsing sa lapag. Pinulot ko yun at itinago muna sa bulsa ko. Nang makarating kami sa sasakyan. Kinuha ko ang singsing mula sa bulsa ko at tiningnan iyon ng mabuti. May design siya na butterfly, tapos may nakaukit na 1 W.
___
Someone's POV
Hay! Nasa likod ko ba kanina si Dean? Oemgee
"Oy!" kalabit sakin ng kaibigan kong si Yannah
"Oy ka din"
"Sira! Oh ano, tapos na ba?" tanong niya sakin
"Oo tapos na kaya ng andito na ako diba" sagot ko sakanya. Naglakad kami patungong Mcdo para kumain.
Umorder muna kami at ng makuha na namin ang order namin siaka naman namin ito nilantakan habang nagkwekwentuhan
"Bakit ba kasi hindi ka nalang makisali sa mga fans niya na nakaupo, kesa nasa malayo ka pa. Buti nakikita mo siya" ani ni Yannah
"Hahaha. Magaling kasi ako kaya nakikita ko padin siya kahit malayo ako" proud na proud na sabi ko
BINABASA MO ANG
1 word ( JUAN KARLOS FANFIC )
Short Story"Descirbe her in one word" sabi sakin ng isang tropa ko Only one word to describe her? Huh,i think I already know what that one word is. "Mysterious"