Chapter 2

1.4K 19 6
                                        

"Tulala ka d'yan?" tanong sa'kin ni Zaira.

Nandito kami sa library para ipagpatuloy yung thesis namin. Natapos ko na yung part ko kagabi. Hindi rin kasi ako nakatulog dahil sa nangyari, kaya sila na ang gumawa ng kanila.

"Ayan ba yung na-ground ka sa room? Masakit pa?" tanong ni Crissie.

"Okay na... nilagyan ko na... ng cream kahapon," sagot ko.

Bigla kong naalala yung nangyari kahapon.

"Nand'yan si Sir," bulong ni Jeska.

Hindi ko mapigilang kabahan. Napakurap ako nang sunod-sunod. Sumilip sila sa likod para tingnan kung nand'yan nga si Sir Kai. Maya-maya, narinig ko ang mga yabag—papalapit sa table namin.

"Sir, okay po ba 'tong nilalagay namin sa objectives?" tanong nila.

Lumapit siya sa amin. Napatingin ako sa kanya, at tumingin din siya sa'kin bago bumaling sa laptop.

"Eh ito, Sir? Okay po ba 'to?" dagdag nila.

Nagulat ako nang pati yung gawa ko ay ipinakita sa kanya.

"Mas okay 'to. Specific," sagot niya.

"Syempre, Sir, gawa 'yan ni Ara eh," puri ni Jeska.

Napangiti na lang ako at napatingin sa kanya. Nakatingin siya sa'kin habang bahagyang tumatango.

"Kailan ba defense n'yo?" tanong niya.

"Next week na, Sir. Isa po ba kayo sa magiging panel?" tanong ni Zaira.

"Depende kung nando'n ako sa faculty. Pero sige, try ko," sagot niya.

Napatingin siya sa'kin bago bumaling ulit sa mga kaibigan ko. Pagkatapos, nagpaalam na rin siya.

Napabuntong-hininga ako.

"Crush ko na siya!" biglang tawa ni Zaira.

Wala na kaming nagawa kundi maki-kwentuhan at tumawa. Ilang beses na kaming sinaway, pero hindi pa rin kami tumigil.

Pumunta kami sa next class dahil biglang nag-announce ng quiz—items 1 to 15 lang naman. Buti na lang, kahit hindi ako masyadong nakapag-review, may naaalala pa rin ako.

"May promo d'yan sa New Coast Hotel... 4 pax na siya. Magkano nga ba 'yon?" sabi ni Zaira habang nag-i-scroll sa cellphone niya.

Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ng hotel na 'yon. Parang bumalik lahat ng alaala na pilit kong kinakalimutan.

"Mahal do'n, anteh. Wag do'n," singit ni Crissie. "Wala na nga akong makain, sabay mag-staycation pa," dagdag niya sabay tawa.

"Para sa celebration na lang natin pag graduate na," suhestyon ni Zaira.

Sumang-ayon naman sila.

Ako?

Tahimik lang, nag-iisip.

"Ikaw, Ara? Any suggestion?" nakangiting tanong ni Zaira.

"Pag-iisipan ko pa," sagot ko.

Sumimangot naman siya.

Palabas na kami ng school para magtanghalian sa labas. Mas masarap kasi yung mga lutong ulam doon kaysa sa canteen.

Habang nagkwekwentuhan kami, napansin ko si Sir sa sasakyan niya.

Napatingin ako sa mga kasama ko kung napansin din nila, pero mukhang ako lang ang nakakita. Binalik ko ang tingin ko sa kanya—at may kasama siya sa loob ng kotse.

Habang papalapit kami, bumaba ang kasama niya.

Yung babae.

Yung ex niya.

Professor After DarkStories to obsess over. Discover now